30 : Fake Death

41 4 10
                                    


YANESSA'S POV

Nandito kami sa kweba na medyo may kalayuan sa school. Kasama ko si Keran at Rain. Dinala namin ang katawan ni Snow dito.

Nang biglang matumba si Snow, chineck ni Keran ang pulsuhan nito at sabi nya hindi na daw tumitibok. Kaya chineck din ni Rain. Hindi daw talaga.

Palihim akong napangiti.

.

Nasa isip ng iba, patay na si Snow. Kahit si Mr. Kun dumating at ang sabi nya patay na.

Kaya nag-announce sya na tapos na ang laban at mag-aannounce na lang daw sya kung magkakaroon ng laban sa susunod na linggo.

Nagvolunteer si Keran na kami na lang ang magdadala sa kanya sa gubat. At hinayaan kami ni Mr. Kun na dalhin ang katawan nya.

Sa gubat palagi dinadala ang katawan ng mga namamatay.

Habang nasa daan kami kanina, tinanong ko si Rain kung may nararamdaman syang nakasunod, sabi nya wala kaya tinanong ko naman si Keran kung may naririnig syang paparating o nakasunod at sabi nya rin ay wala.

Habang inaalalayan namin si Snow... ikinwento ko sa kanila kung bakit nagkaganito si Snow.

Gumawa ako ng isang gamot kung saan kapag ininom mo titigil ang pagtibok ng puso at pulsuhan mo, aakalain mo talagang patay ang isang tao. Walang nakakaalam ng gamot na ito kundi ako lang.

Alam ko na ang plano ni Mr. Kun. Kaya gumawa ako ng paraan para tulungan si Snow. Pumayag naman sya kahit nag-aalangan sya nung una.

Kaya natuwa sina Keran at Rain sa sinabi ko. Nakahinga sila ng maluwag. *LAUGHS*

.

Habang nakaupo ako at nakasandal sa malamig na semento o bato... Tumabi sa akin si Rain.

Si Keran kase ay nakaupo sa katapat ko at nakatitig lang kay Snow na wala pang malay.

Tiningnan ko si Rain, nakatingin sya doon kay Snow. Ang lungkot ng mga mata nya.

Minsan nakakaawa itong si Rain. Hindi sya mahal ng taong mahal nya. Parang ako, hindi nya ako mahal. *Sigh*

Tumingin na ulit ako sa harapan ko.

"Yanessa...", tawag sa akin ni Rain.

Nakakatawa, pabulong nya pang sinabi, malakas pa rin naman at nasa kweba kami. Malamang nag-eecho ang boses *LAUGHS*

Tumingin ako sa kanya, pero nakatingin pa din sya kina Snow. Bigla akong nalungkot.

Ako ang katabi nya pero hindi nya ako magawang tingnan.

"Oh?", tipid na tugon ko.

"Sigurado ka bang safe yung pinainom mong gamot kay Snow???", tanong nya.

.

"Oo naman.",  diretsang sagot ko.

.

"Ilang oras ba yun?", tanong nya ulit.

"Hmm... 5 hours.", sabi ko

"Ah okay.", sabi nya.

.
.
.

MR. KUN'S POV

Kinagabihan...

Paano na ito??? Totoong namatay si Snow.

Paano nya pa ako matutulungan na makuha itong school na ito. Hindi naman ako pwedeng makipaglaban kay Daniel at matatalo lang ako.

Ang tanga tanga ko!!! Bakit hindi ko kaagad naisip yun. Bullshit!!

When Winter Comes || FILVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon