11 : The Past

63 6 8
                                    


RAIN'S POV

Nandito na ako sa gymnasium para magpalakas, kababalik ko lang galing sa meeting place namin nina Kiki.

Namomroblema kami dahil nawawala si Snow. Masisira ang plano namin.

.

|| FLASHBACK ||

(A/N: Ito yung araw na nalaman ni Rain na buhay si Keni at si keran ang tumulong. Yung nagulat sya na alam na rin ni Yanessa. Yung lugar kung saan hindi nya alam dahil nga tinakpan ang mata nya, nila ni Yanessa)

Nakaupo na kaming lahat at naipaliwanag na nila sa akin ang nangyari.

(A/N: In Chapter 8, may flashback dun yun na rin ang nagsilbing paliwanag kay Rain)

.

"So, anong plano?", tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan sila. Tapos sabay-sabay silang tumingin sa akin.

"Ano toh? Praktisado? Galing! synchronize..", sarakstiko kong sabi na may kasamang palakpak.

Nang makita kong nakatitig lang sila sa akin, tumigil ako sa pagpalakpak at sumeryoso na ako.

"Ehem!", sabay tingin ko sa kanila ng maigi... " Anong plano?", tanong ko ulit.

"Bago muna namin sabihin ang plano. Sagutin mo muna ang itatanong namin sayo.", sabi ni Kiki.

"Sige, ano yun?", tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan ulit sila at sabay-sabay na namang tumingin sa akin. Ok! Mukhang pinraktis nila!

"Ano ba? Tanungin nyo na ako. Tinginan kayo ng tingi--", naputol ang sinasabi ko dahil nagsalita sila. Take note!!! SI-LA! AS IN SABAY-SABAY SILA NAGSALITA...

"Kaya mo na bang kalabanin si Snow?", in sync na tanong ng tatlo.

Yun? Yun yung tanong nila? Sure na yun??? Tsk!! Akala ko naman kung ano.

" Yan na yung itatanong nyo?", balik-tanong ko sa kanila.

"Oo", ok sabay-sabay ulit sila. -_-

"Oo naman, kaya ko syang kalabanin bakit hindi? Tsk!", pagmamayabang na sagot ko.

"Alam mo naman, baka matalo ka na naman ng pagmamah-", naputol ang sasabihin ni Yanessa dahil tinakpan ni Kiki ang bibig nya.

"ARAAAAAYYY!!!! YANESSAAAA!!", pasigaw na sabi ni Kiki.

Alam nyo ba kung bakit??? Kinagat lang naman ni Yanessa ang kamay nya. HAHAHAHA!

Tawang-tawa ako kaso pagtingin ko kay Keni, hindi sya tumatawa. Mukhang... naiinis sya. Ehe! I smell someone jealous HAHAHAHAHA! What a Love Triangle.

Paliwanag ko muna ang upo namin ha...

Si Keran at ako ay magkatabi dahil pangdalawahan lang ang sofa na inuupuan namin. Tapos yung isa pang-apatan, ang arrangement ng upo nila ay... Keni --- Kiki --- Yanessa.

When Winter Comes || FILVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon