15 : Preparation

44 4 2
                                    

RAIN'S POV

(Month of August)

Nahinto ang pag-eensayo namin dahil nag-aannounce ang Head na si Mr. Daniel na magkakaroon daw kami ng event sa September. Party sya, which is napaka-unusual kase hindi naman madalas nagkakaroon ng paparty gawa nga nang magkakalaban kami tuwing winter.

Hindi kaya, gusto ni Mr. Daniel na magkaayos na ang lahat??? Sana ganun nga. Nakakapagod na rin ang makipaglaban, wala naman kaming kinalaman sa nangyari noon.

"Rain! Sino date mo sa party? Sabi nila, okay lang daw na may date basta ka-division mo.", sabi ni Kiki.

"Wala.", tipid na sabi ko.

"Ah.. ayos yan! Pare-parehas tayong walang date HAHAHA", sabi nya.

"RAIN! KIKI!", tawag ni Yanessa.

Nagtataka ba kayo kung bakit madalas na kami magkasama?? Kase pinayagan na ni Mr. Daniel ang pagkikita ng mga estudyante kahit hindi parehas ng division basta bawal pa rin ang date. Friends lang pwede.

Saka parang nagbabago na ang paligid. Nagiging maingay na ulit at masaya, parang dati.

"Rain! Kiki! May damit na kayo para sa party? ", tanong ni Yanessa.

"Wala pa.", tanong ko kay Yanessa.

"Masquerade party yun... Any color ang clothes", sabi ni Kiki.

"Si Keni? Makakapunta?", tanong ni Yanessa kay Kiki.

Tumingin ako kay Kiki at nakita kong lumungkit yung mukha nya pero agad din siyang ngumiti para siguro hindi mahalata ni Yanessa. Tsktsk! Akala ko ba nililigawan nya si Snow? Bakit parang kay Yanessa naman sya laging lumalapit? Tsk. Ginagamit nya lang si Snow.

"Ah.. oo, makakapunta sya. Excited na nga sya", sabi ni Kiki.

"Alis na muna ako. Ihahanda ko yung susuotin kong damit para sa party. Para makapili pa.", sabi ko sa kanila.

"Ah sige.", sabay nilang sagot.

Tumango na lang ako saka umalis.

Bayae sila dun. Ako nakakaramdam ng sobrang awkward sa pagitan nila.

Papunta ako ngayon sa may gymnasium, nakita ko doon si Snow. Hayyy! ang ganda talaga nya. Bakit kase hindi na lang ako?

Lalapit na sana ako sa kanya kaso dumating si Keran mula sa likod nya at ginulat sya. Nakita kong nagulat si Snow at nang makita nya na si Keran yun, nagtawanan sila. Mukhang nagkakamabutihan na ulit sila.

Umalis na lang ako. Punta na lang muna akong room ko.

.
.
.

YANESSA'S POV

Pagkaalis ni Rain. Walang nagsasalita sa amin ni Kiki.

AWKWARD!!!

"YANESSAAAAAAAA!!!", tawag sa akin ng babaeng sobrang lakas ng boses. Amputek!

"CHLOE! ANG INGAY MO!!!", sigaw ko sa kanya nang makalapit sya.

"Oops!! Sorry *peace sign* ", sabi nya.

"Saan ka galing Chloe?", tanong ni Kiki.

"Magkakilala kayo?", tanong ko kay Kiki habang tinitingnan ko sila.

"Oo naman!", sabi ni Chloe sabay akbay kay Kiki.

"Ah, mukhang close nga kayo.", sabi ko tapos umalis na ako.

"Yanessa!!! Kadadating ko lang bakit mo kami nilalayasan!!!", tawag sakin ni Chloe.

Hindi ko sila nilingon. Naiinis ako. Kailan pa sila naging close? Wala naman nababanggit sa akin si Kiki. Tapos itong si Chloe kung makaakbay .. Putek!

Bakit nga ba ako naiinis???

Habang nakikipagtalo ako sa sarili ko. Biglang may tumalapid sa akin.

"Anak ng tipaklong! Bakit mo ako tinal-- Keni???", nagulat ako kase si Keni ang nasa harapan ko. Ang tumalapid sa akin.

"Oh, ano! Pfft-- HAHAHAHAHA !", tawang tawa sya. Hala! Baliw!

"Tara na, samahan mo akong pumili ng damit.", sabi nya tapos hinawakan nya ako sa kamay tapos hinila ako. Tumatakbo na kami habang magkahawak ang kamay.

Bakit ganun? Parang may mali.

.
.
.

CHLOE'S POV

Iniwan kami ni Yanessa dito. Anyare dun?

"Napapaano yun?", tanong ko kay Kiki.

"Baka napapatae", pabirong sabi ni Kiki.

Sabay kaming tumawa. Parang baliw lang.

Umakbay ako sa kaniya sabay sabing...

"Tara! Pipili ng damit"

Tumango na lang sya. Tapos hinalikan ako sa pisnge...

.

.

.

ANOOOOO??? HINALIKAN NYA AKO SA PISNGE!!!!!

O_________________________O

Natigilan ako.

Pagkatapos nya gawin yun, patakbo syang umalis.

"Bakit nya ginawa yun?", tanong ko sa sarili ko habang hawak ang pisnge ko na hinalikan nya.


---

When Winter Comes || FILVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon