The Time Traveler (14)

519 45 21
                                    

The Time Traveler (14)

Kinabukas ay maaga akong gumising kahit na puyat na puyat ako kagabi dahil sa kilig. Ang saya ng ganito. Sana araw araw nalang na ganito. Nagluto agad ako ng breakfast para saken at kay Tita, tulog pa naman siya pero alam kong maya maya ay magigising na rin iyon.

Kumain ako mag isa na masayang masaya at hindi maialis ang ngiti ko sa aking labi. Pagkatapos nito ay naligo agad ako at naghanda na para pumasok sa school. Nasa living room ako at nakaupo sa sofa habang inaayos ang palda ko ng maramdaman kong bumukas na ang pinto ng kwarto ni Tita. Agad akong napatingala sa second floor at nginitian siya.

"Good Morning, Tita! Nakaluto na ako ng breakfast. Kain ka na." pinagtaasan niya lang ako ng kilay pero hindi ko na ito pinansin at isinuot na ang aking sapatos.

"Himala bakit ang aga mo ngayon? At anong sabi mo? Nagluto? Kailan ka pa natutong magluto?" napatigil ako sa ginagawa ko at tinignan siya.

"Prito lang naman yun eh. Sige na una na ako. Bye!!!!" dali-dali na akong lumabas ng bahay dahil baka magtanong pa siya ng kung anu-ano kung magtatagal pa ako. 5:45 am palang at 7 am pa ang klase. Masyado akong napaaga dahil good mood ako ngayon.

Nagsimula na akong maglakad ng may mapansin akong nagkukumpulan. Nagkakagulo ang mga ito ang iba ay nagpapanic. Sa sobrang kyuryosidad ay nagsimula akong maglakad papunta sa kinaroroonan nila.

Bigla ko nalang nabitawan ang bag ko habang nanginginig na tinititigan ang lalaking nakahandusay sa gitna ng kalsada.

Kilala ko ang lalaking ito. Nanginginig ang mga kamay ko ng pulutin ko ang bagpack ko. Puro dugo ang lalaki at nakaluwa na ang mga mata nito.

"Hindi na siya humihinga." sabi ng isang pulis na sadyang nagbakabog ng dibdib ko.

Kilala ko ang lalaking ito. Siya ang receptionist sa kasal ni Laura at Angelo. Ngunit bakit? Bakit sinasabi nilang patay na daw ito? Pero nakita ko pa siya sa future! Buhay siya doon!

"Ngunit hindi na ito ang nakaraan kung saan magmumula ang hinaharap na sinasabi mo." biglang sabi ng isang tinig.

Unti-unting umikot ang paligid ko at mga ilang sandali pa ay kaharap ko na ang hour glass. Nakatigil ang lahat sa paligid ko. Maliban saken na nakatitig parin sa lalaking nakahandusay.

"M-magpakita ka." alam kong nandito ang lalaking yon. Ang lalaki sa simabahan na nagdala saken sa panahong ito!

"Hindi na ito ang nakaraang pinagmulan ng hinaharap mo." patuloy parin siya sa pagsasalita. Dito na nagsimulang pumatak ang mga luha ko. Bakit parang wala lang sa kanya ang lahat ng ito?

"Magpakita ka sabi!" sa bawat pag uusap namin ay kailan may hindi siya nagpakita.

"Hindi maaari." nag-igting ang panga ko sa sinabi niya. Bakit ayaw niyang magpakita saken!?

"B-bakit p-parang wala lang sayo na m-may namatay na dapat ay mabubuhay sa hinaharap?" nanginginig ang mga kamay ko. Maging ang ang mga tuhod ko ay unti-unti ng nanghihina.

"Dahil ito ang kagustuhan mo, binibini." nanigas ako sa kinatatayuan ko ng dahil sa sinabi niya.

"K-kagustuhan ko!? Kagustuhan ko bang may mamatay na iba!?" ngayon ay ako naman ang sinisisi niya. Nagsimula kong suntukin ang hour glass sa harapan ko.

"Ikaw ang may kagustuhan nito dahil ikaw ang humiling na bumalik sa nakaraan." parang kinurot ang puso ko sa sinabi niya. Ako ba? Ako ba talaga ang may kasalanan ng lahat ng ito?

The Time TravelerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon