WARNING:
ANG ISTORYANG ITO AY UNEDITED KAYA NAPAKARAMI PANG TYPO. READ AT YOU OWN RISK.
-----
The Time Traveler (01)
"Kung bibigyan ka ng pagkakataon, anong gusto mo baguhin na pangyayari sa buhay mo?" Biglang tanong ng estrangherong katabi ko sa simbahan. Hindi ko na lang siya pinansin dahil hindi ko alam kung sino ang kinakausap niya. Nanatili lamang akong nakatingin sa dalawang taong nasa harap ng altar, mukhang masayang-masaya ang dalawa. It seems so almost perfect, magarbo ang mga palamuting nakalagay sa simbahan simula sa bulaklak hanggang sa mga damit ng mga abay. Nangingibabaw ang mala rosa na kulay dahil ito ang motif ng kasal. Lahat ay mga nakangiti maliban sa isang tao...
Maliban sa akin na labis ng nasasaktan sa lahat ng mga nangyayari ito.
"Napakagandang kasal hindi ba?" Sa pagkakataong iyon, napatingin na ako sa mata ng estrangherong katabi ko. Kulay abo ang mga ito at alam kong sa oras na ito, ako ang kinakausap niya. Tinititigan ko pang siyang maiigi dahil masyadong perpekto ang kanyang mukha mula sa hugis nito hanggang sa pinakamaliliit na detalye. Mukhang isang anghel na bumaba sa langit ang lalaking katabi ko. Hindi ko matandaan kung naging kaklase ba namin siya nung college o naging isa sa mga kaibigan. Hindi pamilyar ang kanyang mukha, marahil ay kasosyo siguro nila ito sa negosyo kaya ito imbitado. Napukaw ang atensyon ko ng magsalita ang pari.
"Ikaw Angelo, tinatanggap mo ba si Laura bilang iyong kabiyak sa hirap man o sa ginhawa?" Napatitig ako sa lalaking tinatanong ng pari, ang lalaking pinakamamahal ko at pinakaninanais ko. Ang dati kong kasintahan na si Angelo. Ngumiti ito kay Laura ang pinakamatalik kong kaibigan bago sumagot.
"Opo, father." Unti-unting tumulo ang mainit na likido mula sa aking mga mata. Sobrang sakit ng nararamdaman ko, pakiramdam ko ay nabasag ako sa ilang milyong piraso ng marinig ko ang pagsang ayon niya.
Napatingin ako kay Laura, ako dapat ang nandoon at hindi siya. Ako dapat ang masaya at hindi ang nagdudusa. Kung nalaman ko lang agad sana na inaahas na niya ang lalaking pinakamamahal ko dati pa, hindi sana naging ganito ang resulta.
Nasasaktan ako ng sobra kapag naaalala ko ang pang aagaw at ang mga planong ginawa niya para makuha si Angelo mula sa akin, hindi ko man lang siya pinaghinalaan na may plano ng gawin na ikakasira ng pagkakaibigan namin o relasyon namin ni Angelo.
Hindi naman dapat ako nandito dahil hindi naman talaga ako imbitado, nakisama lang ako sa isa sa mga kaibigan namin nung college para makapunta dito. Patuloy lang sa pagluha ang aking mga mata wala na akong pakialam kung sino ang mga nakakakita at wala na rin akong pakialam kung nakakaagaw na ako ng atensyon ng iba, ang alam ko lang labis akong nasasaktan ngayon. Pinagmamasdan ko padin sila ng bigla nalang maagaw ng estranghero ang atensyo ko, inabutan niya ako ng isang puting panyo.
"Oy! Oy! Huwag kang umiyak, para nagtatanong lang naman ako. Saka pinagtitinginan ka na tayo akala yata nila pinaiyak kita." Tarantang tara siya habang nakataas ang dalawang kamay na nagsasabing wala siyang kasalanan. Napatingin ako sa paligid namin, totoo nga ang sinabi niya na masyado na kaming nakakaagaw ng atensyon nagbubulungan na din ang iba sa kanila.
"Kung bibigyan ka ng pagkakataon anong gusto mong baguhin na pangyayari sa buhay mo? At bakit?" Malapad ang tingin niya saken habang binabanggit sng mga salitang ito. Napatitig ako sa kanyang mata na tila ba sinasailalim niya ako sa isang hipnotismo. Kulay abo. Walang ekspresyon at puno ng skireto.
"G-gusto kong baguhin ang nakaraan. Ang puno't dulo ng pangyayaring ito." Kung bibigyan ako ng pagkakataon na baguhin ang lahat, mas pipiliin kong hindi nalang sila nakilala para hindi na ako nasasaktan pa ng ganito. Tama. Iiwasan ko sila at gagawa ng bagong simula. Hindi naman masamang maghangad na baguhin ang nakaraan hindi ba? Wala namang masama dahil alam ko sa sarili ko na imposibleng mangyari ito.
"Masusunod ang iyong kagustuhan, binibini." Napatitig ako sa kanya ng mas malalim at mga ilang segundo pa nakaramdam ako ng pagkahilo. Umiikot ang buong paligid at isang malaking hour glass ang nakikita ko.
"A-anong nangyayari?" Ngumiti lang siya saken at hinalikan ang aking noo. Pagkatapos non ay bigla nalang nagdilim ang paligid ko.
----
"Gumising ka na at tanghali na!" Naalimpungatan ako sa nakakabinging pagsigaw ng isang babae. Sobrang sakit ng ulo ko kaya hindi agad ako nakatayo at malabo pa din ang paningin ko sa paligid ko. Nasaan ba ako? Yan agad ang tanong ko sa sarili ko dahil ang huli kong natatandaan ay nasa isa akong wedding. Wedding ni Angelo at Laura yon, nakaupo ako sa isa sa mga upuan sa simabahan at may katabi akong isang lalaki na kulay abo ang mga mata. Tama-tama. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko ng mapansin kong malambot ang inuupuan ko. Sobrang labo din ng paningin ko, ano bang nangyayari sa akin?
"Mamaya ngang gabi i-ooff ko muna ang wifi araw-araw ka nalang puyat kakalaro ng online games na yan!" Napakapamilyar ng boses nung babaeng maingay may sinesermonan ito at dirediretso lang sa pagsasalita. Nakakabingi sa sobrang ingay niya.
"Bumangon ka na dyan." Niyugyog niya ako habang nakaupo sa kung ano mang malambot na to kasabay nito ang unti-unti paglinaw ng paningin ko. Nanlaki ang mata ko at halos bumagsak ang panga ko sa nakikita kong nasa harapan ko.
"T-Tita Vangie?" Paanong? Bakit nandito siya? Ang pagkakaalala ko ay nasa United States na siya at doon na maninirahan. Tinaasan niya lang ako ng kilay dahil nakita niya ang pagtataka sa mukha ko. "N-nakauwi ka na pala galing U.S.?" Mas lalong tumaas ang kilay niya saken sobrang pagtataka na ang nakikita kong ekspresyon sa kanyang mukha.
"Anong U.S. ang pinagsasasabi ml dyan?" Nagcross-arm siya at pinanlakihan ako ng mata. Tila ba hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko. "Kakapuyat mo yan! Bumangon ka na nga dyan at pumasok ka na!" Pasok? Ang pagkakaalam ko ay hindi na ako nag aaral. Pakiramdam ko ng mga oras na yon ay nababaliw na si Tita sa mga pinagsasasabi niya, ganito yata ang epekto ng jetlag sa kanya.
"Tita, kakagraduate ko lang last April." Nilibot ko ang paningin ko kung nasaan ako. Paano naman ako napunta sa kwarto na to? Pamilyar ang ayos at... "Aray!" Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit! Gusto ko magmura ng napakalakas dahil sa pangongotong na ginawa ng tita ko saken.
"Anong sinasabi mong kaka-graduate!? Kakapasok mo palang nung June! First year college ka palang! Yan! Kakalaro mo yan ng Online games na yan!" F-first year college? Una kong naisipang gawin ay ang hanapin ang phone ko ngunit bigo ako at ang tanging nakita ko lang ay ang phone na gamit ko ilang taon na ang nakakalipas. Pilit ko parin itong hinanap dahil gulong-gulo na ako sa mga nangyayaring ito, pero wala talaga. Napagdesisyunan ko ng itigil ang ginagawa ko at magtanong ulit upang makumpirma kung nag-jojoke or prank lang ba ang tita ko.
"Tita, a-anong date ngayon?" Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko daig ko pa ang hinahabol ng mga zombie.
"August 16,20**, bumango ka na dyan at may pasok ka pa!" Saka siya tuluyang umalis sa kwarto ko. Nilibot ko ang tingin ko sa buong paligid ng kwartong kinalalagyan ko, may nakita akong bag at kaagad ko itong hinalungkat. Patuloy lang ako sa paghahalungkat habang nanginginig ang mga kamay ko ng biglang nahulog ang isang maliit na papel galing sa isa sa mga notebook na laman ng bag.
Maria Chan -140133- 1BSBA
"Bakit nasa 20** ako!?" Napasigaw na ako dahil sa kabang nararamdaman ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, nanlulumo ako na walang maintindihan sa nangyayari.
"Kung bibigyan ka ng pagkakataon anong gusto mong baguhin na pangyayari sa buhay mo? At bakit?"
"G-gusto kong baguhin ang nakaraan. Ang puno't dulo ng pangyayaring ito."
Bigla nalang nag echo ang sa isip ko boses ng estrangherong lalaki at boses ko ng mga oras na yon. Ako ba ang may kagagawan nito?
"Masusunod ang iyong kagustuhan, binibini."
Hindi...
Alam kong hindi ako ang may kagagawan nito. Yung lalaki kanina sa wedding, siya yun. Siya ang may gawa nito.Noong una ayaw kong maniwala pero dahil nadin sa mga katibayang nakita ko at nasaksihan mismo ng mata ko. Alam ko na ang nangyayari ngayon.
Bumalik ako sa nakaraan.
Binigyan ako ng pagkakataon para mabago ang mga mangyayari pa lamang sa hinaharap.
BINABASA MO ANG
The Time Traveler
FantasySa mismong kasal ng dating kasintahan at taksil na kaibigan ni Maria ay may nakilala siyang isang estranghero. Nagising na lamang siya na bumalik sa nakaraan. Maaari niya pa kayang baguhin ang hinaharap para hindi na maulit ang pagkabigo ng kanyang...