41 : Weird

42 6 1
                                    


RAIN'S POV

Araw na nang pasukan namin dito sa ordinary world. Pero sabi ko sa kanila na hindi muna ako papasok at nakapagsabi na rin ako sa school. Okay lang naman daw yun. Sa dalawang araw na nakalipas, nagfocus sila sa pag-aaral ng mga dapat gawin nila habang nasa school lalo na at si Keni o si Linfan lang magiging guide nila at wala si Xueer.

Si Xueer? Ito, hanggang ngayon hindi pa rin sya gumigising. Pero hindi naman sya inaatake ng katulad noong nakaraan.

Hindi pa sya nainom ng gamot dahil sa hindi pa nga sya nagising. Ang ginawa na muna nina Yanessa kahapon ay pinahiran sya ng kung ano man yun para daw mas mapabagal yung pagkalat ng lason sa katawan nya.

Balik na naman sa normal yung kulay ng balat ni Xueer. Kaya medyo kalmado pa ako.

Nakaupo lang ako sa tabi ni Xueer. Gusto ko sya bantayan.

"Yuxin??"

Tumingin ako sa may pintuan, hindi ko napansing may nagbukas ng pinto. Nandoon si Keran.

.

"Oh?", tugon ko.

Nagpasukan naman sila sa kwarto, akala ko si Keran lang.

"Papasok na kami.", sabay na sabi nina Shuxin at Anqi.

Tumango lang ako.

"Sigurado ka bang ikaw lang magbabantay kay Xueer? Ayaw mong ipaiwan si Yuyan o si Keran???", tanong ni Jiaqi

Napatingin ako kay Yuyan. Naalala ko yung nangyari dati at simula noon iniwasan ko na talagang maiwan nang sya lang ang kasama kahit pa may Keni na sya ngayon.

Tumingin naman ako kay Keran. Hm, pwede naman si Keran kaso baka magtalo lang kami. Hindi kami tumatagal ng maayos mag-usap.

"Wag na. Ok na akong ako lang ang maiiwang magbantay kay Xueer. Kaya ko naman. ", sabi ko.

"Asige. ", pagpayag ni Jiaqi na may kasama pang pagtango.

.

"Update ka na lang namin at saka papahiramin ka na lang namin ng notes.", sabi ni Keni.

Ngumiti at nag-OK hand gesture na lang ako sa kanila.

"Alis na kami.", sabi ni Keyin.

Tumango ako.

Pagkalabas nila ng kwarto at pagsara ng pinto agad akong tumingin kay Xueer.

"Kailan ka ba magigising Xueer?"

.
.
.

KERAN'S POV

Pagkarating namin sa Winter High University... may Winter na naman sa pangalan ng school. Halatang si Xueer ang pumili ng university. Hays! Winter Academy pinanggalingan namin tapos Winter High University naman itong nilipatan namin. Napakagaling!

Winter Academy, winter dahil every winter may ganap na pagalingan at labanan.

Winter High University, ano namang mayroon dito???

I wanna know. I will make a way to find it out.

Namangha ako sa istilo ng university na ito. Mangilan-ngilan lang ang puno. Malawak din sya parang sa WAcad.

Madaming estudyante at maiingay hindi katulad sa nakasanayan namin na kalmado kapag unang araw ng pasukan.

"Guys, kailangan nating pumunta sa bulletin board.", pag-aaya ni Keni.

When Winter Comes || FILVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon