Chapt 17|I Can't Fight This Feeling

58 9 10
                                    

5:00 Pm.

Kasalukuyang nasa kwarto niya si Eunice. At palinga-linga sa pinto baka sakaling pumasok ang binatang si Shane.

Ngayon na kasi ang oras ng kaniyang pagtakas. Hindi madali ang kaniyang sitwasyon dahil malakas ang pakiramdam ni Shane.

Napaka lakas ng kabog ng dibdib ni Eunice. Na tila may nag uunahang mga kabayo sa dibdib niya. Dahil walang kasiguraduhan na makakatakas nga  siya ng tuluyan.

Madilim na sa paligid dahil gubat. Oo nasa kalagitnaan sila ng kagubatan ng Sligo. At maririnig na rin ang mga kuliglig sa paligid. Na tila nakababasag na katahimikan ang umaalingaw-ngaw. Nakaupo lamang si Eunice sa kama. At pinapakiramdaman kung nasaan na si Shane.

Dahil mula kaninang lumabas ito bago maligo.Hindi na niya ito napansing pumasok ng bahay at mukhang nakatambay lamang ito sa labas.

Sumilip siya sa isang maliit na butas. At may nasilayan siyang isang liwanag. Dilaw na liwanag na galing sa isang timbon na apoy. Lumalagablab ito sa lakas na pumuputok putok pa dahil sa tuyo ang kahoy.

At makikita sa reflection sa mata ni Shane ang nag niningas na apoy. Kasabay pa noo'y ang naglalagablab na asik ng pagkatao niya. Tila uhaw ito sa dugo na gustong kumitil at langhapin ng buo.

Nag mumukha siyang isang gutom na lobo. Na nagbabalak na sumalakay sa isang maamong usa. Na walang kaalam alam sa plano pag babanta ng lobo,si Shane.

Sa mga ilang minutong nakasilip si Eunice sa butas. Wala siyang masilayan kun'di ang malakas na nag niningas na apoy. Na unti-unti ring humihina dahil sa kanina pa ito lumiliyab.

Pero hindi niya maramdaman ang yapak ni Shane. Hindi niya malaman kung nasaan ito. Kaya tinubuan siya ng kaba sa dibdib. Baka kasi may plano na ito. At sa kasalukuyan ay patayin na lamang siya.

Lumingon kaagad siya sa likuran sa may binata. Inisip niya na bakas mula sa binatana ay punasok si Shane roon at kitlin na lamang ang buhay niya

Kaya bumalik ito sa pagkakaupo sa kama. At mayamaya ay naisipan nitong tumingin sa labas mula sa binta. At nasilayan niya ang maitim na kalangintan at paligid. Lubhang nakapangingilabot dahil sa dilim nito.

Mga ilang saglit pa ay naramdman niya ang pagbukas ng  pinto mula sa harap ng bahay. Kaya agad siyang sumilip sa butas. At nasilayan niya ang madilim na anino ng binata. Hindi niya maaninag ang mukha nito.

Mga ilang saglit pa ay may kinuha na ito sa tagiliran. Isang matalim na bagay kaniyang nasilayan. At ang kintab nito na nag reflect ang liwanag mula sa nag niningas na apoy. Oo isang kutsilyo ang nakita niya. Bago nito tunguhin ang kwarto ni Eunice ay lumingon muna ito sa labas at muling ibinalik ang tingin sa gawing pintuan ng kwarto ni Eunice.

Mas inkinahulat at ikinatakot ni Eunice. Dahil mula sa madilim nitong mukha ay may nasilayan na siya. At 'yun ang nagpasindak sa kaniya. Dahil mula sa madilim na mukha nito ay nakita niya ang mga mata nito medyo mapula na may masamang tingin. Ang mga ngipin nito na halos ma's tumalim  pa dahil sa gigil

Eunuce POV.

Oh my god.

Siya na ba yan!?"

Nandiyan na siya.

Nakakatakot ang mukha niya.

Kanina lamang ang amo nito pero ngayon usal hayop na sa galit.

Tama nga ako hindi dapat ako nag tiwala sa kaniya.

Yeeeeeeh

Dyos ko tulungan nyo ako.

My BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon