Flashback.
Habang kumakain ang family Filan. Narinig nila kung paano magpaalam ang anak nila na si Shane. At ang bukam bibig nito ay Mitch
Mitch!
Mitch!
Mitch!
Na tila nagdudulot ng rindi sa mag asawa. 'Yung mga tingin ng mag asawa na may masamang balak. Pero hindi naman nahahalata ni Shane dahil nagbabago ang mga mukha nito pag titingin si Shane sa kanila.
Habang naghahanda si Shane nang sarili. Ay nagtungo ang mag asawa sa kanilang kwarto. At doon ay dinikit nila ang picture ni Mitch sa mga papatayin nila. Sinaksak nila ang larawan ng dalaga ng isang matalim na kutsilyo.
"Mukhang ikaw ang aagaw ng attention ng anak namin!" nanlilisik na mata ng babae habang nakatingin sa larawan ni Mitch.
"Hone oras na para mawala siya sa buhay ng anak natin."
"Hone gusto ko ako ang papatay sa kaniya!" gigil na saad ng asawang babae.
"Gusto ko rin siyang patayin kaya dalawa na tayo na hiwain siya sa dalawa." pagbanta ng asawang lalaki.
At ng magsalita si Shane na aalis na ay lumabas na ang dalawa. Para sumangayon sa nagpaalam na anak.(Kumakaway)
Kasalukuyan.
Habang naglalakad ang dalawa. Bigla na lang humangin ng malakas. Kaya nakaramdam ng lamig si Mitch. Kaagad namang napansin ito ni Shane. Kaya naghubad siya ng jacket at isinuot sa kasintahan.
"Salamat Shane," namula ito at napayakap sa braso ni Shane.
"Wala yun mahalaga ka sa akin e," ginulo nito ang buhok ng kasintahan.
"Yieee ikaw talaga,"
Sa paglalakad ng dalawa ay may isang tao sila na nakasalubong. Madilim ang mukha nito dahil gabi. At kahit may street light ay hindi maaninag ang mukha nito dahil naka hoody jacket.
Sa malayo pa lamang ay inaninag na siya ni Shane. Pero 'di niya inaasahan ang kaniyang nakita. Maskara na suot ng kasalubong nila. Nag flash sa kaniya ang maskara nung killer na pumatay sa pulis.
"Maskara? Hoody jacket?" bulong ni Shane. Nanlaki ang mga mata nito dahin du'n.
"Bakit Shane?"
"M-Mitch takbo!" sigaw ni Shane. Hina nito si Mitch pabalik.
At hawaka niya ang kamay ni Mitch at mabilis na tumakbo. Sumunod naman ang nakamaskara. Mukhang mabagal ito tumakbo dahil mukhang babae. Kaya nakalayo ang dalawa. Pero nasa likod parin nila ito. At patuloy na sumusunod.
Sa isang kanto. Liliko sana ang dalawa ng makita ang isang naka maskara.
"Hindi!...hindi!...dalawa sila hindi!" takot na saad ni Shane.
"Bakit sino sila!?" hindi parin maintindihan ni Mitch kung bakit takot na takot si Shane.
"Sila yung killer na pumatay sa pulis!" pagamim ni Shane. Kaya ikinabahala ni Mitch iyon.
"O my god Shane natatakot ako,"
"Wag ka mag alala nandito lang ako. Basta tumakno ka lang.
Sa pagtakbo nila. Nakarating sila kung saan sila nasiraan. Pero wala na ang grab at ang taxi driver.
Tila nakasunod parin ang dalawa. At halata ang makintab na armas ng dalawa. Tig-isang patalim.
Mabilis parin ang pagtakbo ng dalawa. Na tagaktak na ang mga pawis.
BINABASA MO ANG
My Blood
FanfictionHanda mo ba'ng ipaglaban ang pagmamaalan niyo?Kahit na humatong kayo sa bingit na kamatayan na nagbabadya sa inyong buhay?At ang akala mo'ng kilalang kilala mo na ay isa lamang palang malaking pagkakamali na akala mo ay hindi sila.Na sila pa ang mag...