Nagdaan pa ang isang linggo pero wala pa'ng pag gising ang masisilayan kay Shane.
Matagal na nakaratay ito sa higaan. Habang si Eunice naman ang nag babantay sa kaniya. Umalis sandali ang matandang lalaki para mag tungo sa bayan. May mga kailangan kasi itong bilhin para sa mga herbal plants na ginawa niya. Bibili na rin siya ng mga gamit para may masuot ang dalawa.
Naiwan mag-isa si Eunice. Siya ang naglilinis at nag pupunas sa katawan ni Shane. Tikom na ang mga sugat ni Shane. Pero hindi parin ito nagigising. Halos araw-araw niyang pinupunasan ang katawan nito. Kaya halos makabisado na nito ang buong parte ng katawan ni Shane. 'Yung back bone ni Shane. 'Yung mabuhok na dibdib at mga mascles nito. Pati 'yung bilang ng pandisal niya (abs) ^_^
Isang gabi habang na sa labas si Eunice ay nakatanaw lamang ito sa malayo. Sa dagat na madilim. Bukas pa ang balik ng matanda dahil napaka layo ng isla sa bayan. Kaya mag-isa pa rin si Eunice.
Naka-halukipkip lamang ang mga braso nito habang dumadampi ang malamig na hangin sa kaniyang mga braso. Nakaharap ito sa nag niningas na apoy para mawala ang kaniyang panlalamig.
Ang hindi alam ni Eunice ay nagising na si Shane. Nakatanaw lamang ito sa may bubong. Nilibot nito ang loob ng kaniyang paningin. Wala siyang alam kung nasaan siya. Hanggang sa maisipan nitong bumangon. Tila wala pa itong kaalam-alam kung nasaan sila at kung ano ang nangyari. Kaya lumabas ito. Habang walang saplot pang itaas.
Nakita niya si Eunice na nakaupo sa harap ng apoy. Kaya naglakad siya palapit dito. Pero mabilis siyang naramdaman ng dalaga. Pag paling ng ulo nito nanlaki ang mata nito at agad na kumaripas ng takbo.
"Shaneee!!
Pag sigaw nito sabay yakap kay Shane. Nagulat si Shane sa reaksiyon ni Eunice kaya napilitan na rin siyang yumakap dito. Dahan-dahan nitong hinaplos ang likod ng dalaga. Hanggang sa bumitaw na si Eunice.
"Buti gising ka na?" at pinisil-pisil nito ang mukha ni Shane. "Nag-alala talaga ako sayo.
"Oo parang ang sama ng panaginip ko e."
"Buti naman kung ganu'n." muli siyang yumakap sabinata .
"Teka nasaan tayo?" saad nito habang inililibot nito ang paningin sa paligid.
"Na sa isang isla tayo. May isang matanda ang tumulong sa atin."
"Matanda?"
"Oo na sa bayan lang siya. Pero bukas nandito na 'yun. Laking pasasalamat ko at siya ang nakakita at nagligtas sa atin."
"Pero bakit? Anong nangyari?" pagtataka nito habang patuloy pa rin ang pagtingin sa paligid. Pero madilim at hanggang natanaw lamang niya ang kaya.
"Wala ka ba'ng natatandaan?" Umiling lamang ito.
Teka baka mapaano ka niyan. 'Wag ka na muna dito sa labas. Baka kasi bumuka pa 'yung mga sugat mo. Oo tuyo na pero baka lang. Saka malapit na 'yang maging pilat.
Napayuko na lang si Shane at napahawak sa mga sugat niya. Na malapit na nga'ng maging isang pilat . Ng mahawakan niya ito ay tila nagbalik sa kaniya ang lahat.
Ang daddy ni Mitch
Ang galit nito
Kung paano siya nito bugbugin
Hanggang sa pagbaril nito sa kaniya.
Naalala ni Shane lahat. Pero imbes na maghinagpis at mapuot ay nag iba na lang ang mukha nito na tila umamo. Nanaig sa kaniya ang pagka-mahinahon. Walang mababakas na galit sa mata nito.
Hindi na siya 'yung Shane na kontemg may maisip lamang na masama ay nanlilisik na agad ang mata. Kaya napangiti si Eunice dahil tila na-co-controll na ni Shane ang pride niya.
BINABASA MO ANG
My Blood
FanfictionHanda mo ba'ng ipaglaban ang pagmamaalan niyo?Kahit na humatong kayo sa bingit na kamatayan na nagbabadya sa inyong buhay?At ang akala mo'ng kilalang kilala mo na ay isa lamang palang malaking pagkakamali na akala mo ay hindi sila.Na sila pa ang mag...