Chapt 24. Witness

38 10 2
                                    

Someone's POV.

Mitch Dad

Humahangos ako na bumalik ng bahay. Inihatid ko muna ang dalawa kong kasama.

Hindi na kami nag report sa head quarters sa takot na baka mag hinala sila kung nasaan na ang isinalaysay ko sa research ko. Pero nag iwan ako ng letter na mag le-leave ako for one week. Isinalaysay ko rin sa sulat kung bakit. Kaya ako lang ang nag tungo sa police station.

Sinabihan ko rin ang dalawa na mag tago muna habang 'di pa gumagaling ang isa.

Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa head quearters para sa ilang mahahalagang gawin, 'yun nga ay ang iiwan ko'ng sulat. Wala akong pinapansin dahil naiisip ko parin 'yung nangyari. Palabas na ako ng pinto ng may makasabay ako at mabangga ko.

Pero wala itong paki nauna pa sa aking lumabas.

--

Habang nakahiga ako sa kama at nakatanaw sa kisame ng aking kwarto. Naalala ko ang mga pangyayari kanina. 'Yung galit ko kanina at kung paano ko pag susuntukin si Shane. Na dati naman ay napakagaan ng loob ko pero bigla na lamang nag iba ang turing ko at nagawa ko iyon.

Pinang giliran ako ng luha sa aking mata habang naiisip ko iyon. Pero wala na, nagawa ko na. Nabigyan ko na ng hustisiya ang aking anak.

Hindi ko ito dapat nararamdaman.

Lahi sila ng mamamatay tao.

Dahil sa kanila ay nawala sa akin ang mahal ko'ng anak.

Hindi ko sila dapat kaawaan.

Tama lamang ang aking ginawa.

Pilit kong pag sisisihan lahat ng ginawa ko.

Pero pinapangako ko na walang makakaalam ng ginawa ko.

Dapat lamang iyon sa kaniya.

Kinusot ko ang aking mata at nag simulang mag pahinga. Sunod-sunod na ang pag hikab tanda na inaatok na ang aking mata at handa ng tumikom.

Flashback.

Naganap ang mga pangyayari sa gubat. Ang lalaki na si Shane at si Eunice ay tumatakbo habang may tinatakasan. Isang tao ang may hawak na baril ang nakatutok sa kanila at handa silang paputukan anumang oras.

Bang! bang!

Someone's POV.

Napatigil ako sa pag da-drive ng marinig ko ang dalawang mag kasunod na putok na iyon. Alam ko na bawal ang pangangaso sa gubat na ito kaya kinabahan ako. Dahil alam kong may masamang nangyayari sa 'di kalayuan.

Napa-baba ako sa aking di na-drive na track at inilibot ang aking paningin sa paligid.

Pinahintulutan kasi ako ng gobyerno na kumuha ng ilang katawan ng puno para sa aming ginawa kaya ganu'n na lang ako napaisip sa aking narinig.

Namataan ko ang aking sarili na nag lalakad na at tila interesado ako sa putok na iyon. Malayo-layo na ako sa aking sasakyan at binabagtas na ang damuhan. Tuloy-tuloy lamang ang pag hawi ko sa mga matataas damo sa aking dinaraanan. Huling hawi ko ay isang kubo ang aking natagpuan. Na pa-atras kaagad ako at nag tago. Dahil may nakita ako'ng limang tao.

Ang isa ay nakahiga sa lupa mukhang babae iyon at may nakahawak sa kaniyang lalaki. Ang isa naman ay may hawak na baril at lumalapit sa dalawa. May dalawa pang lalaki na lumalapit mula sa likod.

Mas nagulat ako sa sumunod na nangyari. Akmang hahawak ang isa sa lalaking may hawak sa babae. Ng iwasiwas nito ang hawak na patalim. Tinamaan ang isa. Hindi pa ito nakunteto at hiniwa pa nito ang binte ng lalaki dahilan para mapasigaw ito.

Labis ang takot ko sa aking nasaksihan. Na noon ko lamang nasaksihan sa buong buhay ko. Lahat ay nasaksihan ko ng walang kurap. Kung paano sipain ng isa ang lalaki na nooy may hawak na kutsilyo. Ang dalawa naman ay umalis na dala ang isang lalaki na sugatan. Naiwan ang isa habang walang awa na pinag su-susuntok ang lalaki.

Nasaksihan ko lahat ng karumaldumal na iyon. Mukang buhay pa naman 'yung babae dahil gumagalaw pa. Hanggang sa 'di ko inaasahang gagawin ng lalaki na may baril. Kinasa nito ang baril at pinaputukan ang binugbog nitong lalaki.

Matapos niya iyon gawin ay lumingon-lingon ito sa paligid isa na d'un ang kinaroroonan ko kaya nag tago ako. Sa huling pag silip ko ay buhat-buhat na niya ang babae. Kasunod n'on ang pag hila niya sa lalaki. Buong-buo ang loob na inihulog ang dalawa sa ilog hanggang sa maanod. Matapos iyon ay nag madali na rin ang lalaki na umalis. Iyon na lamangang huli kong nakita at nakunan ng aking camera.

Alam ko'ng baka makasama sa akin ang aking pangingialam pero 'yung konsensiya ko na nag uutos na kunin ko ng litrato ang mga nangyari.

Singurado ako na wala na ang lalaki. Kaya tinungo ko ang inaanod na bangkay ng dalawa. Nakasubsob ang lalaki at laking gulat ko ng makita ko ang babae. Kilala ko siya. Dahil nakilala ko siya sa maikling oras.Labis ang lungkot ko at puot sa aking nakita. Hindi ko kaano-ano ang babae pero sa maikling oras na kasama ko siya ay napagtanto ko na ok siya kasama. Wala akong nakita na masama siya. Kaya kinuhanan ko rin ng litrato iyon. Dahil naniniwala ako na mag kakaroon ng hustisya ang dalawang pinatay. Kaya mabilis ko na nilisan ang pinangyarihan at bumalik sa aking trabaho.

Pero hindi rin ako nag tagal dahil pinangi-ngilabutan ako. Umuwi ako sa bahay. Mabils ako nag sara ng bintana at ni-lock ang pinto. Hindi ko na nakuhang kumain at nag kulong sa kwarto.

Pabalik-balik ako sa kwarto ko. Dahil hindi ko maiwasan na maisip ang aking nasaksihan. Nag tatalo ang aking konsensiya.

Ang isa na nagu-utos na manahimik ako para sa aking kaligtasan.

Ang isa naman ay nag uutos na ako ang mging daan para bigyan ng hustisya ang dalawa. Kaya dapat mag sumbong ako sa pulis.

Hanggang sa napagtanto ko na tama ang naging disisyon ko. Ang mag sumbong sa pulis. Naligo muna ako dahil sa itsura ko na halatang pagod.

Alas kwatro y medya ay nilisan ko ang aking bahay. Tinungo ang Sligo Police Station. Mahigpit ang pagka ka-hawak ko sa aking cellphone dahil nandu'n ang mga ibidensiya na nag papatunay na may nangyari na ganu'n.

Sa pinto pa lang papasok. Napakabilis na ng kabog ng aking dibdib. Nag da-dalawang isip man ay ginawa ko na lamang.

Ngayon nga ay kinukuhanan na ako ng statement ng police officer na nilapitan ko. Isinalaysay ko ang aking nasaksihan. Pero sinabi ko rin na kailangan ko ng proteksiyon para sa aking kaligtasan. Pumayag naman siya sa aking hinihiling. Pero 'yung totoong patunay ay nasa akin pa. Hahanap ako ng tamang tsempo para ipakita sa kanila iyon.

"Name po sir?"

"Kristof  na lang sir"

"Signature po."

(Finger print.)

"Salamat sir. Pinapangako po namin na mababantayan kayo."

"Salamat po sir," sagot ko.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko. Nag madaling lumabas ng may mabanga akong isang lalaki. Pulis rin ito. Pero ang mas ikinagulat ko ay ng makita ko ang mukha niya.

Kilala ko siya.

Siya yung pumatay kay Eunice.

Teka pulis siya?

Hindi niya dapat mahalata.

Pulis siya pero nagawa niya iyon.

Kaya mabilis akong nag lakad at nauna sa kaniya. Mabilis ko rin'g pinaharurot ang aking sasakyan pauwi sa bahay. Tulad kanina ay nag sara agad ako ng pinto. Balisa na nag pabalik-balik sa loob.

Mayamaya ay nakarinig ako ng sasakyan na tumigil sa harap ng aking bahay. Agad ko itong sinilip. Isang lalaki ang bumababa. Umalis na rin ang sasakyan at naiwan ang lalaki.

Mukang siya 'yung mag babantay. Kaya nakampante ako dahil talagang nakabantay siya.

Pero 'yung ibidensiya. Nasa akin pa. Humuhugot lamang ako ng lakas ng loob. Hindi ganoon kadali ang mag bigay ng ibidensiya lalo na't pulis pa ang may gawa. Kaya isinalaysay ko lamang pero 'di ko pinakita ang nasa cellphone ko.

My BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon