The Time Traveler (19)

472 35 15
                                    

The Time Traveler (19)

Dear Diary,

I was really afraid. Please help me! I don't know what to do anymore. Sophia Roswell always hurt me, I can't tell mom and dad because she threatened me that if I tell this to my parents. She will make my elementary school days a hell.

Ria,

Sinara ko ang diary ko at humiga sa kama. Hindi ko matandaan na nabully ako nung elementary ako. Thanks to my diary. Nakatulong ito saken. May class pictures dito with names and also may mga picturrd and details din ng mga mangilan ngilan na mabait saken. Hindi ko alam na ganito ako ka detailed sa mga informations ng tao sa paligid ko when I was young.

Napatingin ako sa maliliit kong daliri. Sa tingin ko ay kailangan ko munang pagtuunan ng pansin ang itsura ko. Tumayo ulit ako at tinignan ang sarili ko sa full body mirror sa kwarto ko. I need to be fashionable first, hindi ko kasi matagalan ang itsura ko na nerdy look. Ewws lang. Mga bandang twelve ng gabi ay natulog na ako.

"Miss Risa. Gumising ka na. Papasok ka pa." ang aga aga may nambubulabog saken! Bumangon ako at kunot noong tinitigan ang matandang babae sa harap ko.

"Nasaan si Mom?" umiling lang siya at ngumiti. Napapansin ko din na parang ang bratty ko na ngayon medyo nahawa na talaga ako kay Laura at Abi. For the past seven years na kasama ko ang dalawang yon ay madami talagang nagbago saken lalong lalo na sa ugali ko. Kung dati ay kapag kasama ko si Light at Abi ay tahimik lang ako at nakatuon lang ang atensyon sa kanila. Ngayon naman ay iba na. Gusto ko na nakikilala ang bawat isang tao na nasa paligid namin. So that I am aware kung sino ang mga ito.

"Miss Ria, nasa business trip po ang mama at papa niyo ngayon." tumango tango lang ako sa kanya at bumaba na ako sa kama. Tumikhim ako bago magsalit.

"Uhm. Hindi niyo na po ako kailangang tawaging Miss. Pwede naman pong Maria nalang. So that I can call you nanay?" hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil hindi ko alam ang name niya! "Ano nga po ulit ang name niyo?" napakagat labi naman ako.

"Dolores po, miss." matanda na si nanay pero kailangan pa ring magtrabaho. Nasaan na kaya ang mga anak niya?

"Osige po. Nanay Dolores nalang itatawag ko sa inyo. Tawagin niyo nalang po ako ng Maria. Hindi po ako sanay ng Miss Ria eh." nakita kong umaliwas ang mukha niya at ngumiti saken.

"S-sige, Maria." ramdam kong naiilang pa siya saken pero di ko na pinansin at dumiretso na sa kusina. Nasaan kaya si Tita Vangie? Hindi ko pa siya nakikita simula kahapon. Nang makarating ako sa kusina ay saktong nakita ko siya wearing a jeans and a simple white shirt na may tatak pa na penshoppe.

"Tita? Saan ka papunta?" tinaasan niya lang ako ng kilay atsaka lunapit saken at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Tumayo siya at pumunta saken.

"Anong masamang panaginip ang napanaginipan mo kagabi para tawagin mo akong tita ha?" kumunot lang ang noo ko in disbelief. So I never caller her tita nung bata pa ako? Ang bastos ko naman!

"Ha? Diba tita naman talaga ang dapat na tawag ko sayo?" umiling iling pa siya na parang hindi makapaniwala.

"Nako may kailangan ka na naman saken no? Barbie doll na naman yan ano?" gusto kong magmura nalang ngayon kaso baka masampiga niya lang ako dahil bukod sa hindi magandang pakinggan. Mas lalong hindi maganda sa isang 10 years old na batang babae ang magmura! Sorry young Maria. Mukhang medyo mababago ko muna ang image mo ngayon.

"Ayoko." nilagpasan ko na siya at umupo na ako sa katabi niyang upuan, tinignan ko ang mga pagkain. Tingin at amoy palang masarap na talaga. Umupo na din si tita sa tabi ko. "Saan ka pupunta? Bihis na bihis ka." kinuha ko ang plato ko at kumuha na ng kanin at ulam. Namiss ko ng kumain ng lutong bahay na ganito! Bacon, hotdog, eggs at ketchup. Syempre with fried rice!

"Sa school!" tinignan ko naman siya. College student siguro siya ngayon. Tinitigan niya lang ako habang kit ang mga mata. "Alam mo parang nag iba ka? Kilos at pananalita. Parang matanda ka kung magsalita ngayon at kailan ka pa kumain ng rice sa umaga?" napalunok ako at inabot ang kutsara at tinidor sa gitna ng lamesa. "Who are you?" napalunok ako.

"It's me! Alangan namang clone ako. Saka wag ka ngang usisa dyan. People do really changed naman diba. We ARE forced to change because of this society. Kapag hindi ka nila gusto, they will hate you. At kapag gusto ka nila they will befriends with you. Just accept the fact, tita." nagsimula na akong kumain habang si tita Vangie ay nakaawang parin ang bibig habang nakatingin saken.

"Uhm. I mean I need to change because that Sophia Roswell always bothered me. Well, binubully niya ako at tinatakot na wag ko daw sabihin kay mom and dad ang ginagawa niya kasi..." sinimulan kong umarte na kunwari ay nanginginig at naiiyak saka ako yumakap sa kanya. "Gagawin niya daw hell ang elementary schoom days ko kapag hindi ko sinunod ang gusto niya."

"What the hell, Maria Lei Chan!? Did that Roswell kid is still bothering you!?" tumango tango lang ako sa kanya. So mukhang alam niya ang nangyayari saken or it is because nakikibasa siya dun sa diary? Na puro ang laman ay scared thoughts of me.

"So that's why you suddenly change?" tumango tango lang ako. Wala naman akong pagpipilian kasi yun ang interpretation niya sa sinabi ko kanina.

"Don't worry, tita. Let me handle it. Akong bahala. Hmmm maybe I need a little help to fix my not so fashionable looks?" nginitian ko lang siya. Tumango tango lang naman siya.

Nagpatuloy parin ako sa pagkain habang nag iisip. How Am I supoosed to act like a 10 years old kid!? Honetsly, wala akong idea. Dahil wala namang bata sa bahay ang tanginang naaalala ko lang na bata ay si Schwi. Ang creepy nga lang niya nung una naming pagkikita!

-----

"Ria, saan ka pupunta? Dito ang classroom natin." ilang pagkakamali pa ba ang gagawin ko para mabuko na ako ang Maria sa Future at hindi ang maria na bata.

"Ay sorry. May iniisip lang kasi ako." Kailangan kong lumapit lagi kay Light. Kaso hindi na yata kailangan pa dahil siya narin mismo ang nag iinsist na sa kanya lang ako dapat sumama. Ginagawa niya akong baby and she also spoils me with so much sweets! Hindi talaga ako mahilig sa chocolates and candies pero nung natikman ko kanina. Meron sa katawan ko na hindi ito ma resist at may nagsasabing i want more.

"Medyo na gulat talaga ako sa pagbabago mo sa itsura mo. Look. You look so cute naman dati ah. Bakit kailangan mo pang mag change ng look?" medyo nag blush ako sa sinabi niya ng matauhan ako. Ano nagbublush ako sa isang bata!? Pero come to think of it. Siya padin to. Si Light parin ito. Same person, and same effect to me.

"Hindi ba ako maganda ngayon?" doon ako napangisi dahil siya naman ang nakita kong nag blush. Ganito ba talaga siya dati? So bata palang kami crush niya na ako? Medyo natawa ako sa part na yon. He is wearing a navy blue plain v-neck white shirt paired with a gray khaki shorts. Naka white socks din siya at addidas na rubber shoes. Samantalang ako ay naka white dress habang nakalugay ang mahabang buhok na kulay violet ang dulo. Hmm. I ask tita vangie kanina to make it violet. Hindi naman permanent ang color na to, it is washable. Naka white socks din ako na color white pero ngayon maikli nalang ang socks ko at black shoes syempre.

"Maganda ka naman lagi. I mean you looks so different now and I also like the color of your hair. It really suits you." same Light parin talaga. Gustong gusto niya talaga ang buhok ko. Hinawakan niya ang dulo nito at inamoy. Medyo natawa ako sa kanya kasi gawain niya din ito nung college kami.

"Sosss. Hahaha, so crush mo na ako?" lalo lang siyang nagblush. Hindi nalang siya sumagot at nag iwas ng tingin saken.

Pinagtitinginan kaming dalawa hanggang sa makaupo kami sa upuan namin. Samantalang ako hindi sigurado kung tama ba ang inupuan ko. Wala namang umaangal kaya I guess tama ang inupuan ko.

"Who are you?" tinitigan ako ni Sophia mula ulo hanggang paa. Medyo nanlaki pa ang mata niya ng makilala kung sino ako. "This can't be." bulong niya habang hindi makapaniwala.

I just laugh at her reaction.

The Time TravelerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon