CHAPTER 24:

466 10 2
                                    


ILANG minuto lang nakita ni Yen si Razel na papasok na sana sa sasakyan nito.

"Razel, Sandali lang!" Pigil ni Yen kay Razel.

Sinarado ni Razel ang pinto ng kanyang sasakyan at tumingin sa dalagang si Yen habang palapit ito sa kanya.

Nang makalapit na si Yen kay Razel, tumingin siya sa mga mata ng binata na walang emosyon. "Saan ka pupunta? Ha? Huwag mong sabihin na naapektuhan ka sa sinabi nina Mae at Marianne. Alam mo namang hiwalay na kami ni—" Anito ni Yen kay Razel saka pinutol naman ng binata.

"Wag na wag mong sasabihin ang pangalan ng lalaking yan dahil umiinit ang ulo ko." Anito ni Razel kay Yen saka matamang tinitigan niya ang dalaga. "Yen, simula pa noong mga bata pa tayo alam mo na ang ugali ko. Basta may nakapalibot sa mga taong importante sa akin, naiinis at nag-iinit ang ulo ko. Lalo na kapag ikaw ang pag uusapan." Pagpapakatotong sabi ni Razel kay Yen saka bumuntong hininga.

Tinitigan ni Yen ang mga mata ni Razel. "Iyan ba ang rason mo? Kung Bakit ka umalis sa harap nang mga kaibigan natin?" Anito ni Yen kay Razel saka gumuhit ang isang ngiti sa mga labi niya.

"Oo, at anu naman ngayun sayo? Simpleng atraksiyon lang naman ang nararamdaman mo sa akin di ba?" Anito ni Razel kay Yen saka nag iwas ng tingin sa dalaga.

Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Yen saka sinapo ang mukha ng binata. "Razel, Alam ko ang ugali mo noong kabataan natin pero ngayun hindi na kita kilala nag iba ka na ata pero nang makasama kita muli. Na realize ko na importante ka rin sa akin. Ikaw ang taong nagpakawala ng puso ko sa hawla nito. Hindi ko alam kung papano mo nagawa yon. Pero isa lang ang alam ko, Gusto kita." Pagpapakatotoong sabi ni Yen sa harap ni Razel saka ngumiti ng malapad.

Habang nagsasalita si Yen at unti unting gumuhit ang isang ngiti sa mga labi ni Razel. "At hindi mo kayang paligayahin ang sarili mo sa gabi di ba? Kaya kailangan mo ako, Darling. Ako lang ang may kayang magpaligaya sayo, Yen." Nakangising sabi ni Razel kay Yen saka niyakap ang dalaga at hinalikan nito ang noo niya. "Walang iba kundi ako lang! Di ba, Ling?"

Naiiling na napangiti si Yen sa mga sinabi ni Razel. "Gago! Ang aga aga kamanyakan na agad ang iniisip mo, Ling." Anito ni Yen kay Razel saka ngumiti.

Gosh! Anu ba yan parang nasasanay na akong tawagin siya nitong Ling ahh. Huhuhu. But I like it! Anito ni Yen sa kanyang isipan saka ngumiti ng marahan. My Darling!

Napangiti si Razel sa sinabi ni Yen. "Oi, ikaw Ahh... Nasasanay ka nang tawagin akong Ling. Saka ang ganda ng ngiti mo ahh! Baka ako'y matunaw niyan." Anito na razel kay Yen saka ngumiti nang nakakaloko.

"Oo nga eh! Kaya mula ngayun wag na wag ka nang magselos sa mga taong nakapaligid sakin, Ling." Anito ni Yen kay Razel saka ngumiti.

Ngumisi si Razel kay Yen. "So, Okay na ba ang ganyang ngiti para samahan mo ako patungo sa kung saan tayo dahlin nitong sasakyan ko?"

"Tayong dalawa lang?" Nakakunot ang noong tanung ni Yen kay Razel saka tumango naman ang binata sa kanya. "Paano ang mga kaibigan natin rito?" Dagdag pang sabi ni Yen kay Razel habang magkasalubong ang kilay niya.

Nagkibit balikat lang si Razel sa nga sinabi ni Yen. "Wag mong isipin ang mga yan. Mabubuhay ang mga yan nang wala tayo, kaya tara na."

Nagtatambol sa lakas ang tibok ng puso ni Yen sa mga sinabi ni Razel. At hindi niya maitago ang mga ngiting kumawala sa mga labi niya.

Gosh! Iba talaga ang isang to, Hayss... Darling basta ikaw talaga hindi ko maayawan. Anito ni Yen sa kanyang isipan saka ngumiti. Pero teka? Hindi pa niya naiikwento ang tungkol sa girlfriend niya ahh.

UNNOTICEABLE LOVE SERIES #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon