Chapt 26. Saved

38 8 2
                                    

Flashback.

Ng makapag higanti na ang ama ni Mitch sa dahilan ng pagkawala ng kaniyang anak. Ay walang awang pinatay nito si Shane. Idinamay pa nito ang walang kamuwang-muwang na si Eunice.

Matapos patayin ay itinapon niya ang dalawa sa ilog sa likod ng kubo. Pero hindi rin naitago ang kaniyang ginawa at nahuli din siya.

Naiwang nagpa-palutang-lutang ang katawan ng dalawa sa ilog. Hanggang sa anurin ito palayo. Umabot sa mababaw ng parte ng ilog dahilan para matigil sa pag anod ang katawan ng dalawa.

Ng araw rin'g iyon ay isang matandang lalaki ang matamang nangangahoy sa gubat. Mag-pa-pahinga sana ito sa tabi ng ilog, sa ilalim ng puno ng may mapansin ito sa tabi. Isang babae. Sa takot niya ay napaupo ito. Pero nanaig ang pagnanasa nitong makatulong. Kaya nanginginig man ay lumusong ito sa tubig at dahan-dahang lumapit sa katawan ni Eunice.

Pinulsuhan nito ang babae. Nanlaki ang mga  mata ng matanda ng mapagalaman na buhay ang babae. Kaya dali-dali niyang binuhat ito at iniahon sa tabi. Pero natigilan ito ng matanaw ang isa pang katawan na ilang distansya ang layo kung saan niya nakita ang babae.

Mabilis niyang iniahon ang babae at binalikan ang lalaki, si Shane. Katulad ng ginawa niya kay Eunice ay pinulsuhan niya ito. Katulad ng una ay tumitibok pa ito. Pero hindi na gaanong kalakas ang pintig. Dahil sa natamong pinsala at tama ng baril sa likod.

Ang sugat ng dalawa ay nalinis  ng tubig. Hindi napunta sa pagka-infection. Kaya natulungan ang white blood cells ng dalawa na isara ang sugat. Dahil sa ilang oras sila na nakababad sa tubig. Dinala sa mababaw at umangat ang mukha kaya hindi sila nalunod.

Hindi alam ng matanda kung ano ang gagawin niya. Kaya gamit ang isang mahabang kawayan ay magkabila niyang isinabit ang dalawa. Buong lakas na binuhat ang dalawa kahit mahirap iyon sa sitwasyon niya.  Tinapalan niya ng talbos ng bayabas ang sugat ng dalawa. Para matulungang lalong gumaling. Tinalian niya ito mula sa pinunit na jacket niya.

Dahil malayo pa ang bahay niya kaya inabot ang matanda sa gubi. Napaka layo ng nilakad nito mula sa ilog. Katulad ng kubo na tinuluyan nina Shane at Eunice. Sa gitna rin ng gubat nakatirik ang kaniyang munting kubo. Pero ang kaibahan nito ay tabing dagat na ang kaniya.

A\N:

Ang matanda ay isang manggagamot at naglalakabay siya sa mga gubat-gubat para maghanap ng halamang gamot. And at the same time ay mangahoy na rin. Kaya ganu'n na lamang niya ka-kabisado ang mga napupuntahan niyang gubat. Ganu'n na lang niya kadaling pinitas ang talbos ng bayabas para itapal sa sugat ng dalawa.

Alas otso y medya na ng makarating ang matanda sa kaniyang munting tirahan. Kaagad niyang inasikaso ang dalawa. May sapat na higaan ang tirahan ng matanda na may mag kabilang papag lamang.

Kaya magkahiwalay niyang inihiga ang dalawa. Nilinis nito ang mga katawan ng dalawa. May ginawang orasyon o parang isang ritwal ang matanda sa kaniyang panggagamot. Isang gasera lamang ang nagsisilbi nilang ilaw. Mula sa anino ay makikita ang tila pag dadasal ng matanda hawak ang kakaibang halaman. Kung tawagin ay lagundi. Kasunod ay ang pagtapal nito sa buong katawan ng dalawa ng malapad na dahon ng melina.

Pero ang tunay na kamangha-mangha. Ang pag kuha nito ng bala sa katawan ng dalawa. Hinampas-hampas nito ang parteng may tama ng bala ng tingting. Kaya halata na ang pamumulang guhit sa katawan ng dalawa. Ito ang nagsilbing anesthesia ng matanda.

Mayamaya ay may pinahid itong langis at idinangga sa mainit na ilaw. Gamit ang chani ay dinukot nito ang bala sa katawan ng dalawa. Walang pagkislot ang makikita sa dalawa. Ibig sabihin lamang ay walang sakit ang ginawa ng matanda.

Mga ilang oras niyang ginawa 'yun hangang makuha niya ang bala at ilagay sa isang lalagyan. Tinalian niyang muli ang sugat.

Lumabas ito para mag pahangin ng matapos ang ginawang ritwal niya sa panggagamot. Malakas ang hangin dahil tabing dalampasigan. Kaya sa labas lamang niya inubos ang oras habang nakaharap sa nagniningas na apoy.

Wala na rin kasi siyang mapwestuhan dahil sa dalawa niyang pasyente. Kaya sa labas na lamang ito naupo hawak ang baso na may mainit na salabat.

Habang nagmumuni-muni ito ay may kinuha ito sa bulsa isang litrato ng isang lalaki ang makikita. Kasama siya nito.

Nag balik-tanaw sa utak niya 'yung mga panahon na tinulungan niya ang lalaki. Dahil sa isang helocapter na bumagsak  sampung taon na ang nakakaraan. Namataan niya ang lalaki sa dalampasigan na walang malay. Kaya ginamot niya ito.

Hanggang sa gumaling ang lalaki. Naging malapit ang lalaki sa kaniya dahil sa pag sagip ng matanda rito. Pero lahat ng iyon ay nawala ng malaman ng lalaki ang lahat. Nagkaroon ito ng amnesia dahil sa pagcrush ng helocapter. Pero itinago ito ng matanda ng ilang taon sa lalaki. Kaya nang makaroon ito ng pagkakataon ay nagtapat ang matanda. Sa una ay hindi makapaniwala ang lalaki.

Dahil ang alam niya ay ama niya ang matanda. Pero marami pang ipinagtapat ang matanda. Kaya nagalit ang lalaki. Doon ay naglayas ito. Hindi na ito bumalik sa isla.

Araw

Linggo

Buwan

Taon

Ang hinintay ng matanda. Na inakalang babalik pa ang lalaki pero wala. Walang natupad sa mga dasal niya. Tuluyan na siyang kinalimutan ng lalaki. Kaya tinanggap na lamang ito ng matanda. Dahil alam niyang mali rin ang ginawa niya.

Lahat ng iyon ay naalala ng matanda. Hanggang sa dalawin siya ng antok. Yumukyok na lang sa tabi ng apoy habang nakabalot ng kumot ang katawan.

My BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon