Sa mga sumunod na araw ay muling umalingawngaw sa balita ang sinapit ni Ivy sa bahay nito. Wala ang magulang niya kaya mag-isa lang siya sa bahay nila.
Muli na namang nakita ni Shane ang matanda. Naghahasa ito ng kutsilyo sa isang tabi. Muli na naman siyang nakita nito na nakatingin kaya nagtago siyang muli.
Sobrang kinakabahan si Shane dahil baka ito ang pumapaslang. Mabait ito sa kanila dahil kapitbahay nila ito kaya hindi siya mapaghahalataan.
Bumaba si Shane sandali para uminom ng tubig. Pagbaba niya ay nakita niya ang kaniyang ama na may kinakalikot sa labas. Tinitigan niya ito. Mukhang nag-aayos ito ng sasakyan sa dis oras ng gabi.
Ang ina naman nito ay nasa kuwarto at natutulog kaya muli siyang bumalik sa kaniyang higaan.
Pagbabalik tanaw
Mag-isa lamang si Ivy sa bahay. Nag-out of town ang mga magulang niya. Sinabi ng mga ito na sa isang linggo ang uwi.
8 o'clock ng gabi
Naisipang magbabad ni Ivy sa bathtub para fresh ang kanyang pagtulog. Handa na ang bathtub kaya dahan-dahang inilapat ni Ivy ang paa sa ibabaw ng tubig na may sabon. Sakto lamang ang lamig nito.
Tuluyan niyang nilublob ang sarili. Nakikinig pa siya ng music habang sarap na sarap sa pagkakababad.
Naiwan niyang bukas ang pinto ng CR. Tanging kurtina lamang ang harang.
Isang anino ang nakita niya sa likod ng mga kurtina. Naka-hoody jacket lamang ito at nanatili lamang itong nakatayo.
Tinitigan niya itong mabuti
Kinusot ni Ivy ang kaniyang mata at sa pagtinging muli ay wala na ito.
"Sino 'yan?" sigaw ni Ivy. Pero sagot ang alingawngaw.
Tinanggal niya ang earphone sa kaniyang tainga at tumayo. Nilisan niya ang bathtub at nagtapis.
Pagbukas niya ng kurtina ay wala namang tao pero bukas ang pinto. Naalala niyang naiwan pala niya itong bukas.
Kaniya sana itong isasara nang matapakan niya ang lotion sa tiles dahilan para siya ay madulas. Tumama ang ulo niya sa may bathtub.
Malakas ang pagkakahampas ng ulo niya. Sa puntong iyon ay umaagos na ang dugo ni Ivy. Tinakpan niya ito ng kaliwang kamay para pigilan pero ito ang humarang sa paningin niya.
Nahihilo na rin siya dahil sa pagkahampas ng ulo. Akma siyang tatayo. Nakita na niya ang noo'y naka hoody jacket. May hawak itong kutsilyo at matamang nakatitig sa kaniya.
"Sino ka? Bakit nakapasok ka? 'Wag kang lalapit. Tatawag ako ng pulis!" pagbabanta nito habang umiikot palayo sa killer.
Bigla siya nitong tinapakan sa paa nang pagkadiin-din para 'di siya makalayo. Inundayan siya nito ng saksak sa likod. Limang saksak ang tinamo ni Ivy na naging dahilan para kapusin ito sa hininga at maghingalo.
Hindi pa roon nagwakas ang buhay niya. Sumakay ang killer sa likuran ni Ivy at dinukot nito ang mga mata ng dalaga. Nagsisigaw ito sa sakit hanggang sa bawian ng buhay dahil hindi na nito kinaya.
Halos mapuno ang CR ng dugo dahil sa nangyari. Naiwan ang bangkay ni Ivy sa loob nito. Duguan at walang mga mata.
Puno rin ito ng lotion sa katawan na humahalo sa dugo nito.
Muli na namang dinumog ng pulis ang pinangyarihan. Kinuha nila ang bangkay ng dalaga.
Ang ina nito ay nagwawala na sa galit at pag-iyak. Kaagad itong umuwi para makita ang anak. Hustisya ang sigaw niya.
Sa takot ng mga kaibigan nitong sina Ray at Karen ay lumayo na ang mga ito. Si Ray ay 'di na nag-aral at lumipat sa States para sa kaligtasan. Ganoon din si Karen na nagtago sa mga magulang niya sa probinsiya.
Natatakot sila na baka sila na ang isunod ng killer dahil iniisa-isa sila nito. Ngayon ay dalawa na lamang silang natitira.
Wala kasi silang matandaan na ginawan nila ng masama. Ang alam nila ay barkada lamang sila na walang ginagawang labag. Masaya lamang sila na nag-aaral pero bigla na lamang umalingawngaw sa balita na wala na ang mga kaibigan nila. Doon na sila tinubuan ng kaba sa dibdib.
BINABASA MO ANG
My Blood
FanfictionHanda mo ba'ng ipaglaban ang pagmamaalan niyo?Kahit na humatong kayo sa bingit na kamatayan na nagbabadya sa inyong buhay?At ang akala mo'ng kilalang kilala mo na ay isa lamang palang malaking pagkakamali na akala mo ay hindi sila.Na sila pa ang mag...