Malakas na tumunog ang bell kaya nagsipag-uwian na ang lahat ng college students. Sa isang banda ng campus, may isang grupo na tumawag ng pansin kay Shane.
"Uy, Shane." Napalingon ang tinawag. Ang kumuha ng atensiyon niya ay sina Nyssia, Ivy, Ray, Karen, Don, at Paul. Classmates ni Shane.
"Bakit?" ngiting saad ni Shane.
"Sama ka. Lalabas kami," akit ni Nyssia.
Umiling si Shane. "May research pa ako e."
"Ano ba Shane? 'Di ba classmates mo kami? Sumama ka na. Sabay-sabay na lang nating gawin 'yung research," pangungumbinsi ni Paul.
"Oo nga. I-send ko na lang sa 'yo. May pinagawa na ako riyan," anas ni Karen na gano'n din ang motibo.
Napangiti si Shane at mukhang napanatag ito dahil hindi na niya kailangang mag-research.
Sumama siya sa mga kaklase patungo sa isang bar. Madilim doon at iba-ibang ilaw lang ang makikita na masakit sa mata. May mga teenager din dito na masayang nagsasayawan. Tahimik lamang si Shane na pinagmamasdan ang paligid.
"Ano, Shane? Inom na," alok ni Ivy sabay abot nito ng isang bote ng beer.
"Hindi ako umiinom e," pagtanggi ni Shane na itinulak palayo sa kaniya ang bote.
"Ano ba 'yan? Para ka namang others. Ngayon lang naman ito e," angil ni Ray. "Try mo, masarap 'yan."
Hinawakan ni Shane ang bote at matagal na tinitigan ito. Chini-cheer naman siya ng mga kasama.
"Iinom na 'yan! Go! go! go!"
Dahan-dahan niya itong nilagok hanggang sa maubos niya ito. Tuwang-tuwa naman ang mga kasama niya. Medyo sumama ang mukha ni Shane dahil first time pa lang niya ang uminom.
Habang tumatagal ay nawawala na sa sarili si Shane. Sunod-sunod na ang pag-inom nito na ikinagulat ng kaniyang mga kasama. Wala na rin ito sa sarili habang sumasaliw sa malakas na kabog ng mga speaker.
Enjoy na enjoy siya kasama ang mga kabarkada hanggang sa nagsiuwi na sila. Iniwan nila si Shane sa bar. Tulog sa isang table.
"Sir, magsasara na po kami," saad ng waiter. Patuloy nitong niyuyugyog sa balikat si Shane.
"Mamaya na, ano ba?!"
"Pero, Sir? Magsasara na kami."
Lasing na lasing ang binata. Kinapa ng waiter ang bulsa ni Shane upang kuhanin ang cellphone nito. Nakita niya ang number ng mga magulang nito kaya agad niya itong tinawagan. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na ang mga ito.
"Nasaan si Shane?" alalang tanong ng ina nito.
"Nandoon po sa table na 'yun," turo ng lalaki. Kita ng nahahabag na ina ang anak na lasing na lasing na.
"O sige tulungan mo ako. Isakay mo siya sa kotse."
Pinagtulungan nilang buhatin at isakay sa kotse si Shane. Pag-uwi nila ay agad siyang inasikaso ng ina. Puro suka na ito kaya pinunasan na muna niya ang anak para tuluyan nang makatulog at mahimasmasan ng kaunti.
Kinabukasan ,nagising na lamang si Shane dahil sa sakit ng ulo. Mukhang may hang over pa siya kaya nagtungo siya sa kusina. Kumuha ng isang bote ng softdrinks at agad itong nilagok.
Agad din siyang kumain at naligo dahil papasok pa siya sa school.
"O anak, papasok ka na?" tanong ng ama nito.
"Yes, Dad. Baka ma-late ako," sagot ni Shane.
"Teka, kumain ka na ba?"
"Di' na, Dad. Busog pa ako."
BINABASA MO ANG
My Blood
FanfictionHanda mo ba'ng ipaglaban ang pagmamaalan niyo?Kahit na humatong kayo sa bingit na kamatayan na nagbabadya sa inyong buhay?At ang akala mo'ng kilalang kilala mo na ay isa lamang palang malaking pagkakamali na akala mo ay hindi sila.Na sila pa ang mag...