Chapt 18. Without You

45 8 7
                                    

(Tweet, tweet, tweet ,tweet)

(Ik ik ik   ik ik ik   ik ik ik ik)

Huni ng mga hayop at insekto sa kagubatan. Isa lamang iyan sa mga tunog na pumapasok sa pandinig ng binatang si Shane. Kaya bakas na sa muka nito na tila magigising na. Gumagalaw na ang mata nito. Na tila handa sa pag mulat. Hanggang sa tuluyan na nga itong nag mulat.

Shane.

Nagising na lamang ako sa mga ingay sa labas. Oo nga naman gubat ito kaya hindi na masama ang makarinig ng mga ganun. Sanayan na lamang ang ganitong sinaryo. Kailangan ng isang tahimik na tao ang bagay sa ganitong klaseng tirahan.

Sobrang tahimik. Ang fresh ng hangin at tanging mga huni ng ibon lamang ang maririnig.

Nakatulala lamang ako sa taas habang nakatingin sa bubong ng bahay. Medyo masapot na dahil sa luma. Wala na kasing nag lilinis at nagaalaga ng bahay. Kaya ganun na lang kadumi. Pero ng idako ko ang paningin ko sa paligid ng kwarto ay malinis. Tila kalilinis lang ng mga ito.

Mga ilang oras ako nakahiga at nakatanaw sa taas. Pero tila mag isa lamang ako.Ang tahimik.  Bigla ko'ng naalala yung nangyari kagabi. Medyo nakakatakot nga yun.

Pero yung babae hindi siya natakot at nakuha pa niyang ngumiti sa akin matapos ko siyang pagtangkaang patayin.

Nasaan sya!?

Ang tapang talaga niya.

Yung mga ngiti niya na nagpapaalala sa akin na kumalma lamang ako.

At yun nga ang nadama ko sa mga oras na yu'n.

Hindi ko lang maisip na bakit ganun na lamang siya mag isip.

Masiyadong padalos dalos.

Pinagtangkaan ko na ang buhay niya.

Pero nakuha pa niya ako'ng tulungan.

Singuro may matindi nga siyang dahilan.

Dahilan na ikukumpara sa kalagayan ko e mukang mahirap.

Mahirap na pakisamahan ang isang tulad ko.

Tulad ko na pumapatay ng kapwa ko tao.

Kaya ganun na lamang siya katapang na kaharap ako.

Hindi naman halata sa mukha niya na matapang siya.

Kung tutuusin parang ang hinhin nga niya e.

Yung takot niya habang hinihintay na lamang itarak sa kaniya ang kutsilyong hawak ko.

Haaaaaay...

Teka nasaan na ba yun?

Kanina pa ako nakahiga pero di' ko siya nararamdaman.

Alam ko'ng siya yung nag dala sakin dito pero parang hindi ko siya maramdaman.

Nasaan na ba siya? (Napabuntong hininga)

Saad ko na lamang sa aking sarili.

Nagdisisyon ako'ng bumangon. Pero pagbangon ko bigla ako'ng nakaramdam ng sakit ng ulo.

Aughrrrr....

Tsk!!

Ano ito ang sakit!?

Napahawak ako sa ulo ko at may na kapa ako'ng benda sa bandang nuo ko.

Teka ano nangayari sakin!?

My BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon