24 : Confession

55 6 14
                                    


KERAN'S POV

Natapos ko kaagad ang gawain ko. Which is maglinis ng buong kwarto. Kahit naman hindi kami normal nagkakaalikabok pa rin kwarto namin *LAUGHS*

Hindi ko sinabi kay Snow na maglilinis lang ako ng kwarto. Kung sinabi ko, paniguradong pupunta yun dito at tutulong.

Simula nang inannounce ni Mr. Daniel yung sa party na naganap noong nakaraang linggo ay hinayaan na ni Mr. Daniel na magkasama-sama ang mga division.

Hindi ko alam, pero, napapansin ko unti-unting bumabalik ang dati. Magkakaroon pa rin kaya ng battle sa november? Next month na yun. Usually, end of the November nagsisimula ang paglalaban.

Hmm... Nasaan kaya si Snow?? Pumunta kase ako dito sa kwarto nya pero wala akong naabutang Snow. Nakalock yung kwarto nya. Nakailang katok ako, wala talaga.

.

Hindi kaya nasa garden sya???

.

Naglakad na ako papuntang garden...

Nang nasa garden na ako, nakita ko na si Snow, tatawagin ko sana sya kaso nakita kong may kausap sya...

.

Si Rain??

.

Lumapit ako sa pwesto nila at nagtago sa may mga halaman na malapit doon.

Akala ko may maririnig pa akong usapan nila kaso biglang tumayo si Snow at naglakad paalis... si Yuxin naman ay sinundan sya at niyakap sya mula sa likuran ni Snow.

.

O__________O   ...    -____________-

Tsansing ang putek!

.

Lalapit na sana ako, nang biglang magsalita si Rain kaya muli akong nagtago.

.

"Xueer, please...*sob*", naputol ang sinasabi nya nang dahil sa paghikbi nya.

Bakit may pag-iyak???

"Please just once... Pwedeng ako naman ang piliin mo, ngayon? *sobs*" ,pagpapatuloy nya.

.

Hah! In your dreams!!!

.

"Yuxin...", mahinang tawag ni Snow kay Rain.

Bakit Yuxin na naman tawag nya kay Rain??? I never let her do that. -_-

.

"Sorry... hin--", naputol ang sinasabi ni Snow.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na lumapit sa kanila.

Hinawakan ko ang kamay ni Snow at tumingin ako kay Rain.

Ayaw nya bumiyaw sa pagkakayakap kay Snow kaya tinitigan ko sya ng matalim.

"BI-TA-WAN MO SI S-NOW!", madiin ang pagkakabigkas ko sa bawat syllable para dama.

Nakita kong tumulo ang luha ni Rain habang umiiling.

"Bitawan mo sya at wag mo akong hayaan na papiliin si Snow.", sabi ko ulit pero mahinahon na.

Napansin kong medyo lumuwag ang pagkakayakap nya kay Snow tapos tumungo sya.

"Keran...", tawag ni Snow sa akin.

When Winter Comes || FILVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon