10 : 3 Months

73 4 2
                                    


DANIEL'S POV

(Month of July)

"Ano nang balita?", tanong ko sa secretary ko.

"Sir, hindi pa rin po namin mahanap si Snow.", nakatungong sabi ng secretary ko.

"Hindi maaari! Tatlong buwan na kayong naghahanap hanggang ngayon hindi nyo pa rin sya makita? Imposible!!! Para saan ang kakayahan nyo kung hindi nyo nagagamit ng maigi!!!", pagalit kong sabi sa kanya.

Hindi ko pwedeng lakasan ng sobra ang boses ko dahil baka may makarinig kahit soundproof naman ang office ko. Mas ok nang maingat.

"Pero limitado lang ang kakayahan natin. Paano kapag nasa labas si Snow? Paano kung nasa lugar sya kung saan hindi nagagamit ang mga kakayahan natin?", tanong ng sekretarya ko.

"Yun na nga ang iniisip ko. Imposibleng mahirapan kayo maghanap kung nandito lang sya sa loob.", pagsang-ayon ko sa kanya.

"Pero wag nyo titigilan ang paghahanap sa kanya ha. Sige, makakaalis ka na.", utos ko sa kanya.

Tumango na lang sya at saka umalis.

'Snow, nasaan ka ba?', tanong ko sa isipan ko.

.

*TOK TOK TOK*


Sino kaya yung kumakatok?

.

Hindi ako sumagot, kase hindi rin naman nya ako maririnig. Hindi naman nakalock ang pinto. Kung gusto nya pumasok, pumasok sya.

.

Maya-maya may nagbukas ng pinto.

"Kuya!", tawag nya sakin.

"Shhh! Sarado mo muna yung pinto.", utos ko sa kanya.

"Sa susunod, isarado mo muna ang pinto bago mo ako tawaging kuya ha!!!", saway ko sa kanya.

"Kuya!!! Hindi mo pa rin nahahanap si Xue'er??", tanong nya sakin.

"Kung nahanap ko na si Xue'er edi sana kaharap mo na sya.", pabalang kong sagot kay Sakura.

"AA!! KUYAAA!!!", inis na sigaw nya sakin.

"Sakura, nakakarindi ka.", saway ko sa kanya.

"Nag-aalala ako kay Xue'er. Paano kung napaano na sya?", sabi niya na may halong pag-aalala.

"Sino ba namang hindi mag-aalala? Alam naman nating maraming galit sa kanya.", sabi ko.

"Pero kuya, hindi naman nya kasalanan kung bakit nangyayari ito." - Sakura

"Hindi nga nya kasalanan, pero sya ang nagdudusa. Kasalanan ito ng mga magulang ng tinuring na mga kaibigan ni Xue'er. Tayo lang ang nagtutuloy." - Ako

When Winter Comes || FILVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon