6 : Who?

79 6 22
                                    


SNOW'S POV

Hinila ni Yanessa ang buhok ko, legit ang sakit nya sa anit. Pero tiniis ko... kung ito ang makakapagpagaan ng loob nya.

Nang maramdaman kong lumuluwag na ang pagkakahawak nya sa buhok ko. Saka ko inalis ang kamay nya. Sobrang sakit na nang anit ko. Hayop talaga ang babaeng ito.

Nang nakaayos na ako ng tayo, nakita ko syang titig na titig sa akin na para bang gulat na gulat sya.

"Yanessa...", tawag ko sa kanya dahil titig na titig pa rin sya sakin.

"Uy, Yanessa!", tawag ko ulit. Hindi pa rin sya kumibo... alam ko na.

Unti-unti akong gumawa ng yelo sa paanan nya at hinayaan kong mabalot ng makapal na yelo ang paa nya hanggang sa binti.

Nakita kong natauhan na si Yanessa at nakita nya ang ginawa ko sa paa nya, agad nya itong sinira.

"Natauhan ka na ba?", tanong ko sa kanya.

"Hindi mo naramdaman pagpunta ko sa likuran mo?", balik-tanong nya sakin.

"Hindi. ", sagot ko sa tanong nya.

"Im...imposible yun! Paano nangyaring--", pinutol nya ang sinabi nya.

"Ah-HA!!! akala mo ba makakalimutan ko ang kasalanan mo kapag hinayaan mo akong saktan ka? HINDI GANUN KADALI YUN SNOW!" - Yanessa

"Snow, hindi ba... isa yun sa ginawa mo sa kanya? Ang hilahin sya sa buhok hanggang sa naging yelo ang buhok nya ng dahil sayo!" - Yanessa

"Matagal na yun.", sabi ko.

"Matagal na? MATAGAL NA!!?? SNOW, GANYAN KA BA TALAGA? WALA KANG PAKEALAM!???", pagalit na sabi ni Yanessa

"Yanessa, wala na sya... Alangang ibalik ko ulit syang buhay? Baka nakakalimutan mo, wala kang ginawa para tulungan sya. Kaya hindi lang ako ang may kasalanan dito, Yanessa. HIN-DI LANG A-KO!!! ", sabi ko sa kanya na syang ikinatigil nya.

Alam kong nanggagalaiti na sya sa galit. Pero totoo naman ang sinabi ko. Hindi lang ako ang may kasalanan.

Magsasalita na sana ulit si Yanessa kaso may biglang pumalakpak.

.

*CLAPS*

"Magaling! Magaling! Mukhang hindi tayo nagkamali ng mga leader na pinili", sabi ni Mr. Daniel.

"Dahil dyan... dito na nagtatapos ang ating seremonya. Pwede na kayo magsipagbalik sa inyong room. ", pagkasabi ni Mr. Daniel nun ay umalis na sya.

Nagkatinginan kami ni Yanessa sabay sabing...

"Hindi pa tayo tapos, Snow! Hanggang sa muli... nating paglalaban", umalis na sya pagkatapos nya sabihin yun.

Sinundan ko ng tingin si Yanessa.

'Hindi ka mananalo sakin, Yanessa.", sabi ko sa isipan ko.

"Snow!", lumingon ako dun sa tumawag sakin.

.

Pagharap ko, nakita ko ang ngiting ngiti na si Keran. Hindi naman sya masyadong masaya ano, tsk!

Naglakad sya papalapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Nagulat ako dahil may naramdaman akong kakaiba.

"Tara na, Snow... Kain tayo! Nakakagutom yung practice battle nating apat e", sabi nya sabay hila sa akin.

Hindi ko na nagawang magsalita at tiningnan na lang ang kamay naming magkahawak. Bakit para akong...

When Winter Comes || FILVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon