23: Please...

52 6 19
                                    


Continuation... (Still RAIN'S POV)

.

Kaya hanggang ngayon hindi ko pa rin hinahayaan si Esther na tawagin akong Yuxin. Hangga't mahal ko si Xueer este Snow.

Kapag hinayaan ko si Esther na tawagin nya akong Yuxin tapos si Xueer ang maaalala ko. Masasaktan lang si Esther. Kaya hangga't mahal ko si Xueer, hindi pwede.

Hays! Bakit kase hindi ko sya kayang hindi mahalin??? 5 years na ang nakalilipas, pero wala sya pa rin...Bakit?

.

Nakakatanga na rin minsan. Kahit alam kong ayaw nya sa akin at hindi nya ako mahal katulad ng pagmamahal ko sa kanya, pilit at pilit pa rin akong umaasa kahit wala naman talagang pag-asa... Kahit hindi naman nya ako pinapaasa.


Maya-maya pa'y pumitas ako ng bulaklak at muling naupo sa bench.

.

Tinitigan ko yung hawak kong asul na bulaklak. Habang tinititigan, hindi ko mapigilang magsalita at kausapin ito.

Gusto ko lang ilabas yung sama ng loob ko. Wala naman akong ibang masasabihan. *Sigh*

"Walang kupas ang ganda mo. Ikaw pa rin ang paborito kong bulaklak. Sorry kung ngayon lang ulit ako nakadalaw.", sabi ko sa bulaklak.

"Si mommy kase, iba ang pinili kaya sobrang nalungkot si daddy... na mommy rin *laughs* .", pakikipag-usap ko sa bulaklak.

"Hanggang ngayon kase si mommy pa rin ang laman ng puso ni maddy e. Tapis si mommy iba ang mahal. ", patuloy kong kinausap ang bulaklak.

"Bakit kaya ganoon ano... Kung sino pang mahal mo, may mahal din na iba at sila ang nagmahalan. ", dagdag ko pa.

"Bakit hindi na lang kaya ako?", sabi ko. Medyo nagcrack yung boses ko, kay hindi na ulit ako nagsalita.

Napangiti ako ng mapait kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Hanggang sa bulaklak, ikaw pa rin Xueer. Pati sa bulaklak pinapakita kong umaasa pa rin ako. Pati ba naman sa bulaklak, gumagana imahinasyon ko na pwedeng maging tayo.

Hanggang ngayon, sa bulaklak ko pa rin sinasabing...

Ikaw at ikaw pa rin ang mahal ko, Xueer.

.
.

SNOW'S POV

Papunta akong garden. Wala lang gusto ko lang lumanghap ng hangin at nakakamiss na din magmuni-muni sa garden.

Si Keran kase ay may gagawin na hindi ko alam kung ano kaya mag-isa lang ako ngayon.

Nang makarating ako sa garden, pumunta ako dun sa bench kung saan ko huling nakausap si Rain. Namimiss ko na yung dati kong bestfriend.

Nang malapit na ako sa bench na tinutukoy ko, nagulat ako sa nakita ko...

.

.

.

.

.

.

Nandoon si Rain. Ang tagal na nyang hindi pumupunta dito sa garden na ito ah. Anong nangyari sa kanya at naisipan nyang pumunta??

Nakita kong may tinititigan syang bulaklak. Bulaklak na asul. Napangiti ako.

Nang makalapit ako sa kanya saka ako nagsalita...

.

"Wala ka pa ring pinagbago, yang bulaklak pa rin na yan ang gusto mo.", sabi ko sabay upo sa tabi nya.

When Winter Comes || FILVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon