5 : Just A Practice Battle

80 7 2
                                    


SOMEONE'S POV

Pagkasabi nun ni Kuya Daniel, pinigilan kong ngumisi. Umaayon ang lahat sa plano. *evil laugh*

Tumingin ang tatlo kay kuya Daniel at para hindi nila mahalata na may alam ako, tumingin din ako kay kuya na parang gulat na gulat din.

"Sir, bakit?", tanong ko.

"Hindi pa naman po oras ng paglaban.", sabi nung isa sa tatlo, as usual kalmado sya.

"Game ako, kung yan ang gusto ni Mr. Daniel", sabi naman ng isa na laging handa sa laban, talunan naman.

At ang isa ay nanatiling tahimik.

"Maglalaban-laban din naman kayo balang-araw, bakit hindi pa ngayon? This is just a practice.", sagot ni Kuya Daniel sa mga sinabi namin.

Nagkatinginan kaming apat.

At hindi na ako nagulat, nang sabay-sabay silang...

.

.

.

.

.

.

.

...sinugod ako.

.
.
.

YANESSA'S POV

Akalain mo nga naman, makakalaban ko ng maagap pa sa inaakala ko
ang babaeng matagal ko nang gustong tapusin.

Pero hindi ko pa sya pwedeng tapusin ngayon. Dahil gusto ko syang unti-unting pahirapan.

Back to the battle.

Nagtransform ako into a Lion, not an ordinary Lion. Ang kuko ko ay hindi man kahabaan pero kasing talas ng kutsilyo, nakakahiwa. Ang mata ko ay may laser na kulay yellow na kapag nakipag eye-to-eye contact sakin lalabo ang paningin nila just for 10minutes. Ang buntot ko ay mala-latigo kung humampas.

Bigla akong nakaramdam ng mainit sa buntot ko kaya nilingon ko ito. May nakita akong apoy dito kaya agad kong iwinasiwas ito para mawala.

Nang mawala na ito, pumunta ako sa babaeng may kagagawan nito. Gago ka, Keran!

"RAAAAAAAAAAWWWWWWRRRR", huni ko at saka tumakbo papunta sa kinaroroonan nya at agad syang dinambahan.

Itinutok ko ang mga kuko ko sa leeg nya. Bago ko pa maibaon ang kuko ko, bigla itong nanigas. Anak ng putek!

Naging tao na ulit ako at ginamit ko ang lakas ko para masira ang yelong bumabalot sa kamay ko. At dahil mamaya pa ulit ako makakapag-transform into a Lion kaya nag-ala The Flash muna ako para makapunta ako kay Snow.

Oo!! Si Snow ang may kagagawan nun. Sya lang ang may kakayanan saming apat ng ganun.

.

Lintik ka, Snow! Humanda ka sakin!!!

.
.
.

KERAN'S POV

Muntik na ako kay Yanessa, wiw! Grabe lion nga talaga sya. Bagay na bagay HAHAHAHHAHA

Nang iniwan na ako ni Yanessa pumunta ako kay Rain na kalaban si Snow. Sinigurado kong hindi nya mararamdaman ang paglapit ko.

Nang may isang dipa na ang lapit ko sa kanya, binugahan ko ng apoy ang balikat nya.

Bago pa magreact si Rain sa ginawa ko agad na akong pumunta kay Snow...

Lumapit ako sa kanya.

.

Lumapit lang ako sa kanya...

.

.

Hindi ko sya kayang saktan :)

.

"Bakit hindi mo ako kalabanin katulad ng gin--", naputol ang sasabihin nya nang biglang sumulpot si Yanessa sa likod nya at hinila ang buhok nya.

WATDAPAK!!!???

.

PAANO NANGYARING HINDI NARAMDAMAN NI SNOW ANG PAGLAPIT NI YANESSA??? IM-PO-SI-BLE!!!

Kilala si Snow sa pagiging malakas ang pakiramdam, WATDA!!! Anong nangyayari?

.
.
.

RAIN'S POV

"Snow!!!", tawag ko sa kanya.

Lumingon sya, walang pinagbago ang ganda nya. Kaso
ang ugali nya, hindi na katulad ng dati.

"Oh?", malamig ang tono ng pagkakasabi nya.

"Maglaban tayo!", sabi ko.

"Sugurin mo ulit ako, kung gusto mo ng laban." - Snow

Walang sabi-sabi kong inangat ang kamay ko na nasa likod ko kanina. At ibinato sa kanya ang tubig na binuo ko.

As usual naging yelo lang ang tubig na ibinato ko sa kanya, walang talab sa kanya yun dahil ice ang kakayahan nya.

"Yun na yun?", pang-aasar nya.

Gumawa sya ng baril na gawa sa yelo, may bala itong yelo din pero kapag natamaan ka lulubog yun sa katawan mo at mag-uumpisang maging yelo ang part na natamaan. Tunay na malakas sya *sigh*

Tumakbo ako ng mabilis at inikutan sya ng inikutan, pero nakita kong hindi sya natitibag sa pagkakatayo nya dun. Hindi rin umobra, haysss. Kaya tumigil ako.

Gumawa ako ng espadang gawa sa kidlat. Agad kong iwinasiwas yun sa kanya.

At naiiwasan nya yun, nangmakita kong lalabas na yung bala na yelo sa baril nya tumakbo agad ako ng mabilis at pumunta sa likod nya. Itututok ko na sana ang espada ko sa leeg nya kaso may bumuga ng apoy sa balikat ko.

Bago pa ako lumingon sa likuran ko, nakita ko na agad ang may kagagawan nun dahil dumaan sya sa gilid ko para puntahan si... ANO!!!

Pumunta sya kay Snow. Take note, tumabi lang sya kay Snow at hindi ito kinalaban. Tsk! Hanggang ngayon ba naman Keran!!!

Hinipan ko ang balikat ko para mawala ang apoy na kagagawan ni Keran, tsk!

Susugod na sana ako kaso, biglang sumulpot si Yanessa sa likuran ni Snow at agad na hinila ang buhok nya.

.

Teka! Hindi naramdaman ni Snow na parating si Yanessa???

.

Bakit? Eh ako na mas mabilis kay Yanessa, ramdam nya kapag parating. Paano nangyaring hinayaan nyang lumapit sa kanya si Yanessa ng ganun ganun lang?

.

WHAT THE HELL? SNOW! IKAW BA TALAGA YAN!??

~~~

When Winter Comes || FILVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon