The Time Traveler (03)
Dalawang linggo na agad ang nakalipas ang bilis ng oras. Napapaisip ako minsan kung paano ko malalaman kung may oras pa ba akong nalalabi para baguhin ang nakaraan. Nagawa ko ng hindi makipagkaibigan kay Laura kapag nagtatangka siyang lumapit sa akin ay pilit akong umiiwas sa kanya. Ito ang makakabuti para sa lahat.
Nakahanap na din siya ng mga bago niyang kaibigan ngaunit paminsan-minsan nahuhuli ko siyang nakatingin saken."Hoy! Bilisan mong maglakad. Lutang ka na naman!" Kung minsan mapagbiro talaga ang tadhana parang kahapon lang ay inabot ko ang bayad niya sa jeep at muntikan ng binulsa. Ewan ko ba pero namalayan ko nalang na lagi ko ng kasama ang mokong na to. Mala-anghel na mukha, mapupulang labi, makapal na kilay, matangos na ilong at kulay abong mga mata katulad ng mga mata ng estrangherong nakilala ko at nagdala saken dito.
Light Nicer.
Magandang pangalan pero hindi ang ugali!
"Sino ba kasing nagsabi na sabay tayong maglalakad!?" Sigaw ko sa kanya habang naglalakad kami sa hallway hindi maiwasang madaming nakatinging mata sa kanya dahil hindi naman talaga mapagkakailang may itsura siya at may dating.
"Diba crush na crush mo ako. Kaya mo nga ako laging sinudundan eh." Gusto kong bugbugin ngayon ang lalaking to. Ang kapal-kapal talaga ng pagmumukha niya. Gwapo na sana pero ang ugali nakaka turn-off ng sobra sobra!
"Ang kapal mo! Saka ikaw ang sunod ng sunod saken ah!" Binigyan niya lang ako ng nakakalokong ngiti sabay hinigit ang dulo ng buhok ko. Paborito niya itong gawin sa akin dahil ang ganda daw ng kulay ng dulo ng buhok ko.
"Kilig ka naman." Saka niya sinundot-sundot ang tagiliran ko. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa, nakikiliti na kasi ako.
"Tigilan mo nga yan! Nakakakiliti! Haha!" Pero pinagpatuloy niya parin ang ginagawa niya hanggang sa tumigil na ako sa paglalakad. Napatigil din naman siya saka ako nginisian. Susundutin niya pa sana ang tagiliran ko ng matigilan kaming dalawa dahil sa narinig namin.
"Ang gwapo talaga ni Angelo no?" Kilalang-kilala ko ang boses niya at ito ay si Laura ilang segundo ko pa siyang tinitigan ng magbalik ako ng tingin kay Light. Napuno ng pagtataka ang mukha niya.
"Kilala mo?" Tumango lang ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad iniwan ko na siya don pero mga limang hakbang palang ang nagagawa ko may biglang yumakap saken at ipinatong ang baba niya sa balikat ko. Napalingon agad ako at lalongnagulat dahil maling-mali na lumingon ako sa direksyon niya! Konti nalang, konting-konti nalang ay mahahalikan ko na siya!Sht! Napamura ako ng pabulong habang nakatingin sa mapupula niyang labi.
Ano bang iniisip ko!? Ghad!
"A-alis nga!" Agat ko siyang siniko at ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagpintig ng puso ko ngayon ng dahik sa kabang nararamdaman ko. Para akong nanghihina marahil ay sa sobrang pagkagulat ko ito.
"K-kaklase natin yon." Sabay iwas ng tingin sa kanya. Bakit ganito? Ang bilis parin ng tibok ng puso ko lalo na kapag naaalala ko ang labi niya. Gusto kong sumigaw ng mga oras na yon. Gusto kong magwala hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.
"Namumula ka." Sabay lagay ng palad niya sa noo ko. "Wala ka namang sakit. Hmmm." Tinitigan niya pa ako at pakiramdam ko nag iinit ang pisngi ko! "Ah! Kinikilig ka no?! Yiieeeee!!! Ouch!"
Sinikmuraan ko siya. Napaka mapang-asar talaga kahit kailan.
"Ewan ko sayo!" Nauna na akong maglakad sa kanya. Nakakainis! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko! Arrrghhh!
"Hoy! Hintayin mo ang gwapo mong prinsipe!" Bwiset! Nakakainis! Nagpatuloy lang ako sa paglalakad papunta sa Canteen. Gutom na ako pero mukhang mas gutom tong kasama ko. Naglakad na ulit kami ng magkasabay at hindi pa kami nakakapasok sa canteen may kutob na ako kung anongmangyayari.
BINABASA MO ANG
The Time Traveler
FantasySa mismong kasal ng dating kasintahan at taksil na kaibigan ni Maria ay may nakilala siyang isang estranghero. Nagising na lamang siya na bumalik sa nakaraan. Maaari niya pa kayang baguhin ang hinaharap para hindi na maulit ang pagkabigo ng kanyang...