Chapt 20. Stalker

38 10 3
                                    

Flashback

Someone's POV.

Nandito ako ngayon. Sinusundan ko 'yung babae na nakabangga sa akin. May kakaiba kasi ako'ng pakiramdam sa kaniya. Halata na kasi sa mga mata niya 'yung parang umiiwas siya sa akin.

Hindi naman sa pinag-hihinalaan ko siya. Pero pakiramdam ko kasi may iba sa kaniya na dapat ko'ng malaman.

Alam n'yo naman ang trabaho ng mga pulis. Kaya sinundan ko siya. Mula noong lumabas siya ng super market. Pagka-para niya ng grab. Sinundan ko na agad siya.

Mabilis ako'ng nagtungo sa may parking lot kung saan nakaparada ang aking sasakyan. Marahan ko siyang sinundan. Hindi ako nag pahalata sa kaniya. Kaya ilang distanya ang layo ko sa kaniya.

Napansin ko na lumiko siya sa may kanto. Kaya lumiko na rin ako.

Tapos tumigil siya sa isang bahay.  Sa tingin ko sa kaniya iyon. Tapos mayamaya ay lumabas siya ng pinto na may dala-dalang bag.

Medyo napaisip ako.

Hindi kaya may lakad lang ito?

O kaya mag-a-out of town kaya maraming dala.

Mayamaya ng makasakay na ito. Ay umalis na rin agad. Dumaan ito sa tabi ko kaya yumuko ako. Mabilis ako'ng sumunod.

Tulad kanina ay dumistansiya ulit ako ng malayo sa kaniya.

Nag patuloy sa pag sunod sa kaniya. Nag tataka ako kung bakit parang papunta siya sa gubat.

Ano ba'ng meron sa babae na ito?

Bakit parang sinasabi ng isip ko na sundan ko siya?

Wala naman sigurong itinatago ito?

Pero try ko n rin.

Wala naman sigurong masama kung imbestigahan ko siya.

Mayamaya ay tumigil ang grab sa isang kanto. Sinunson ko ng tingin 'yung kanto. Pero papasok na talaga siya sa gubat.

Kaya patuloy parin ako'ng nakamasid sa kanila. Matapos niyang mag bayad ay nag lakad na ito. Napansin ko ring pabalik na 'yung grab. Kaya bumaba ako at hinarang ko iyon para mag tanong.

Nakatayo na ako ngayon sa labas ng aking sasakyan. Kinakawayan na siya hudyat na kailangan niyang tumigil. Pagtigil nito at agad binuksan ng driver ang salamin ng sasakyan.

"Bakit sir?'

"May itatanong lang sana ako," ngiting sabi ko sa kaniya.

"Ahh sige sir,ano 'yun?"

"Yung babae kanina, saan pala lakad niya?" tanong ko.

"Ahh siya po ba? Ang sabi niya e may camping daw siya. Kasi mahilig daw siya sa nakakatakot na lugar kaya doon niya napili,"

"Ahh ganu'n ba? Sige salamat," kaway ko sa driver.

"Sige sir,"

Umalis na 'yung grab. Naiwan naman ako sa labas at nakatanaw parin du'n sa pinuntahan noong babae.

Mga ilang sandali na naka-tingin ako sa daan ay naisipan ko ng bumalik . Para umuwi sa aking bahay.

Bukas ko na ko na lamang siguro ipagpatuloy ang aking pag i-imbestiga sa kaniya.

Kaya sumakay muli ako sa aking sasakyan at nag drive pauwi.

Kasalukuyan.

Pag gising ni Eunice. Kaagad niyang kinuha yung cellphone niya sa tabi.

My BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon