Sa pag lipas ng panahon. Tulog parin ang dalawa. Kaya patuloy rin ang pagaalalaga sa kanila ng matanda. Araw-araw ay pinpunasan niya ang katawan ng mga ito. Inaayus rin niya kung anuman ang dapat ayusin.
7:00 o clock
Isang araw habang na sa labas ang matanda. May naramdaman siyang kislot sa loob. Kaya patakbo siyang pumasok sa loob.
Laking gulat niya ng bumungad sa kaniya ang mulat na mata ni Eunice.
"Gising ka na," ang matanda ang nag sabi na may guhit na ngiti sa mga labi nito.
Tatayo sana si Eunice ng pigilan siya ng matanda.
"Teka teka huwag ka munang tumayo. Hindi ka pa tuluyang magaling,"
"Na-nasaan a-ako?"
"Na sa bahay kita. Nakita kita na nagpapalutang-lutamg sa ilog kaya dinala kita dito,"
"Yu-'yung kasama k-ko nasaan?"
Napalingon na lamang ang matanda sa katabing papag. Kaya napatingin rin si Eunice.
"Wala pa siyang malay,"
"Pero paano?"
"Mahabang kwento hija," napatulala na lamang si Eunice.
"Salamat po,"
"Pero anong dahilan? Sino ang gumawa niyan sa inyo,"
May namuo na lamang na luha sa gilid ng mata ni Eunice. Walang pumigil at bumagsak ito. Tuloy-tuloy na pagbagsak ng luha sa mga mata nito.
"Sorry ipagwalang bahala mo na lang 'yung tanong ko,"
Napatingin muli si Eunice sa walang malay na si Shane. 'Yung mga titig nito na naawa dahil sa sinapit nila. 'Yung takot na baka hanapin sila nu'ng pumatay sa kanila.
"O sige ipagluluto na kita ng sabaw para makakain ka. Isang linggo ka kasing tulog kaya alam ko'ng wala ka pang kain,"
Lumabas na ang matanda sa kubo at naiwan muna si Eunice na nakahiga sa papag. Pasulyap-sulyap ito kay Shane na wala paring muwang.
Eunice.
Shane...
Gumising ka na...
Oo
Nakaligtas tayo
Haaaaaay...
Salamat sa panginood
Pero bakit ganu'n na lamang ang galit nila sayo.
Hindi ka naman ganu'n kasama sa pagka-kakilala ko.
Pero kung saktan ka nu'ng pulis e parang ang laki ng kasalanan mo.
Pedro sana kung nasaan man tayo ay sana ay ligtas tayo.
Ang saya ko na nakaligtas tayo.
At ipinagpa-pa-salamat ko iyon.
Kaya gumising ka na.
Hihintayin kita.
Nakatingin lang ang dalaga kay Shane. Sinubukan niya muling bumangon pero nanghihina pa siya. Kaya hindi na lang niya pinilit.
Mayamaya rin ay bumalik muli ang matanda dala ang isang mangkok na sabaw ng isda.
"O kumain ka muna?" alok nito.
Kaya tinulungan niya si Eunice na bumangon. Nagpresinta ang matanda na subuaan siya. Kaya walang nagawa si Eunice kung hindi ang ngumanga sa pagsusubo sa kaniya ng matanda ng sabaw.
"Salamat po ulit," si Eunice ang nagsalita
Napatigil ang matanda at napatingin sa dalaga.
"Wala 'yun. Kahit sino naman ay gagawin iyon," Muling sumalok ng sabaw ang matanda at isinubo sa dalaga.
"Ang buti niyo po,"
"Ginawa ko lang hija kung ano ang dapat. Dahil hindi lang ito ang unang beses na nag alaga ako ng may sugat gaya nyo,"
Napaisip si Eunice kaya nagsalubong ang kilay nito.
"Kung ganu'n po may nauna pa sa amin?"
"Oo may inalagaan din ako at itinuring kong tunay na anak,"
"Eh nasaan na po siya?"
"Wala na siyang paramdam simula ng malaman niya ang lahat."
Mas lumawak ang mukha ni Eunice na tila interesado sa pagsasalysay ng matanda.
"Hindi naman kasi tama 'yung ginawa ko na mag sinungaling sa kaniya. Sinamantala ko ang kalagayan niya para lang sa kagustuhan kong magkaroon ng anak."
"Hindi na po siya bumalik?"
"Hindi na. Nag hintay ako ng ilang taon at nagbakasakali na babalik siya pero wala na eh. Tuluyan na niya akong kinalimutan ng hindi manlang ako nakahingi ng tawad."
"Siguro po nasaktan talaga siya. Pero darating din po ang araw at ma-re-realized niya ang ginawa nyo."
"Sana nga tama ka."
"Baka po balang araw eh makita n'yo po siya na naglalakad sa dalampasigan upang salubungin ka."
"Sana nga ganu'n ang mangyari haha," tawang saad nito.
"Ano po ba'ng pangalan niya?"
"Dati pinangalanan ko siyang Jay pero nalaman ko na Francis pala ang tunay niyang pangalan."
Napatango-tango na lamang si Eunice.
"O sige kumain ka. Ubusin mo na ito para lumakas ka."
Ngpatuloy sa pagsusubo ang matanda. Hanggang sa maubos ito ni Eunice. Muling bumalik sa pagpapahinga.
Hanggang sa makatulog muli si Eunice. Patuloy pa rin sa pag aalaga ang matanda kay Shane na wala paring malay.
Lahat ay ginawa ng matanda para sa dalawa. Hanggang sa magkaroon ng lakas si Eunice at siya ang naging kahalili ng matanda sa pagaalaga kay Shane. Pero ang tagal ng hinihintay ni Eunice sa muling pag gising ni Shane.
BINABASA MO ANG
My Blood
FanfictionHanda mo ba'ng ipaglaban ang pagmamaalan niyo?Kahit na humatong kayo sa bingit na kamatayan na nagbabadya sa inyong buhay?At ang akala mo'ng kilalang kilala mo na ay isa lamang palang malaking pagkakamali na akala mo ay hindi sila.Na sila pa ang mag...