The Time Traveler (Final Chapter)

825 66 56
                                    

The Time Traveler (Final Chapter)

"N-no." hinawakan ko ang kamay niya. Hindi siya pwedeng malapitan ng babaeng to! Basang basa na kami ng ulan ng makaramdam ako ng pagkahilo. Malapit ng maubos ang oras ko. I need to hurry!

"Lets go, Light!" hinila ko agad siya at nagsimula kaming tumakbo. Binaybay namin ang kalsadang dinaanan namin kanina. Hingal na hingal kami.

"Ria. Ano ba talagang nangyayari?"

"Do you trust me!?" sigaw ko sa kanya habang natakbo parin.

"Yes! I trust you!"

"Then just follow me!" medyo nakalayo na kami ng makaramdam ako ng pagkahilo. Natumba na ako sa kalsada. Nag iiba na din ang paligid ko. Nauubos na ang oras ko!

"Light, run!" Kailangan mong mabuhay. Hawak niya ang kamay ko at pilit na tinatayo.

"No! Hindi kita iiwan!" unti unti ng nagbublurred ang paligid ko ng makarinig ako ng putok ng baril. Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng sakit sa bandang paa ko. Naaninag ko pa ang dugo na dumadaloy dito.

"Run, light." ang huling mga salitang sinabi ko bago ulit ako makarinig ng putok at pagkatapod non. Nagblack out na ang lahat sa paligid ko.

Please! Kailangan mong mabuhay!

I was travelling again sa isang napakahabang pasilyo. Puting puti ito at may pintuan sa dulo nito.

Nailigtas ko ba si Light? Anong nangyari after that? Patay na ba ako? Unti-unting tumulo ang mga luha ko. Napaupo ako sa sahig ngunit humugot pa din ako ng lakas ng loob para maglakad papunta sa pintuan. Pinihit ko ang knob nito at tuluyang lumabas. Isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa akin. Napapikit ako hanggang sa makarinig ng mga ingay at isang magandang kanta.

Minulat ko ang mata ko ng makita kong nasa masquerade ball ako ngayon. Nasa gitna lang ako at nakatayo doon mag isa. Bakit nandito ako? Hawak ko ang isang itim na maskara at ang aking kwintas. Ibig sabihin.

Hindi ko siya nailigtas? Napaluhod nalang ako sa gitna habang yakap ko ang kanyang maskara. Unti-unti na akong nilalamon ng kalungkutan at pagsisisi.

Binigyan ako ng pagkakataon pero hindi ko nailigtas ang kaisa-isang lalaking mahal ko.

In another life, I would be your girl
We keep all our promises, be us against the world

Kung sana lang ay medyo mahaba haba ang oras na naibigay saken. Sana ay nailigtas ko siya. Patuloy lang ang kanta at talaga namang nakakainis lang!

In another life, I would make you stay
So I don't have to say you were the one that got away
The one that got away...

Slow version ito ng That One That Got Away. Ang weird lang kasi nasa masquerade ball kami tapos ganito!? Napasapo nalang ako sa dibdib ko kasi ang sakit sakit na.
Halos pagtinginan na din ako ng iba pang nagsasayaw dahil nasa kalagitnaan ako. Pero wala akong pakialam. Unti unti na namang pumatak ang luha ko. Andon lang ako ng may mag abot ng kamay sa harapan ko. Nakatitig lang ako dito at hindi ko na tinapunan pa ng pansin kung sino siya.

"Kaya ang panget panget mo kapag naiyak ka!" inangat ko ang tingin ko ng makita ko ang isang pamilyar na mukha. " Tapos kinukuha mo pa ang maskara ko! Meron ka ng sayo ah!" paanong? Kinuha niya ang maskara saken at inilahad ang kamay niya.

"Can I have this dance?" wala na akong ngawa pa kundi ang ipatong ang kamay ko sa kamay niya. It was magical dahil pagkapatong na pagkapatong ng kamay ko sa kamay niya ay umilaw ito at doon lumabas ang mga golden dust particles.

"Masaya kami at nagawa mo, binibini. Hangad namin ang kaligayahan niyo." nakapalibot ito sa amin at tila ba hindi ito nakikita ng iba.

"Thank you for saving me." nilagay niya ang kamay ko sa leeg niya, niyakap niya ako at patuloy na nagsayaw.

"I love you." bulong niya saken.

"I love you too." saka niya ako hinalikan sa labi. Pagkatapos nito ay ngumiti siya sa akin.

"Kung may pagkakataon kang makabalik sa nakaraan? Anong gusto mong baguhin na pangyayari sa buhay mo? At bakit?" napatawa nalang din ako sa tanong niya.

"Wala, dahil kuntento na ako sa kung anong meron ako ngayon."

---FIN---

The Time TravelerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon