** PROLOGUE **

421 15 16
                                    

SOMEONES's POV

"Yuxin, kailan mo ako mamahalin?", sabi ko..

Tiningnan nya ako na nakataas ang isa nyang kilay at saka sinabing, "Sa pagkakaalam ko, kahit kailan hindi kita pinayagang tawagin ako sa totoo kong pangalan."

Oo nga naman, kahit kailan hindi niya ako pinayagang tawagin siyang Yuxin. Hindi ko alam kung bakit.

"Rain, kailan mo ako mamahalin?", tanong ko ulit sa kanya.

"Hindi ka ba napapagod?", tanong nya.

"Hindi, kahit kailan hindi", sagot ko.

"Tulad ng sinabi ko noon sa iyo, mahal kita pero--", pinutol ko ang sinasabi niya. Mukhang naiinis na siya. Sa tingin ko, sumusobra na ako.

" -hindi katulad ng nararamdaman mo. Kaibigan lang.", ginaya ko ang paraan niya ng pagsasalita. Sinabi na niya yun ng ilang beses. Memoryado ko na.

" oo, tama! Ang tanga ko dahil minahal kita kahit alam kong arrange marriage lang at hindi pa tayo nakakasal.", pagpapatuloy ko.

"Oo, tanga ka. ", sabi nya.

"Alam ko! Alam ko! Pero, Yuxin...", huminto ako sa pagsasalita.

Hindi siya tumugon kaya itinuloy ko ang gusto kong sabihin...

"Dahil ba ito sa kanya?", tanong ko

"Sino?", tanong nya.

"Yung kaaway mo.", tugon ko.

"ah, siya. A--", huminto sya sa pagsasalita. Mayroon kaseng kumatok sa pinto.

* TOK TOK TOK *

~~~

When Winter Comes || FILVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon