13 : Snow

58 3 2
                                    

KERAN'S POV

Naglalakad na kami ni Snow pabalik sa school.

"Keran...", tawag ni Snow sa akin. Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa kanya, nakita kong nakahinto na rin sya sa paglakad.

"Bakit?", tanong ko.

"Naisip ko lang, hindi ba magkausap tayo nung bago pa ako mapalo sa ulo, nandoon si Annika, kasama mo sya. Ang alam ko umalis na kayo dahil dumating si Mr. Daniel... tapos kanina, ang sabi mo ikaw ang nagdala sa akin sa kweba...", naguguluhang sabi ni Snow.

"Paanong ikaw ang pumalo sa ulo ko, kitang-kita ng dalawang mata ko na umalis ka kasama si Annika.", pagpapatuloy nya sa sinasabi nya.

Natigilan ako. Matalino talaga ito si Snow.

"Snow, narinig ko ang pag-uusap nyo ni Mr. Daniel tapos narinig ko rin ang pagpalo sa ulo mo. Iniwan ko muna si Annika at sinabi kong susunod na lang ako. Nagmadali akong bumalik sa kinaroroonan mo. Akala ko kase si Mr. Daniel ang pumalo sa ulo mo kaso hindi pala...", sabi ko.

"Eh sino?", tanong nya

"Si Esther.", sabi ko.

"Paanong? Bakit sya? Eh paanong ikaw ang nagdala sa akin kung si Esther ang pumalo sa ulo ko?", naguguluhan nyang tanong.

.

"Dahil lumapit ako sa pwesto nyo. Dala na rin siguro ng gulat sa ginawa nya sayo. Nang makalapit ako, nakita kong nagulat sya. Siguro hindi nya inaasahan na may makakakita. Kaya ang ginawa nya, humingi sya ng tulong sa akin na dalhin ka dito sa kweba at wag ko daw ipagkakalat na sya ang may kagagawan dahil nga malalagot sya, alam mo namang ipinagbawal na ang pag-atake sa kalaban kapag hindi winter at kapag hindi naman inutos ng nakatataas.", mahabang litanya ko.

"Ahhhh... Ibig sabihin alam ni Esther na pupunta si Rain sa kweba?", tanong nya sa akin.

"Hmm... Maaaring oo, maaaring hindi. Malay mo nakita lang din ni Esther si Rain na sinusundan ako, tapos nagkaclue si Esther na sa kweba ako papunta.", sabi ko.

When Winter Comes || FILVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon