3 : Snow is Back

118 8 6
                                    


YANESSA'S POV

Papunta kami ni Chloe sa gymnasium para magpractice kung paano mas bibilis ang kilos namin.

.
.

Habang naglalakad may nahagip ang mata ko sa may labas.

.

May nakita akong babaeng naglalakad medyo malayo layo pa sya ng konti.

Namumukhaan ko sya pero hindi ko maalala ang pangalan nya. Siguro kapag lumapit kami maalala ko sya.

" Hoy, anong tinitingnan mo?", napansin na pala ni Chloe na may tinitingnan ako.

Tumingin din sya sa tinitingnan ko...

"Dun ka ba sa babaeng yun nakatingin? Ang ganda nya!", sabi nya habang abot-tenga ang ngiti. Tsk! Tiningnan ko sya ng masama.

"Tara! Alamin natin kung sino yun, baka kase ordinaryong tao baka mayari tayo", dahilan nya. If I know, gusto nya lang dumamoves dun.

Hindi pa ako nakakapagsasalita nang bigla nya akong hilahin papunta sa gate. Saktong malapit na yung babaeng hindi ko pa rin maalala ang pangalan.

Hinila pa ako ni Chloe kaya naharang namin yung babae.

"Sino ka?", sabi ni Chloe. Siga magtanong amputek.

.

(A/N: Chloe po pangalan ni Shaking, ang babaeng may guhit-guhit sa mukha. HAHAHAHA!)

.

Tumitig lang sya kay Chloe. Tapos tumingin sya sakin ng saglit at nakita kong kumunot ang noo nya. Mukhang nakikilala nya rin ako.

"Parang familiar ka sakin", sabi ko sa kanya.

"Bakit nyo ba ako hinaharang?", tanong nya samin at hindi nya pinansin ang sinabi namin. Naalala ko kung anong letter nagsisimula ang pangalan nya. S.

Hindi kami sumagot ni Chloe at tinitigan lang namin sya.

"Matagal na ako dito, ok! Kaya padaanin nyo na lang ako dahil may kailangan pa akong asikasuhin", sabi nya.

Nang magsalita syang muli. Bigla kong naalala ang pangalan nya. Lintik! Walang pinagbago.

Bumulong ako kay Chloe...

.

"Snow, strongest candidate for the leader in Ice Division."

.

Sa sinabi kong iyon nanlaki ang mata ni Chloe, tinitigan nya muna si Snow at saka nya ako tiningnan... Kilala nya rin si Snow dahil minsan na naming nakalaban ito. At hindi biro ang kakayahan nya.

Tumabi si Chloe para magbigay daan kay Snow. Putek! May konting trauma pa ito kay Snow kaya ganun. Hindi ako tumabi, kasya na naman sya e.

Naglakad na si Snow para dumaan, nang nasa tapat ko na sya, hinawakan ko ang braso nya at saka ako bumulong.

" Wag kang pakampante. Kating kati na akong patayin ka!", bulong ko sa kanya.

Nakita kong nagulat sya. Painosente amputek! Akala nya ba nakakalimot na kami. Hindi pwede yun gago!

Binitawan ko na sya...

.

"Tara na Chloe", pagkasabi ko nun tinitigan ko ng masama si Snow, saka ako tumalikod para pumunta nang gymnasium. Kailangan kong maghanda ngayong nandito ka na, Snow.

When Winter Comes || FILVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon