Chapt 30. I Do (Ends)

70 10 6
                                    

Dublin Shopping Centre.

Namimili ang dalawa ng karagdagang gamit para sa bahay nila. Kitang-kita ang saya ng mga ito sa pamimili. Pipili ng damit or shorts. Susukat ng shades pero hindi naman bibili. Kukuhanan lamang ng litrato sabay alis. At the same time ay may nabili rin naman kahit na gano'n.

Halos nalibot na ng dalawa ang mall. Pero tanging mga damit at mga ilang gamit sa bahay lamang ang kanilang nabili. Ang ilang mga mabibigat na gamit na nabili ng dalawa ay na-deliver na sa kanila. May hinahanap kasi silang bagay na hindi pwedeng mawala sa kanilang tahanan ayon kay Shane.

Sa isang banda, nag liwanang ang mata ni Shane ng may makita. Mukhang ito na ang kaniyang hinahanap kaya hinila niya si Eunice para lapitan. Puro kasi mga damit ang pinuntahan nila. Na sa taas lang pala ang kaniyang pakay.

Tindahan ng gitara, acoustic guitar ang kaniyang nais na bilhin. Ito lamang kasi ang nasasandalan niya sa tuwing mag isa siya. Kaya laking tuwa niya ng matagpuan ang tindahan ng gitara.

Manual Acoustic Guitar ang kinuha niya. Dahil gusto niya na bago niya ito gamitin at makasama sa kaniyang buong buhay ay paghihirapan niya muna itong gawin. May manual tutorial naman kaya madali na lamang niya itong masusundan.

Napangiti na lamang si Eunice ng makita niya kung gaano kasaya ang kaniyang kasintahan ng makita ang gitara.

Matapos nilang bumili ay umalis na rin sila para umiwi. Palabas na sila ng exit ng may mabangga si Shane. Kaya napa-paling ang katawan nito.

Pag harap nito tila nagkaroon ng pagtigil ang paligid. Si Eunice at ang lalaki ay ng kitang muli.

(Tanda nyo pa ba kung sino iyon?)

Si Kristof.

Ang lalaking tumulong kay Eunice. Siyang nakasaksi ng lahat. Pero imbis na matuwa ay natakot pa ito.

"Eunice?" garalgal na boses nito.

"Shhhh... kalma ako lang ito."

"P-pero... paano?"

Napatawa na lamang si Eunice. Pero si Kristof ay hindi parin maka-paniwala. Ang laki parin ng mata nito habang nakatitig kay Eunice.

"Teka magkakilala kayo?" anas ni Shane.

"Oo Shane siya 'yung tumulong sakin no'ng bumalik ako ng bayan."

Pero si Kristof tahimik parin. 'Yung titig niya kay Eunice mula ulo hanggang paa.

"Halika Kristof sumama ka sa amin. Labas tayo. Iku-kwento ko lahat sa iyo."

Magkakasama silang umalis. Pero si Kristof hindi talaga nagsasalita. Kanina pa siya nakatitig kay Eunice.

Sa isang restaurant sila kumain. Doon ay isinalaysay nila kay Kristof ang lahat. Pero pinagtapat din ni Kristof ang lahat. Kung paano siya matakot at pangilabutan habang itinatago ang lahat ng ebidensiya.

Labis ang pasasalamat ni Shane at Eunice dahil sa ginawa ni Kristof. Tulad ng nais ni Eunice ay magkikita muli sila ni Kristof sa pangalawang pagkakataon.

At ito na nga, at natupad na. Kaya bago sila muling mag hiwalay ay sinulit na nila ang pagkikita. Si Shane naman patuloy lang na nakasunod sa dalawa.

Habang pinag-mamasdan niya ang dalawang kasama niya sa kaniyang unahan. Na masayang nagtatawanan at nagku-kwentuhan.

'Yung titig niya na walang imik at malalalim. Ngunit napapangiti na rin sa tuwing lumilingon sa kaniya si Eunice.

--
Naka-uwi na silang dalawa. Mabilis na umakyat si Eunice sa taas. Isinukat nito ang damit na kaniyang nabili.

My BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon