Chapt 1|The Bully

315 21 24
                                    

Tago-taguan maliwanag ang buwan.....👀

Pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo.......👀

lsa, dalawa, tatlo......👀

Sandaling napatigil sa pagsasalita ang isang bata ng lapitan siya ng isang batang lalaki. Mag-isa ito at tila walang kalaro.

"Puwede bang sumali?" nagmamakaawang saad nito sa isang grupo ng mga bata.

Sumama ang timpla ng bata na siyang pinakamalaki sa grupo. Lumapit siya sa nagmamakaawang bata.

"Puwede bang tumabi ka riyan? 'Di ka bagay sa amin. Maliit ka!" Matapos ay itinulak nito ng may puwersa sa balikat ang batang gustong sumali.

Napaupo na lamang ang bata dahil sa lakas ng pagkakatulak sa kaniya. Naitukod niya ang kamay at namula ang palad kasabay ng pagkakasaldak sa lupa.

Agad nagsipulasan ang grupo palayo sa nasaktang bata na noo'y napayuko na lamang.

Hanggang sa umalingawngaw ang malakas na tunog ng bell.

Nagwawalang nagsilabasan na ang mga bata. Uwian na nila matapos ang pag-aaral at paglalaro.

Kasama roon ang batang b-in-ully. Hawak-hawak nito ang kamay na namumula. Kaagad itong sinalubong ng kaniyang ina na may pag-aalala.

"O anak, napaano 'yan?" Hinawakan agad nito ang kamay ng anak at marahang pinisil.

"Wala po, Mom. Nadapa lang po ako."

"Huh?! Sa susunod mag-iingat ka huh?" saad nito. Isinakay na niya ang anak sa kotse pauwi.

"Opo, Mom."

Magkasama na nilang nilisan ang labas ng eskuwelahan. Sakay ng kotse ay iniuwi na nito ang anak. Kaagad naman nitong ginamot ang namumulang kamay ng bata. Marahan itong nilinisan ng ina. Nilagyan ng antibiotic at binalutan ng benda.

"O ayan, anak. Okay na."

"Thanks, Mom," saad ng bata sabay yakap sa ina.

Mayamaya, halata ang pagpasok ng ama nito na mukhang may itinatago sa likuran.

"Hulaan mo kung ano ang nasa likod ko, anak?"

"Toys po ba 'yan?"

"Ikaw talaga mukhang kabisado mo na si daddy. For you anak," abot nito sa isang box na may lamang isang super hero na toy.

"Wow! Ang ganda, Dad," manghang wika ng anak nito na hindi maipinta ang mukha sa kasiyahan.

"Sabi sa'yo e. Reregaluhan kita niyan."

Binigyan niya ng isang mahigpit na yakap ang dalawa. Magkasama nila itong pinatulog. Nang makatulog na ito ay iniwanan nila ito ng marahang halik sa noo at nilisan ang kuwarto ng bata.

Ako si Shane, pitong taong gulang pa lang ako. Madalas ma-bully sa school dahil sa height ko. Pero kahit na ganoon, hindi ako pinababayaan ng mga magulang ko. Mahal na mahal nila ako. Sobrang bait nila kaya kilala sila sa street namin.

--
Kinabukasan, ang ama naman nito ang naghatid sa anak sa eskuwelahan. Kinawayan nito ang anak habang na papasok sa loob ng school.

Playtime na. Masayang naglalaro ang lahat ng bata sa playground ng school. Sa pangalawang pagkakataon ay nilapitan si Shane ng mga bata na tumulak sa kaniya.

My BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon