16 : Rain

57 4 3
                                    


SNOW'S POV

September na ngayon. Two weeks na lang ang natitirang araw para makapaghanda kami bago ang party at binago na ni Mr. Daniel, hindi na sya masquerade.

Hmm, meron na naman akong susuotin kaya okay lang. Hindi naman sya formal at black pa ang tema ng mga damit namin. Madali lang hanapin.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, ayaw ko muna lumabas. Gusto ko mamahinga.

*KRRRINGGG KRRINGGG*

Nagring yung phone ko kaya tiningnan ko ito. Agad akong ngumiti nang makita ko kung sinong natawag...

"Snow...", banggit nya sa pangalan ko pagkasagot ko sa tawag. Bakit parang may iba sa boses nya??? Para syang nahihirapang magsalita.

"Oh, Keran!?"

"Bu...buksan mo yung p..p..pinto.", utos nya sa akin.

"Nandito ka? Bakit ganyan boses mo?", tanong ko.

"Papabuksan ko ba kung wa...wala ako? S...sige ngaaa, Snow!!!", inis na sabi nya.

Hala! Anyare dun? Bakit ang sungit?

Tumayo ako at binuksan ko ang pinto nang may ngiti sa labi

"Bakit napar-- KERAAAANN???", pagulat kong sabi.

Nawala ang ngiti ko, pagbukas ko ng pinto... biglang bumagsak ang katawan ni Keran sa akin.

Nanghihina sya. Anyare sa kanya?

Inalalayan ko sya at dinala sya sa higaan ko. Inihiga ko sya, doon konlang nakita na madami syang pasa at sugat. Putok ang labi nya.

HALAAAA!!!!

Tumayo ako at ni-lock muna ang pinto bago ako kumuha ng panggamot sa mga sugat nya.

Nang makuha ko na yung mga panggamot, lumapit agad ako sa kanya.

Halos hindi nya maimulat ang mata nya. Naiiyak na ako, pero pinipigilan ko kase hindi naman gagaling sugat nya sa luha ko.

Habang ginagamot ko sya, hindi ko mapigilang hindi magtanong.

"Anong nangyari sa iyo?", nag-aalala kong tanong.

"R...R...Rain", tipid na sagot nya.

"Rain? Si Rain ang may gawa sa iyo nyan? As in, si Rain?", hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumango na lang sya. Mukhang nahihirapan pa talaga syang magslaita gawi ng putok ang labi nya may pasang malaki pa.

"Haysss! Hindi na nga muna kita tatanungin. Pagaling ka muna ha!", sabi ko sa kanya.

Tumango na lang sya at tipid na ngumiti kahit nahihirapan. Pinagpatuloy ko na lang ang panggagamot sa sugat nya.

Malalaman ko rin kung bakit nagkaganito ka, Keran.

.
.

RAIN'S POV

Nandito lami sa gubat ni Keran. Malapit lang sa school, pero nakapwesto kami sa hindi makikita ng iba.

"Bakit mo ako inaya dito, Rain?", tanong nya sa akin.

"Gusto kitang makausap.", sabi ko sa kanya.

"Bakit dito? Ayaw mo ba sa loob?", nagtatakang tanong ni Keran.

Hindi ako nagsalita at tinitigan lang sya.

"Bakit ganyan ka tumingin?", tanong nya sa akin.

"Sobrang saya mo siguro.", sabi ko sa kanya.

"Ha?", naguguluhang tanong nya.

Kinalma ko ang sarili ko bago magsalita.

"Ang saya mo siguro... kahit anong sakit na naramdaman ni Snow noon nang dahil sayo, hinayaan ka pa rin nyang bumalik sa kanya.", tanong ko na may halong pagkainis.

"Rain...", mahina ang pagkakabanggit nya ng pangalan ko.

"Ano!! Guilty ka ano!? Pinili ka nya noon kaysa sa akin, tapos iniwan mo sya ng walang pasabi at ngayon bumalik ka, tinanggap ka nya... Hindi ka ba nahihiya???", sabi ko.

"Wala kang alam, Rain!", sabi nya na may halong diin.

"Wala akong alam??? *Laughs* kaya pala sa akin sya lumapit at umiyak ng umiyak nang dahil iniwan mo sya.", sarkastikong sabi ko.

Tumungo sya at hindi nagsalita. Nagiguilty ang gago!

"Tsk! Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin yun? Masakit nung pinili ka nya, masakit nung makita kong nasasaktan sya! Putapete, Keran! Saan mo nakuha ang lakas ng loob mo para balikan sya???", pagalit kong sabi.

"Mahal ko sya, Rain. Sobrang mahal ko sya! Pero wala kang alam, hindi mo alam kung bakit kailangan kong iwanan sya kaya manahimik ka na lang", sabi nya na may halong sakit sa mga mata nya.

"Aagawin ko sya sayo, Keran. Hindi mo ako mapipigilan.", sabi ko sa kanya.

"HIN-DI PWE-DE, Rain!", may diing sabi nya.

"At bakit? Hawak mo sya? Pagmamay-ari mo ba sya?", naghahamon kong tanong.

Nakita kong kumuyom ang kanyang kamao. Siya pa may ganang magalit ngayon? HAH!!

"Hindi mo sya maaagaw sa akin, Rain. Ako ang mahal nya! At ikaw??? Bestfriend ka lang nya... *Laughs* BESTFRIEND DATI!!! DATI! HINDI NGAYON! Now?you're nothing but an enemy to her.", pang-aasar na sabi nya sa akin.

Ako naman ang kumuyom ang kamao. Hindi ako nagsalita at tinitigan lang sya ng masama. Humahagalpak pa rin sya ng tawa. Tsk!

"Tapos balak mo syang agawin sa akin? HAHAHAHAHA, in your dreams! Napatay mo nga magulang nya, sa tingin mo kaya ka nyang mahalin?"

Pagkasabi nya nun, biglang nag-init ang ulo ko at sinugod sya. Hindi sya agad nakareact kaya hindi sya lumaban agad.

Suntok dito, suntok doon. May kasamang sampal at palo. Hindi na sya nakaganti pa. Nang mapahiga na sya, sinipa ko agad sya sa tyan, sa mukha... basta wala na akong pakealam kung saan sya matamaan.

Nang makita kong nanghihina na talaga sya. Tumingin ako sa paligid, buti na lang walang nakakita. Tumingin ulit ako kay Keran at sinabing...

.

.

"Kung wala akong alam, mas wala kang alam."

.

Pagkasabi ko nun. Sinipa ko sya ng isa sa mukha at dinuraan... pero hindi ko dinura sa kanya, malapit lang sa kanya. Kadiri naman kapag sa kanya ko mismo dinura. Tsk!

---

When Winter Comes || FILVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon