48 : Sorry is Enough

45 8 6
                                    

XUEER'S POV

Nagpunta ako sa pinakamalapit na park dito sa bahay ko... dito ako lagi pumupunta noon. Namiss ko lang at saka gusto ko marelax. Naupo ako sa isa sa mga duyan doon. Habang nakatingin sa paligid, ang daming bata ang naglalaro. Hindi kase ganun kainit dito sa park na ito gawa ng mga puno.

Biglang may kumublit sa akin mula sa likuran.

"Hi", nakangiting bati nya sa akin.

"Justin?", banggit ko sa pangalan nya.

"ako nga HAHAHAH", natatawang sabi nya.

Nagngiti naman ako.

"Parang kanina lang chinat mo ako na wag nang manligaw tapos makikita kita dito sa park.", sabi nya tapos umupo sya sa katabing duyan na inuupuan ko.

Napatawa na lang ako.

"Nag-away ba kayo?", tanong nya.

Napatingin ako sa kanya.

"pa-paano mo nalaman?", tanong ko.

"Ang lungkot mo eh.", sabi nya.

Napatungo ako.

"What happened?",tanong nya.

"She saw our convo, then, she get mad and leaves the house without telling me where will she go. Gabi na sya umalis, tapos hindi pa sya umuuwi. Nag-aalala ako na baka kung napaano sya.", sabi ko.

"Hintayin mo na lang na lumamig ang ulo nya, uuwi din yun. Kung mahal ka talaga nya, hindi ka nya matitiis", sabi nya sa akin.

Bakit napakamaintindihin ng lalakeng ito?

"Alam mo, Xueer... tara na lang sa coffee shop, hindi pa ako nag-aalmusal.", sabi nya sabay turo doon sa coffee shop sa hindi kalayuan.

Tumango ako at ngumiti. Tumayo sya at inalalayan akong tumayo. Lalakad na sana kami papunta sa coffee shop bigla namang nagring yung phone ko. Nang tingnan ko ito, si Keran... kaya sinagot ko ito.

"Hello?" -ako

"Yuxin is back. Come here quickly, mukhang nakainom sya kagabi. Tulala sya." - Keran said.

Napatingin ako kay Justin.

"Ah, sige Keran. Pauwi na ako, Salamat." - ako

Pinatay ko na agad yung tawag.

"Justin, kailangan ko ng umuwi. Umuwi na daw si Yuxin. Next time na lang ha.", sabi ko.

"Sige sige. Hatid na kita sa inyo.", sabi nya.

"wag na, kaya ko naman. Malapit lang pati, Salamat na lang."

Pagkasabi ko nun ay umalis na ako. Patakbo akong umuwi.

"where's Yuxin?", tanong ko sa kanila pagkarating ko.

Sabay- sabay naman nilang itinuro yung kwarto naming ni Yuxin. Ngumiti na lang ako sa kanila.

Umakyat na ako. Hindi naman nakalock yung pinto kaya nakapasok ako. Pagkapasok ko isinara ko ulit yung pino pero hindi ko ini-lock.

Pagtingin ko kay Yuxin, nakaupo ito sa parteng gilid ng kama at hinihilot yung sintido nya. What happened to her???? Ang gulo ng buhok nya, gusot yung damit nya, at ... naningkit yung mata ko, she has a hickey on her neck and a stain of lipstick on her shirt. I have a bad feeling about this but, I controlled myself at nanatiling kalmado. Gusto kong magkaayos kami.

When Winter Comes || FILVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon