56 : How?

40 5 11
                                    

(A/N: Surprise!!! Nagbago isip ko... dadagdagan ko itong When Trilogy I nang ilan pang chapter para tumugma sa When Trilogy II)

.
.
.

YUXIN'S POV

Kaaalis ko lang galing sa bahay ni Adam. Tsk!

Paano ko kukunin si Xueer doon??? Namomroblema ako sa pagkuha kay Xueer. Hindi naman ako pwedeng basta na lang mamasok ng bahay at buhatin si Xueer palabas doon. Mamaya makulong pa ako. Gusto kong mabuhay ng malinis dito, yung walang record sa prisinto.

|| FLASHBACK ||

Tumakbo yung babae, nang dahil sa kuryosidad na nararamdaman ko, kaya agad ko syang sinundan. Buti na lang hindi kami napapansin ng iba dahil na rin abala sila sa pagsasayaw. Upbeat kase yung tugtog.

Nang una kong makita ang mata nya, akala ko si Xueer pero nang titigan ko ng mabuti... alam kong hindi sya yun. Sigurado akong si Sakura yun. Nakakapagtaka lang dahil ang sabi nila patay na si Sakura at si Mr. Daniel.

Paanong buhay si Sakura? May posibilidad kayang buhay din si Mr. Daniel?

Habang madami akong tanong sa isipan ko, hindi ko namalayan na nakarating kami dito sa labas ng pinagdarausan ng party. Nandito kami sa may gilid kung saan wala masyadong liwanag.

Huminto sya kaya huminto din ako. Nakita ko ang paggalaw ng kamay at braso nya kaya alam kong tinanggal nya ang mask nya. Pagkatapos nun, unti-unti syang humarap.

Hindi nga ako nagkakamali... Si Sakura nga.

"Yuxin...", Mahinang tawag nya sa pangalan ko.

Hindi ako tumugon sa kanya at tinitigan ko lang sya na para bang naghihintay ako sa kasunod na sasabihin nya.

"Mahal mo si Xueer diba?", tanong nya.

Ehh?? Bakit nya natanong?

"Oo naman.", sabi ko.

"Paano kung sabihin kong...", huminto sya sa pagsasalita.

Parang nagdadalawang-isip pa sya kung sasabihin nya o hindi.

"Ano yun?", tanong ko.

Tumingin sya sa akin ng maayos.

.

"... alam ko kung nasaan siya.", sabi nya.

Natigilan ako ng sinabi nya yun. Alam nya? Bakit ngayon nya lang sinasabi?

"Nasaan sya?", diretsang tanong ko. Saka ko na tatanungin kung paano nya nalaman kung nasaan si Xueer.

"Bago ko sabihin yun may isa akong kondisyon.", sabi nya.

Nakaramdam ako ng kakaiba. Pakiramdam ko hindi ko magugustuhan yung kondisyon niya.

Sumenyas ako sa kanya na ituloy nya ang sinasabi nya.

"Kapag nakuha mo si Xueer, dalhin mo sya sa akin at wag ka na ulit magpakita.", sabi nya.

Napabuntong hininga ako sa sinabi nya.

"Bakit? Anong nagawa ko?", tanong ko.

.

"Sa simula pa lang, hindi na ako pabor kay Keran at Xueer. Hindi ko naman alam na magiging kayo ni Xueer. Sinasabi ko sayo dahil halatang hindi mo alam, hindi kayo pwede, Yuxin.", sabi nya.

When Winter Comes || FILVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon