49 : BITCH !!!

42 7 17
                                    

XUEER'S POV

Monday ngayon kaya maaga kaming bumangon para maghanda sa pagpasok. Wala na naman akong naramdamang kakaiba nitong nakaraang linggo, siguro magaling na talaga ako.

Nasa hapag-kainan na kami at kumakain ng agahan na inihanda ni Yuyan at Linfan. Buti hindi nagrereklamo itong dalawang ito, mas maaga silang bumabangon para magluto at maghanda ng pagkain.

9am pa ang pasok namin at 7:30am palang ngayon kaya hindi namin kailangang magmadali. 30 minutes lang naman ang layo ng school kapag nakakotse.

"Xueer...", tawag sa akin ni Shuxin.

Tumingin naman ako at hindi nagsalita dahil may pagkain pa akong nginunguya.

"Bantayan mo yang si Yuxin baka ma-rape na naman HAHAHAHAHHAHAHAH", pagbibiro nya

Nagtawanan naman sila bukod sa akin at kay Yuxin na nakangiti lang.

"Hindi rape yun, nagustuhan din ni Yuxin eh.", natatawang dagdag na sabi ni Xiaotang.

Natigilan yung iba at sabay-sabay na tumingin kay Xiaotang na napatigil sa pagtawa.

Nakita kong nakangiti ng mapait si Yuxin. Hindi ko alam na nakikinig pala sila sa amin ni Yuxin kahapon nung nag-usap kami. Simula kahapon ganyan na sila, laging nagbibiro. Birong hindi kagandahan pakinggan. Nalulungkot ako kase alam kong sinisisi pa rin ni Yuxin yung sarili nya kahit sinabi kong okay na sakin yun.

"Ang ingay nyo Xiaotang at Shuxin, bagay nga kayo", sabi ni Keran doon sa dalawa.

"Lasing lang si Yuxin nun at hindi alam yung ginagawa nya.", sabi ni Yuyan.

"SHHHHHH", pagpapatahimik ni Anqi sa kanila.

"Ah, Xueer... una na kami ha.", pagpapaalam nina Jiaqi kasama nya sina Keyin, Keni, at Yuyan dahil sila ang magkakasama sa isang kotse.

"ah, kami rin.", pagpapaalam naman ni Linfan kasama naman nya si Anqi at si Keran.

Nagmamadali silang umalis at ang naiwan dito ay ako, si Yuxin, si Shuxin, at si Xiaotang.

"Xueer, Yu—Yuxin... hintayin na lang namin kayo sa kotse ha.", pagpapaalam ni Xiaotang dahil nahihiyang magsalita si Shuxin. Kasama kase namin si Shuxin at Xiaotang sa isang kotse.

Pagkaalis nilang lahat saka ako tumingin kay Yuxin. Nakatungo sya pero kitang-kita ko ang pagpipigil nyang umiyak.

"Yuxin... tapos ka na ba kumain?", tanong ko sa kanya.

"ha? Oo.", tipid na sagot nya habang nakatungo pa din.

Napabuntong-hininga naman ako. Hinawakan ko yung balikat nya. Nag-angat naman sya ng tingin at tiningnan ako.

Nginitian ko sya.

"Wag mong kaisipin yung sinabi nila. Okay naman na tayo. Okay na sa akin. ", sabi ko

Dahan-dahang tumulo yung luha nya. Inilapit ko ang hinlalaki ko sa luha nya para punasan ito.

"Wag ka na malungkot. Tapos na yun. Wala na tayong magagawa dun. Pero may magagawa pa tayo para hindi na maulit kaya mag-ingat na lang tayo ha. Focus tayo sa kailangan nating gawin.", sabi ko.

When Winter Comes || FILVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon