The Time Traveler (18)

471 37 17
                                    

The Time Traveler (18)

Saktong pagmulat ko ng mga mata ko ay may biglang tumulak saken. Aray! Ang sakit ng balakang ko! Tinignan ko kung sino ito ng napataas ng bahagya ang kilay ko.

Isang batang babae na nakangisi sa harapan ko.

"Ano na? Lalaban ka ba? Diba ang sabi namin sundin mo lang ang utos namin para hindi ka masaktan?!" ay baliw pala ang batang to! Ang bastos niya ha. Naka pigtail ang mahaba niyang buhok at naka pink dress siya. Nakasakbit naman ang kulay carnation pink niyang bagpack sa likod niya. She also wears a black shoes at medyas na may lace.

Tatayo na sana ako ng mapansin ko ang mga kamay ko? I really did! Namamanghang sabi ko sa isip ko. Ghad! Nagtime travel na naman ako! At ang cute ng kamay ko! Ang liliit!

Nakatitig lang ako sa kamay ko na may silver ring sa ring finger at may barbie logo ng sipain ako sa binti ng batang bruha.

"What's your problem!?" tumayo agad ako at sinigawan siya. Nakakainis! Sino ba ang batang to!?

"Sumasagot ka na ngayon ha!" tinaas niya ang kamay niya at tatangkaing sampalin ako ng hawakan ko ito at pilipitin. "Ouch! Masakit! Bitawan mo ako!" napabuntong hininga ako at binitawan ang kamay niya. This brat. Umirap nalang ako sa inis sa kanya. Inalalayan agad siya ng dalawa niya niyang kasama dahil masyado yatang masakit ang pagpilipit ko sa kamay niya.

Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Halos magkasing tangkad lang kami, napatitig ako sa lace niya pababa at nakita ko ang I.D. niya.

Sophia Jane Roswell
Grade 5- Diamond

Sophia? I think kilala ko ang isang to.

"At kailan ka pa natutong lumaban ha!? You nerd!" aakmang susugurin niya ako ng duru-duruin ko siya gamit ang hintuturo ko.

"Don't you ever dare to lay your filty hands on me bitch!" medyo natakot naman siya sa pagsigaw ko kaya naman ginawa ko itong pagkakataon para layasan siya.

Bwiset na batang yon! Kaka-time travel ko lang inaaway na agad ako! Saka anong sabi niya NERD!?

Teka...

Ano bang itsura ko nung bata pa ako? Ghad! I can't remember. Tinignan ko ang I.D. ko. There I saw myself. Wearing an eye glasses na sobrang kapal ng frame habang naka braid ang buhok ko into two. Grade five lang ako ngayon.Oh my gosh! Fourteen years ang tinime travel ko!

Agad kong kinapa ang nakaharang sa mukha ko. Seryoso napakakapal ng frame ng salamin ko? Mukha akong sinaunang tao sa itsura ko! Naka jumper ako at naka black shoes with socks na may lace ang kaibahan lang ay hanggang tuhod ang socks ko.

Saka nasaan ba ako? Anong floor to ng building!? Naglakad lakad pa ako ng makita ko ang batang si Light.

"Light!" sigaw ko sa hallway ng mapalingon agad siya saken. Agad siyang tumakbo sa direksyon ko at inakbayan ako.

"Alam mo ngayon mo lang ako tinawag na Light." agad akong napatakip sa bibig ko. Grabe! "Saka kailan ka pa natutong sumigaw sa hallway?! Anong nangyare sa paniniwala mo na bastos ang sumigaw sa hallway?" nginiwian ko lang siya dahil hindi ko talaga alam ang sasabihin ko.

Medyo sumasakit na din ang ulo ko dahil hindi ko matandaan kung ano ba ako nung bata ako? Ang tagal tagal na kasi diba?

"Halika na nga umuwi na tayo!" kinawayan niya pa yung mga kausap niyang lalaki na I think kaklase niya. Sumenyas siya na uuwi na. Humawak lang ako sa bag niya dahil hindi ko alam ang daan! Nextime maggagala ako sa buong building para makita ang floor plan! Para hindi ako maligaw.

"Saan ka ba galing kanina ha? Bigla bigla ka nalang umaalis! Hindi ba sabi ko sayo sakin ka lang dumikit!" ay possesive ang koya mo? Grabe? Ano pagmamay ari lang ako ang peg? Napakamot nalang ako sa ulo ko kinagat ang labi ko.

"Nandon ako rooftop kasama si Sophia. Sino ba yon? Tinulak ako bigla saka sinabing sumunod lang daw ako sa pinag uutos niya. Like duhhh? Ano siya prinsesa?!" nakaawang lang ang bibig ni light habang nakatangin saken. "Oh? Problema mo?" agad niyang nilagay ang palad niya sa noo ko.

"Nilalagnat ka ba? Anong nangyari sayo? Si Ria ka ba? Bakit parang nag iba ka? Saka kailan ka pa natuto maging madaldal?" sht! Oo nga paka! Nginitian ko lang siya at umiling iling. Ghad. Lagot na baka mahalata niya or nahalata na niya talaga?

"Pagod lang siguro ako. Umuwi nalang tayo." tumango lang siya saka kami sumakay sa kotse na hindi ko alam kung kanino. Nagtulog-tulugan ako sa byahe para makaiwas sa conversation dahil alam kong makakahalata talaga siya kapag nagsalita pa ako!

"Ria, nandito na tayo sa inyo." niyugyog niya ako at syempre para kapanipaniwalang nakatulog nga ako unti-unti kong minulat ang mata ko at kinusot kusot pa ito. Nasa labas na kami ng bahay namin. Nakahinga ako ng maluwag dahil ito parin ang bahay namin hanggang ngayon. Pinagbuksan ako ng driver at inihatid nila ako ni Light sa loob. Agad na bumungad saken si Mama. I was teary eye nung nakita ko siya pero hindi ko pinahalata dahil halos isang taon ko na din siyang hindi nakikita. Minsan lang ito umuwi sa pilipinas dahil inaayos nila ang mga business namin abroad.

"Salamat sa paghatid, ihjo."

"At your service, tita!" lumingon siya saken. "Paano ba yan? Bukas nalang ha. May pupuntahan kami ni Daddy ngayon eh." tumango lang ako at nakahinga ng maluwag.

Buti nalang! Sa isip isip ko pa.

Niyakap ko lang si Mama saka dumiretso agad sa kwarto ko. Agad kong hinalungkat ang bag ko kung nandoon ba ang diary ko pero wala. Saan ko pa ba pwedeng itago yon! Tumingin ako sa ilalim ng kama ng makita ito. Nakahinga ako ng maluwag.

Hindi ko na masyadong maalala ang childhood ko at alam kong ang diary lang na to ang makakatulong saken. Buti nalang! Buti nalang mahilig ako magsulat noon!  Nilapag ko ito sa kama ko ng mapatingin sa buong kwarto ko.

Napa-wow ako. Kwarto ko ba talaga to? Tama lang ang laki ng kwarto ko. May cr sa loob. May kama may study table may cabinet at may bookshelf.

Sa left wall ay makikita ang mga sandamakmak na medals at award na nakapangalan saken. Oh my ghad!? Am I really that smart when I was in elementary? Walanjo naman! Bakit nakalimutan ko na ang mga bagay bagay na to!?

Samantalang sa right side naman ay makikita ang mga paintings na gawa ko. Gusto kongmagmura ngayon ng napakalakas. ARTISTIC AKO!? KAILAN PA!? Sa pinakagitna ay makikita ang isang bintana at malapit dito ang isang table na punong puno ng barbie! Makikita din ang dress stand ng barbie at may nakasuot dito na isang gown na hindi pa tapos tahiin. Ako ba ang gumawa ng barbie gown na to?!

I was so amazed ng mapatingin ako sa mga librong nakasalansan sa bookshelf. Novels. Sandamakmak na novels ang nandoon at malamang sa alamang. Ako ang bumabasa nito.

Nakaawang lang ang labi ko ng mapatitig ako sa whole body mirror na nasa tapat ko. Nakikita ko ngayon ang sarili ko.

Halos mapamura ako sa itsura ko. I am really a NERD! Ano ba tong itsura na to!? Ghad!

Konti lang ang naaalala ko sa childhood ko dahil sa aksidente noon sa gubat. Nahulog si Light sa bangin noon hitting his head sa isang nakausling bato. Ito ang ikinamatay niya samantalang ako. I was helping him noon sa bangin na yon. Inaabot ko ang kamay niya kahit alam kong sobrang lalim nito pero sa pagabot ko dito. Nahulog ako at tumama sa isang bato din ang ulo ko. Masyadong malakas pero luckily hindi patulis ito unlike kay light na tumusok sa kanyang ulo ang bato. The next thing i knew is nasa isang ospital na ako at walang matandaan noon.

Bukod kay Light. Wala na akong iba pang natandaan sa childhood ko. Yes tama ang nababasa niyo. Si Light lang ang naalala ko dito at wala ng iba. I don't know the reason kung bakit kami nagpunta sa gubat at lalong lalong hindi ko maalala kung sino ang kasama namin noon.

Napatitig nalang ako sa diary ko.

"Sana makatulong saken ito kahit papaano."

----

The Time TravelerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon