***
Sa kalagitnaan ng gabi, isang police mobile ang tumigil sa tapat ng bahay nila. Kumatok ang pulis sa pintuan ng mga Filan kaya naantala ang panonood ng mag-asawa. Pinagbuksan nila ng pinto ang mga kumatok.
"Magandang gabi po, dito po ba nakatira si Shane Filan?" saad ng nag-iisang pulis.
"Dito nga po," sagot ng ama ni Shane.
"Nais po sana namin siyang imbitahan sa police station. Kukuhanan sana namin siya ng statement tungkol sa nangyaring pagpatay sa mga biktima. Siya lang po kasi 'yung huling nakasama nila."
"Bakit? Ano'ng kinalaman niya roon?"
"Wala pa naman po. Hihingin lang namin ang panig niya. Baka po makatulong sa kaso."
"Sige. Tatawagin muna namin."
Nagkatinginan ang mag-asawa na noo'y tinungo ang kuwarto ng anak.
Walang nagawa ang mga magulang ni Shane kundi tingnan ang anak na sumama sa pulis. Tila kinimkim ng mag-asawa ang pagkuha sa anak nila.
Pumasok ang ama ni Shane sa kuwarto at kumuha ng jacket. Nagtungo ito sa bodega at may kinuha.
"Hon, saan ka pupunta?" tanong ng asawang babae.
"Dinala niya si Shane. Kailangan niyang mawala," sagot ng lalaki.
"Hahaha! Sige, hon. Ibalik mo ang anak natin."
Doo'y nasaksihan ng matandang kapitbahay ang pagbabago ng ugali ng dalawang mag-asawa. Nakakatakot ang mukha ng mga ito habang nanlilisik ang mga mata.
"Kawawang bata. Walang kaalam-alam sa tunay na pagkatao ng kaniyang mga magulang." Pinagmamasdan na lamang ng matanda ang mag-asawa.
Umalis na ang asawang lalaki habang dala ang isang palakol. Naka-hoody jacket na naman ito at nakamaskara.
Flashback
Labis ang galit ng ama ni Shane nang makita ang anak na na humahagulgol. Na-dislocate ang braso nito at tila hihimatayin sa sakit.
Nagdilim ang paningin ng ama nito. Isang umaga ay inabangan niya ang batang may kagagawan ng pagkabali ng braso ni Shane. Nakita niyang mag-isa itong naglalakad pauwi galing sa school.
Ibinuhos ng ama ni Shane ang galit sa bata nang matsempuhan na wala itong kasama pauwi. Hinigit nito ang bata at dinala sa ilalim ng tulay. Doon ay pinatay niya ito. Nakangiti pa ito habang pinaghahampas ng bato ang bata. Nang masigurong patay na ito ay kinuha niya ang dugo ng bata at inamoy. Tila baliw ito habang ginagawa iyon.
Sa mga umakit naman kay Shane para mag-inom at maglasing ay ang sarili nitong ina ang may kagagawan. Nalaman ng ina nito ang nangyari sa anak kaya kaagad nitong sinundo ito sa bar. Habang pauwi ay nanlilisik ang mata nito. Langitngit ang ngipin habang nagda-drive.
Sa pag-uwi ni Shane, malungkot siya dahil nadala siya sa faculty office. Bukod sa late siya ay wala pa siyang research. Nalaman ito ng ina't ama. Nalaman din ng mga ito na ang mga kaklase ni Shane ang dahilan. (Sina Paul, Nyssia,Karen,Ray at ivy) Hindi sila pinansin ni Shane dahil sa nangyari. Tiningnan na lang ng mag-asawa na umakyat ang malungkot na si Shane sa kuwarto nito. Nagkatinginan naman ang mag-asawa at nanlisik ang mga mata.
Pagsapit ng gabi ay hinanap ng asawang lalaki ang hotel kung saan nag-check in ang magkasintahang Paul at Nyssia. Nang maabutan sa hotel, kaagad na kumatok ang ama ni Shane. Nakangisi na ito at 'di mapakali ang mga mata. Nang buksan ang pinto ay agad nitong inundayan ng saksak si Paul. Mukhang tuwang-tuwa pa ito habang nilalaslas ang leeg ni lalaki. Tuwang-tuwa naman ito sa likod ng maskara habang sumisigaw si Nyssia. Matapos pugutan ng ulo si Paul ay sinunod nito ang dalaga. Nang mapatay, tila nadagdagan ang lakas nito. Nabaliw habang inaamoy ang dugo ng dalawa. Naglinis muna siya ng katawan bago lumabas ng hotel.
Ang asawang babae naman nito ang pumatay kay Ivy. Siya ay naging abala para mahanap ang bahay nito. Ngumiting may masamang balak nang malamang wala ang mga magulang nito. Sa pagsapit ng gabi ay nagtungo siya sa bahay ni Ivy. Suot nito ang hoody jacket ng asawa.
Dahan-dahan siyang pumasok sa bahay na tila kabisadong-kabisado ito. Nakita nitong nakabukas ang pinto ng CR kung saan naroon si Ivy habang nakababad sa bath tub. Pumasok siya nang dahan-dahan at naglagay ng lotion kung saan unang tatapak si Ivy.
Nagtago naman siya nang mapansin siya ni Ivy. Sinamantala niya ang pagkakataon nang mabagok ang dalaga. Sinabunutan niya ito at sinaksak ng limang beses. Walang awang dinukot ang dalawa nitong mga mata.
Tuwang,-tuwa ito na napapadila pa sa likod ng maskara. Nanlilisik ang mga mata nito habang dinudukot ang mata ng dalaga.
Hindi na nila naisunod sina Karen at Ray dahil nakalayo na ito sa Sligo kaya tinantanan na nila ang pagpatay. Baka kasi 'pag sinundan nila ito ay mahalata na sila ni Shane.
Sa mga sumunod na araw ay nakilala ni Shane si Mitch. Nagseselos ang mag-asawa dahil tila kay Mitch na lang umiikot ang mundo ni Shane.
Galit na galit ang ama nito. Habang nagdi-dinner sila ay pineke nila lahat ng ngiti nila. Habang nagpapaalam si Shane sa dalaga ay nakatanaw lamang ang mag-asawa. Mga tingin na gusto na naman nilang pumatay. At si Mitch ang puntirya nila dahil iniisip nilang aagawin nito sa kanila si Shane.
Nang pabalik na ay ibinalik na ng mag-asawa ang maamong mukha. Nginitian sila ni Shane at nagtuloy-tuloy paakyat sa kuwarto nito.
BINABASA MO ANG
My Blood
FanfictionHanda mo ba'ng ipaglaban ang pagmamaalan niyo?Kahit na humatong kayo sa bingit na kamatayan na nagbabadya sa inyong buhay?At ang akala mo'ng kilalang kilala mo na ay isa lamang palang malaking pagkakamali na akala mo ay hindi sila.Na sila pa ang mag...