58 : It's a goodbye, for now....

58 4 4
                                    


YUXIN'S POV

Kinabukasan...

Nandito ako ngayon sa may malapit sa bahay ni Adam. Nasa loob ako ng sasakyan.

Naghihintay ako. Inaabangan ko ang paglabas nya.

Maya-maya pa, nakita ko ang paglabas nya sa pinto... nakasunod sa kanya si Adam.

Nanlaki ang mata ko nang makita kong madami silang gamit na dala ng kanilang mga yaya at nung driver.

What the fuck?

Saan sila pupunta? Ilalayo nya ba si Xueer?

Bago pa ako nakaisip ng paraan kung anong gagawin ay hindi ko namalayan ang sarili ko na lumabas mula sa aking sasakyan at tumakbo papalapit sa kanila.

Pasakay na si Xueer sa sasakyan nang kapitan ko sya sa kanyang braso at hilahin ng kaunti, tama na para mapaharap sya.

Tumingin sya sa akin na para bang ako na ang pinakaweird sa mundong ito.

Tatlong beses akong napapikit ng mabilis at huminga ng malalim bago magsalita.

"Saan ka... Kayo pupunta??", tanong ko.

"Sino ka ba?", tanong nya.

"Xueer... Hindi mo ba talaga ako naalala??", Tanong ko na para bang umaasa na sana naaalala nya ako.

Marahas nyang inalis ang braso nya mula sa pagkakakapit ko.

"Sino ka ba? Mali... Kaano-ano ba kita nung hindi pa ako nakakalimot?", tanong nya.

.

"Gi--girl--", naputol ang sinasabi ko nang magsalita si Adam.

"Siya ang dahilan kung bakit wala kang maalala, Xueer."

Napatingin naman si Xueer sa kanya.

"Ganun ba??", tanong nya kay Adam at muling tumingin sa akin.

"Ibig sabihin, masamang tao sya?", sabi nya kay Adam habang nakatingin sa akin.

"Edi kahit hindi na pala kita maalala.", dagdag nya pang sabi na nakapagpakirot sa puso ko.

.

"X--Xueer...", tawag ko sa kanya.

Hindi sya sumagot at tinalikuran na lang ako. Hindi pwede!

Agad ko syang hinawakan sa braso nya at hinila sya. Tumakbo ako para isama sya sa akin. Bahala na! Hindi ako papayag na sumama sya doon.

Sa higpit ng kapit ko parang nakakaladkad ko sya. Ramdam kong pinipigilan nya ako, ramdam ko ang pagpupumilit nyang alisin ang braso nya mula sa kapit ko.

Pinipigilan kong maiyak...

"ANO BAAAA!!!!", sigaw nya at pilit na tumigil at nagtagumpay sya.

Napatigil kami sa gitna pa ng kalsada. Buti na lang hindi masyadong daanan ng sasakyan ito.

Napansin ko ang pagkulimlim ng mga ulap. Para bang nakikisama ito sa akin, sa sitwasyong kinalalagyan namin.

"Ang sakit ng pagkakakapit mo! Hindi kita kilala, sa tingin mo sasama ako sayo kung ganitong nakakasakit ka??? Sino ka ba? Ha!", naiinis na sabi nya.

"Mahal kita, Xueer.", sabi ko. Wala akong ibang masabi kundi yun lang.

Natigilan sya at kumunot ang noo nya.

"May mahal ako. Ikakasal ako kay Chengcheng. Kung ano man kita noon. Sorry, pero wala akong maalala. Kung maaari wag ka na lang manggulo. Okay naman ako ngayon kahit wala akong maalala.", mahabang litanya nya.

"Pero, Xuee--", naputol ang sinasabi ko.

"XUEER!!", tawag sa kanya ni Adam.

Lumingon sa kanya si Xueer at nakita ko ang pagngiti nya.

Tumingin ulit sya sa akin at unti-unting tinanggal ang braso nya mula sa kamay ko.

"Masaya na ako. Sana, ikaw din.", sabi nya.

Tumalikod na sya sa akin.

Hindi ko alam pero wala na akong lakas para pigilan pa sya.

Habang naglalakad sya papalayo sa akin, unti-unti kong naramdaman ang pagtulo ng luha ko.

Nakita kong lumingon sya at nakita kong nakita nya ang luha ko na tumulo mula sa mga mata ko pero tinalikuran nya pa rin ako.

Mukhang hindi nya nga ako maalala.

Bago pa sya makalapit kay Adam ay bigla kong naramdaman ang pagbuhos ng ulan at unti-unti nito akong nabasa.

Tumakbo na sya papunta sa sasakyan nila at pumasok doon. Nakita ko ang pagngiti ni Adam sa akin, senyales na nanalo sya.

Nang magsimulang umandar ang sasakyan nila papaalis ay napaluhod ako. Nakakapanghina.

.

Ramdam ko ang lamig na dulot ng ulan at ang pagtulo ng mainit na likido sa pisnge ko mula sa mga mata ko.

Tumungo ako at doon nagsimulang humagulgol.

Hihintayin ko ang pagbabalik mo, Xueer. Kahit gaano pa katagal yan.

.
.
.

XUEER'S POV

Kahit hindi ko sya kilala ay masakit pa rin para sa akin na makitang may umiyak nang dahil sa akin.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kirot ng sabihin kong may mahal ako at ikakasal ako kay Chengcheng. Inisip ko na lang na siguro dahil alam kong masasaktan yung babae.

"Xueer...", tawag ni Adam sa akin.

Lumingon naman ako sa kanya.

"Okay ka lang?", tanong nya.

Ngumiti ako at tumango.

Hinawakan naman nya ang kamay ko.

"Wag mo na kaisipin yung babaeng yun ha. Sobrang mahal ka lang nya kaya ganun yun. Ako naman mahal mo, diba?", sabi nya.

"Oo naman, ikaw ang mahal ko.", sabi ko.

Ngumiti sya.

.
.

Nang makarating kami sa airport ay hindi ko pa rin malimutan yung babae.

Kitang-kita ko ang sakit mula sa mga mata nya. Ramdam ko yung lungkot mula sa mga luha nya.

Pero anong magagawa ko? Hindi ko sya maalala. Hindi ko naman ramdam kung mahal ko rin ba sya.

Ang alam ko lang, masaya na ako kay Chengcheng. Okay na ako kahit wala akong maalala.

.

Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko namalayan na nakasakay na kami sa eroplano.

Siguro, kalimutan ko na muna yung babaeng yun. Kailangan ko mabuhay sa kung anong meron ako ngayon.

.

Hanggang sa muling pagkikita na lang natin, Miss I-don't-know-who-she-is. Sana maalala kita para naman hindi ako makonsensya sa pagtanggi sa iyo.

Sa ngayon, Paalam na muna.

When Winter Comes || FILVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon