27 : I Lose

41 6 2
                                    


KERAN'S POV

Buong maghapon akong nakakulong sa loob ng kwarto ko. Tinatamad ako tumayo. Hindi pa ako kumakain mula kahapon. Wala akong gana.

Dapat nag-eensayo ako ngayon dahil bukas na ang laban. Yung ibang estudyante paniguradong matindi ang pag-eensayo nila ngayon.

.

Hindi ko pa rin malimutan yung huling pag-uusap namin ni Snow.

.

Oo, tama kayo ng basa... Mula noon hindi na kami nag-usap. Hindi ko rin sya nakikita sa school. Hindi ko alam kung bakit. Sinubukan kong pumunta sa kwarto nya nung minsan pero nakalock ang pinto, wala akong naabutang Snow doon.

Nang tinawagan ko naman... wala rin. Hindi na daw nag-eexist yung phone na tinatawagan ko.

.

(A/N: wala po silang gamit na sim. Syempre kapangyarihan nila ang nagpapagana dun. So, no need for the sim na.)

.

Bukas na ang laban.

Alam kong bukas ko sya makikita. Pero bakit parang ayaw ko? Nakatatak pa din sa isip ko yung mga sinabi nya.

Kinakabahan ako. Natatakot ako para sa kanya.

Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari.

.

*TOK TOK*

"Pasoook", sabi ko.

Hindi ko kita kung sinong pumasok dahil nakahiga ako at nakatingala... hindi ko naman pati nilingon ito.

.

"Keran...", tawag sa akin.

Napaikot ang mata ko. Kahit hindi ko na tingnan kung sino ang nagsalita. Boses palang alam ko na.

.

"Wala ka bang balak mag-ensayo???", tanong nya.

"Wala.", tipid na sagot ko.

"Pero kailangan mo mag-ensayo. ", pangungulit nya.

"Ano bang pakialam mo, Rain???", inis kong sabi.

Hindi agad sya nagsalita. Mukhang may gusto sya sabihin pero parang nagdadalawang isip sya.

.

.

Pinaningkitan ko sya ng mata.

.

"Nakita ko si Snow.", sabi nya.

Agad akong napabalikwas at tiningnan ko sya ng maigi. Baka nagbibiro lang sya kaya sinusuri ko mukha nya.

"Nagsasabi ako ng totoo kaya wag mo ako katitigan", Inis na sabi nya.

"Saan?", tanong ko.

"Sa garden.", sagot nya.

"Anong ginagawa naman nya dun? Sinabihan nya akong wag pumunta doon tapos sya pupunta? ", sabi ko na may pagtatampo sa tono ng pananalita.

When Winter Comes || FILVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon