EPILOGUE:

473 13 0
                                    


••• AFTER FIVE YEARS •••

MASAYA si Razel habang nasa harap ng mga taong malalapit sa kanya at sa mga guest na dumalo para sa lauching ng kanilang bagong Labas na model ng sasakyan. Hindi mawari ang nararamdamang saya ni Razel na Naging maganda ang takbo ng Sipat Car Industry. Kahit na kung minsan lang siya makita sa Kompanya dahil busy siya noong sa pagsusuyo sa babaeng si Yen na ngayun ay asawa niya na.

"Let's all welcome in stage, The CEO and Owner of SIPAT CAR INDUSTRY. Mr. Razel Huert Sipat." Anito ng Emcee bilang pakilala sa kanya at pagbibigay ng speech para sa launching ng bagong model ng Sasakyan. "To give us an opening speech for tonight." Dagdag pang sabi ng Emcee saka naman at naglakad si Razel papunta sa stage at siya naman ang pagpalakpakan ng mga taong dumalo sa launching.

Nang makarating sa stage ay Naglakad si Razel patungo sa microphone para magbigay ng opening speech.

"Good evening everyone." Panimulang sabi ni Razel. "First of all, I want to Thank God for always there for us. To my employees and to all people behind the success of  SIPAT CAR INDUSTRY, Mula sa Mababa hanggang sa mga investors. Thank you for your efficient services and hard work. Kung wala kayo, hindi rin mararating ng kompanya ang Success nito. Kaya naman, please accept my heartfelt thank you to each and every one of you."

Saka napadako ang tingin ni Razel sa anak na si Yenzel. His six years old daughter. Ngumiti naman ng malapad ang anak sa kanya. "To my daughter, thank you for always giving courage and inspiration to work really hard. Salamat sa pagmamahal niyo ng Mama mo."

"You're welcome, Dad." Nakangiting sabi ni Yenzel kay Razel at napangiti naman siya sa sinabi nito. "I always love you together with Mom." Dagdag pang sabi ni Yenzel saka tumingin at humalik sa ina nitong si Yen.

At napatingin si Razel sa gawi ng pinakamamahal na asawang si Yen ang love of his life. Todo ang ngiti niya basta makita ang asawang si Yen na nakangiti rin sa kanya.

"To my wife. Yen Scarlet Villanueva Sipat, Ang pagpapasalamat ay hindi sapat para sa lahat ng bagay na ginawa mo sa akin. Hindi ko na mabilang pa ang ibinigay mong saya sa puso ko. Instead of Thank you let me say I really love you for the rest of my life." Anito ni Razel habang nakatitig sa asawang si Yen napuno ng pagmamahal ang mga mata.

Saka tumingin naman si Razel sa buong paligid kung saan naroon ang mga guests para sa launching ng kanilang bagong sasakyan.

"At sa lahat na nandito ngayung gabi, Thank you for coming in our Launching of our new Car Model. Have a good night. Once again welcome to our Launching Night." Anito ni RaZel sa lahat ng tao na nasa hall para makita ang bagong Car model ng kanilang kompanya. "To all of you, this is the new Car model of SIPAT CAR INDUSTRY, THE YENZEL" Dagdag pang sabi ni Razel saka itinuro kung saan ang sasakyan kasabay naman noon ang pagpapakita ng sasakyan. "And enjoy the rest of the night."

Habang nasa stage pa si Razel nakita niya kung anu ka mangha ang mga tao sa bagong model ng sasakyan nila. At pagkatapos maipakita ang bagong Car Model saka naman siya naglakad palapit sa mesa kung saan ang asawa at anak niya pati na rin sina Junbert at Maria Ila na siyang childhood friend niya, kasama ang napakakulit na kambal nitong anak na sina Jun Ezekiel  Benedict at Benedict Jun Exodus.

Nang makalapit si Razel sa asawang si Yen, kaagad naman na ginawaran niya ng isang napakapusok na halik ang mga labi nito.

"Parang diyamante ang kagandahan mo, Ling." Bulong ni Razel sa tainga ng asawang si Yen.

"Napakabolero mo, Ling." Sagot ni Yen sa asawang si Razel saka ngumiti nang malapad.

"Hindi kita binobola, Ling. Totoo ang sinasabi ko sayo ikaw ang pinakamaganda ngayung gabi." Anito ni Razel kay Yen saka hinalikan na naman ang mga labi ng asawa.

UNNOTICEABLE LOVE SERIES #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon