52 : Where To Find You?

51 6 4
                                    


ADAM'S POV

Nakita ko sa wall clock na 11:28pm na. 20minutes na ang nakakalipas nang umalis si Xueer. Nasa labas pa kaya sya ng school?? Mahirap ang sasakyan kapag ganitong oras at yung kotse nya, paniguradong wala dito.

Napag-isipan kong lumabas para i-check kung nandoon pa sya o nakaalis na sya. Nag-aalala pa rin ako sa kanya syempre, kahit sinaktan nya ako ng mga sinabi nya kanina.

Nang makalabas na ako at malapit na ako sa gate, naaninag ko sa hindi kalayuan na may babaeng nakatayo doon. Mukhang si Xueer yun dahil sa suot nyang damit.

"XUEER!!!", tawag ko dito.

Mukhang narinig naman niya ako dahil lumingon ito. Kakaway na sana sya nang biglang may dumaang motor na may angkas na isa yung nagmamaneho at hindi ko Nakita yung ginawa nya, basta may ginawa sya kay Xueer dahil Nakita ko ang pag-iba ng expression ni Xueer, hindi ko sila namukhaan dahil nakahelmet at agad din naman sila umalis. Nagulat ako ng makita kong unti-unting bumagsak si Xueer. Nasaksak ba sya? Tumakbo ako papalapit sana sa kanya pero bigla akong napahinto ng biglang may humintong itim na van at dali-daling binuhat si Xueer. Nakatakip ang mga mukha nila.

Bago pa nila maisakay ito sa sasakyan ay nagmadali akong tumakbo para sana pigilan sila kaso hindi rin ako umabot. Saktong pagdating ko ay ang pag-alis ng van. Tiningnan ko yung plate number, pero puta! Peke yun. Sigurado akong peke yung plate number na yun. Bwiset!!! Hindi ko mahahabol ito dahil malayo ang pinagpark-an ko ng kotse.

Paano na ito? Xueer!

.

.

.

XUEER'S POV

Pagkaalis ko galing sa office ni Chengcheng ay saka ko lang nalaman na gabing-gabi na pala. Paano ako uuwi nito? Wala na masyadong sasakyan. Hindi ko rin dala yung kotse ko dahil kay Xiaowei na sasakyan ako sumakay kanina. Yung kotse ko paniguradong naiuwi na nina Yuxin. Hay paano ba ito?

Tiningnan ko ang phone ko pero wala naman akong pantawag, pantext o panchat lamang dahil mahina nag signal dito. Yung wifi naman sa school na ito ay wala pa akong access.

Ang malas ko naman lagi! -___-

Nagdadalawang-isip ako kung babalik ba ako sa loob at makiusap kay Chengcheng na ipagdrive ako. Alam ko namang papayag yun pero naiilang ako kase alam ko ring nasaktan ko sya kanina. Hay! Paano na?

"XUEER!!!"

May narinig akong tumawag sa akin mula sa aking likuran. Parang boses ni Chengcheng yun, nang lumingon ako... hindi nga ako nagkakamali. Si Chengcheng nga yun! Napangiti ako. Kakaway na sana ako sa kanya nya kaso bigla akong may narinig na motor, bago ko pa ito malingon ay nakaramdam na agad ako ng masakit likod ko. Hindi ako nasaksak, nabaril ako. Hula ko, mayroong silencer ang baril na ginamit nila dahil wala itong tunog.

Unti-unti akong bumagsak at nakita ko pa ang gulat na expression sa mukha ni Chengcheng. Nakita ko ring lalapit na sana sya kaso natigilan sya dahil siguro dito sa mga gagong dumating na naramdman ko na lang na binubuhat na ako.

Nakita ko ang pagtakbo ni Chengcheng pero hindi rin sya umabot. Sa pagsara ng pinto ng van ay syang pagdilim ng paningin ko.

.

.

.

YUXIN'S POV

Isang linggo na ang nakalilipas mula ng mawala si Xueer. Hanggang ngayon wala kaming clue kung nasaan sya. Mula din noong araw na yun hindi na pumasok si Xiaowei, ang sabi lumipat daw ng ibang school. Nagtanong na kami sa office kung saan lumipat, hindi naman daw nila pwede sabihin yun. Naghanap kami ng yearbook pero yung nakita naming wala doon yung pangalan ni Xiaowei. Ang sabi kase, wala pa daw yearbook yung batch namin dahil hindi pa naman daw kami graduate, si Xiaowei daw ay hindi naman dito nag-aral dati... napasapo ako sa noo ko nang malaman ko yun.

May hinala na ako noong sa tawag pa lang na si Xiaowei yun. At ngayong wala sya, mas lalo akong nakasiguradong siya yun.

"nasaan na kaya si Xueer ano?", rinig kong tanong ni Jiaqi.

Wala namang sumagot kahit isa sa amin.

"Ang dapat nating alamin kung buhay pa sya", sabi naman ni Xiaotang.

Napatingin kaming lahat sa kanya. Kahit kailan talaga napaka-straightforward magsalita nitong babaeng ito. Okay naman yun, pero minsan hindi nakakatuwa ang mga salitang lumalabas sa bibig nito.

"Ano? Totoo naman ah. We are already aware na nasa puder sya ni Xiaowei. She's a psychopath kaya hindi tayo makakasiguradong buhay pa si Xueer. Psychopaths are unbelievable. Kapag tinamaan ng sapak, pumapatay na lang.", sabi niya.

Napabuntong-hininga ako. Xiaotang is right but I don't want to believe it. I want to believe that Xueer is alive as long as hindi ko pa nakikitang patay na sya.

.

.

"Yuxin ano nang gagawin natin ngayon?", tanong ni Linfan.

"We don't have any clue where can we find her.", sabi naman ni Keni.

"We need to make a move, Yuxin. A week had passed. ", Yuyan said.

"Habang tumatagal, pa-delikado ng pa-delikado yung buhay ni Xueer.", sabi naman ni Keyin.

"Wala ka bang kilala na kakilala ni Xueer?", tanong ni Anqi.

Sa tanong na yun ni Anqi, may isang tao na pumasok sa isip ko...

Si Adam.

Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang number ni Adam.

Nang makita ko na ay sinubukan ko na itong tawagan at nakakaisang ring pa lang ito ay meron na agad sumagot.

"Hello?", bungad ko.

"Yuxin?", patanong na banggit nya sa pangalan ko.

"Oo ako nga. Adam, pwede mo ba kami tulungan?", tanong ko.

"Si Xueer ba?", patanong na sabi nya.

"ha? Paano mo nalaman?", tanong ko.

"Magkita tayo nang malaman mo. Ikaw lang.", sabi nya.

Bakit???

Hindi na ako nakasagot, nakita ko na lang na pinatay na nya ang tawag at may nareceive akong text mula sa kanya.

Nang tingnan ko, isa iyong address.

"Keni, ihatid mo ako sa address na ito.", pautos na sabi ko.

"nandiyan ba si Xueer sa address na yan?", tanong ni Shuxin sa akin.

"Wala, may kakausapin akong tao.", sabi ko.

Hinila ko na si Keni papunta sa kotse. Pagkasakay namin saka ko sya inutusan na paandarin na yung kotse.

Sana makita na kita Xueer. Iba na yung klase ng kabang nararamdaman ko. Ayaw ko ng ganito, Xueer!


KERAN'S POV


Pati dito sa ordinaryong mundo, hindi rin matakasan ni Xueer ang pagiging malas. Kawawa sila parehas ni Yuxin. Si Xueer laging nasa panganib, laging delikado ang buhay. Si Yuxin laging mag-aalala. Hanap dito, hanap doon.


Kami kaya ni Linfan, kailan kaya magiging kami? si Anqi kase laging nakadikit kay Linfan. Buti pa si Jiaqi at Keyin, going strong pa din. Si Shuxin at Xiaotang ganun din. Si Yuyan at Keni ayun balik na sila dati, ang sweet sweet nila. Si Xueer at Yuxin, ayos naman sila at napakastrong ng relationship nila kahit may mga kamalasan sila. 


Hays! Kailan tayo, Linfan!!!!

When Winter Comes || FILVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon