22 : Yuxin to Rain

51 5 16
                                    


RAIN'S POV

Isang linggo na ang nakalipas simula nang mangyari yun. Sa loob ng isang linggong yun, walang nangyaring kung ano man bukod sa puro kami nasa loob ng kwarto namin.

Next week na magpapatuloy ang training namin dahil hindi pa kami pinag-uumpisa ni Mr. Daniel gawa nga nang namatay si Lana.

Every may namamatay kase hindi agad nag-eensayo ang lahat ng two weeks. Yun ang nakasanayan.

Simula rin nun, hindi ko pa ulit nakakausap si Snow, well, hindi naman kami talaga nakapag-usap noon.

Hindi ko rin masyado nakikita si Snow. Pakiramdam ko inaalalayan nya si Keran, bestfriend nya si Lana... paniguradong malungkot yun. Kahit naman may hindi kami napagkakasunduan ni Keran, ayaw ko namang mangialam sa kanya kapag ganung bagay. Naging kaibigan ko rin sya bago pa kami magkaroon ng alitan.

Hihintayin ko na lang siguro ulit ang magandang pagkakataon para makausap si Snow.

*Sigh*

Naglalakad ako papunta sa...hindi ko alam. Naglilibot-libot lang ako dito sa school, ganun.

Napadaan ako sa garden. Ito yung lugar kung saan laging nandoon si Esther. Lagi ko sya nakikita dito noon pero hindi ako ko sya nilalapitan. Pero ngayon hindi na.

Pumunta ako sa garden at naupo sa isa sa mga upuan doon. Matagal na nang huli akong pumunta dito. Ang ganda naman ng mga bulaklak na kulay asul.

Habang tinitingnan ang mga bulaklak, bigla akong may naalala...

.

|| FLASHBACK ||

(5 years ago)

"Yuxin!!!", tawag sa akin ng batang babae na nagngangalang Xueer.

"Oh, bakit?", tanong ko sa kanya.

"Tingnan mo, ang ganda ng mga bulaklak...", sabi nya habang tinuturo at nakatingin sa bulaklak na kulay asul.

Hindi ako sumagot at tinitigan ko lang siya.

"Mas maganda ka, Xueer", bulong ko sa sarili ko.

"Ha? May sinasabi ka ba, Yuxin?", tanong ni Xueer.

"Hah?? W--wala!", sabi ko.

'Dapat kase sa isip ko lang yun, bakit ba lumabas sa bibig mo, Yuxin!', saway ko sa sarili ko pero sa isipan lang.

Lumapit ako sa mga bulaklak na tinitingnan nya. Pumitas ako ng isa doon at inilagay ko sa tenga ni Xueer.

Ngumiti ako.

"Yan, mas maganda.", sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata nya.

Napansin kong natigilan sya. Pakiramdam ko tuloy naging awkward.

.

.

.

.

.

.

.

"Uy!", biglang bungad ni Keran sabay akbay sa amin ni Xueer.

Ngumiti si Xueer kay Keran.

Tsk! Bakit ba ganyan sya ngumiti kay Keran? Hindi naman sya nangiti ng ganyan sa akin.

Tapos... pumula pa pisnge nya!!!!

When Winter Comes || FILVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon