Chapt 4|When l Fall In Love

87 16 18
                                    

Ikinagulat ni Shane ang lahat ng karumal-dumal na pangyayari. Lahat kasi ng naging kakilala niya ay namatay nang walang palatandaan kung sino. Higit sa lahat ay pinatay ang mga ito nang walang nakakaalam ng dahilan. Namatay sa araw na hindi niya inaasahan. Wala siyang ideya kung sino at bakit ito pumapatay.

Dahil sa nangyari ay naging usap-usapan ito. Wala na ring makikitang tao sa labas sa pagsapit ng alas otso y medya. Natatakot sila na baka nasa paligid lang ang killer. Killer na grabe kung pumatay.

Isang umaga, kasama si Shane ng kaniyang ina sa supermarket. Hindi siya nito hinahayaan na mawala sa tabi nya kahit na malaki na ito. Sobrang higpit nito sa kaniya.

Inilibot ni Shane ang paningin sa loob ng supermarket para maghanap ng fresh apples at oranges. 'Di niya napansin ang isang babae na makakasalubong niya kaya kaniya itong nabangga.

"Aw!"

"Sorry, miss," sambit ni Shane. Kaniya itong tinulungang tumayo.

Sa unang pagkakataon na nagtama ang mga mata nila ay napako ang mga ito sa isa't isa. Matagal silang nagkatinginan. Ngayon ay dahan-dahan siyang itinayo ni Shane. Walang maririnig na tinig mula sa dalawa.

Patuloy lang nilang pinagmamasdan ang isa't isa. Mga titigan na tila ngayon lang nakakita ng isang tao na parang kakaiba sa kanila. Pakiramdam na nagpapabilis ng pagtibok ng puso. Bumalik lang ang ulirat ng dalawa nang tawagin si Shane ng mommy niya na noo'y ilang pagitan lang ang layo sa kanila.

"Shane, tara na!"

"S-sige, Mom." Tumayo si Shane at akmang tatakbo paalis nang napatigil  siya at humarap sa babae.
"Sorry ulit, miss."

"Okay lang ako. So ikaw pala si Shane? Ako naman si Mitch," pakilala nito sabay lahad ng kamay nito.

"Nice to meet you... Mitch. O sige, uuna na ako. Mukhang aalis na kami."

"Sige, ingat ka," tugon nito. Kinawayan ni Mitch ang binata.

Umalis na si Shane sa harap ng babae. Tinitigan lamang siya nito palayo. Nang mawala sa paningin niya si Shane ay umalis na rin ito.

***

Sa canteen ay hawak-hawak ni Shane ang tray na may pagkain. Naghahanap siya ng table para doo'n kumain. Inililibot nito ang mga mata at nagbabakasakali na may bakante pang mesa pa. Ayos lang na may katabi siya.

Sa paglalakad niya, isang boses ang tumawag sa pangalan niya.

"Shane!"

Hinanap ni Shane ang tumawag sa kaniya. Pero maraming estudyante ang naglisawan. Kaya nilibot niya lang ang buong canteen. Agaw-pansin sa kaniya ang isang babae na kumakaway.

"Dito!"

Naningkit ang mga mata ni Shane. Mataman nitong tinanaw mabuti kung sino ang kumakaway. Tila nakita na niya ito kung saan. 'Di niya lang matandaan. Kaya kaagad na nilapitan ito ng binata. Hanggang sa unti-unti siyang lumalapit ay tila mas lalo niya itong namumukhaan.

"Hey! Ikaw si Shane, tama?"

"Yeah and ikaw si?"

"Si Mitch, remember?"

"Tama ikaw nga, Mitch."

"Kanina pa kita napapansin. Kaya nu'ng wala kang mahanap e tinawag na kita."

"Thanks. Dito ka pala nag-aaral."

"Oo. Actually lagi nga kitang nakikita sa room e. E mukang isnabero ka."

"Hehe wala kasi akong masyadong ka-close. What l mean e 'di kasi ako 'yung tao na lalapit sa iba para makipagkilala," kamot nito sa ulo niya.

"Ay sosyal. Hard to get ka pala."

My BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon