19 : The Game Begins

48 3 48
                                    


SNOW'S POV

"Mamaya bago matapos ang party, we will announce some awards. Syempre, secret muna yun. Para naman hindi nyo alam, baka mamaya magsipag-artehan kayo para makuha nyo ang award *LAUGHS*", sabi nung MC kuno.

She's kinda naughty, napangiti ako.

"Ang ganda naman ng ngiti", bulong sa akin ni Keran.

Medyo nakiliti ako, nahingahan nya yung tenga ko. Putek!

"Keran!!!", saway ko sa kanya. Tapos pinalo sya ng mahina. (pabebe lang ganun)

Tinawanan nya lang ako. Letse talaga toh!

Natigil kami dahil muling nagsalita yung student MC.

"Pero para maging masigla tayo ngayon, mayroon tayong konting palaro. Syempre hindi naman pisikalan kaya hindi masisira ang damit nyo, wag kayo mag-alala."

"Pero kailangan namin ng isang representative kada-table, tapis pupunta dito sa harapan. Pag mayroon na saka namin sasabihin kung anong palaro iyon.", pagpapatuloy nya.

Nagtinginan kaming mga nasa table. Si Lingzi, Flora, at Aria ang iba pa naming kasama sa table.

Mukhang ayaw naman nila kaya tumingin ako kay Keran.

"Pwedeng try mo. Ikaw muna ang representative para sa table natin.", sabi ko sa kanya.

Ngumiti sya at tumango.

"Sige", pagkasabi nya nun ay agad syang tumayon.

Pagtayo nya natigilan sya at natigilan ako sa kinauupuan ko dahil...

.
.
.

RAIN'S POV

"Ikaw na muna Rain ang maging representative! Dali na!!!", pagpupumilit sa akin ni Kiki.

"Kaya nga, Rain!", pagsang-ayon ni Chloe.

Tsk! Magjowa nga.

"Try mo lang, Rain. ", sabi ni Esther na may kasamang pagkapit pa sa braso ko.

"Dali na, Rain. Kami naman mamaya. Kaya pumayag ka na.",sabi ni Yanessa.

Hays! 4:1 ito. Talo ako. Apat sila, isa lang ako.

"Sige na nga!!",sabi ko at agad na tumayo dahil paniguradong iingay sila.

Pagtayo ko, napansin ko may kasabay akong tumayo. Paglingon ko...

ANAK KA NG!!!

SI KERAN?????

REPRESENTATIVE DIN SYA!??

KAPAG MINAMALAS NGA NAMAN!

Nakita kong lumingon sya kay Snow. Tsk! May lingunang nagaganap?

Tumingin na ulit sya sa harapan at lumakad na papunta dun. Syempre, walang atrasan ito! Pumunta din ako sa unahan.

When Winter Comes || FILVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon