54 : Smile

31 6 8
                                    


YUXIN'S POV

Last day na ng school festival namin... Wala naman importanteng naganap nitong nakalipas na mga araw. Pinilit ko namang enjoyin pero hindi ko talaga sya maenjoy.

Sinubukan pa namin lahat yung mga booth pero hindi ko naman naenjoy. Pambihira!

Pinilit nila akong mag-escape room, ako lang naman ang mag-isa pumasok gawa nang sila ay magkakapartner. Ilang oras ata ang itinagal ko sa loob kaya hindi na ako umulit. May pa-horror booth at tinry din namin yun, pero ako lang ang hindi nagugulat. Mayroon ding wedding booth, pero naging audience lang ako at sila ang nagpakasal doon, tuwang-tuwa pa sila fake namang kasal yun. May jail booth, nakulong ako at hindi ako pinalabas ng isang oras dahil pinagkaisahan ako ng mga yun, hindi man lang tinubos 200 pesos lang naman... Pinabayaan pa ako. Tsk! Pero okay na rin dahil boring naman kahit saan. *Facepalmed*

Marami pang ibang booth ang tinry namin. May dating booth wala naman akong ka-date, tsk!

"Yuxin!"

Narinig kong may tumawag sa akin. Nang lingunin ko ito... Bumungad sa akin si Keran.

Tumingin sya sa akin mula paa hanggang ulo.

Napakunot naman noo ko.

"Ah... Pupunta ka ba para mamaya?", tanong nya.

Tumango ako.

"Bakit hindi ka pa nakabihis? 8pm start nun. 7pm na.", sabi nya.

"Magpapalate ako ng kaunti.", sabi ko.

Sya naman ang kumunot ang noo.

"Bakit naman?", tanong nya.

"Nakausap ko yung isang officer na naghahandle nung party. Sabi nya 8:30 daw ang simula kase panigurado daw na may malelate.", paliwanag ko.

"Ah kaya ka magpapalate kase may malelate din na iba?", tanong nya

"Parang ganun na nga.", sabi ko.

Nagkatinginan kami at sabay na napatawa.

Nang makita nya akong tumatawa bigla syang napatigil at nanlaki ang mata nya

Napatigil din ako dahil nagtataka ako sa reaksyon nya.

"Tumawa ka?", nakakatangang tanong nya.

"Tsk! Hindi.", sabi ko.

"Ey! Tumawa ka!!!! ", sabi naman nya.

Para syang natutuwa.

"Eh ano kung tumawa ako?", naguguluhan kong tanong.

"Hello! Isang buwan ko nang hindi naririnig yung tawa mo.", sabi nya

Nagulat naman ako.

"Talaga ba?", tanong ko.

"Oo kaya. Sa tingin mo, ganto reaksyon ko kung hindi.", pamimilosopo pa nya.

"Tsk! Ewan ko sa iyo.", sabi ko na lang.

"Keran, hintayin nyo ako. Magbibihis na ako saka mag-aayos ng kaunti para makasabay na ako sa inyo.", sabi ko.

"Sige sige. Dale lang.", sabi nya.

"Punta na muna ako doon sa room namin na nasa KABILA LANG NAMAN kaya kapag natapos ka ay kumatok ka na lang doon ha! Wag ka pa-VIP.", pagbibiro nya.

Tinawanan ko naman sya habang tumatango.

Ngumiti naman sya.

"Yan, ienjoy mo lang buhay mo Yuxin. Tama na ang kadramahan mo sa pagkawala ni Xueer. Kung buhay sya, babalik sya. Hintay lang.", sabi nya.

When Winter Comes || FILVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon