The Time Traveler (06)

662 61 33
                                    

The Time Traveler (06)

Unang araw na agad ng September. Ilang linggo na din pala akong nananatili dito sa nakaraan at sa bawat araw na lumilipas nakikita ko ang unti-unting pagbabago at ang pagkakatulad-tulad parin ng mga pangyayari. Madalas nakakaboring talaga kapag alam mo na ang pwedeng mangyari pero mas nakakabigla ito kapag naiba na. Malaki ang naging epekto ng paglayo ko kay Laura at sa ex-boyfriend ko may nagbago ngunit may kailangan parin talagang baguhin dahil kung minsan napapansin kong nauulit lang mga nangyayari. Ako na mismo ang napipilitang gumawa ng paraan upang maiwasan ito at isa na nga dito ang kay Abi. Kung paano nito mababago ang buhay niya at buhay ng lahat ng taong nakapaligid saken. Nakakatakot din dahil hindi ko masasabi kung magiging maganda ba ang epekto nito sa iba o hindi.

"May lakad daw si Sir Perez kaya wala tayong klase ngayon. Napakaimportante daw eh." Gusto kong matawa sa sinabi ni Abi dahil alam ko kung nasaan si Sir Perez ngayon, four years ago napagchismisan siya ng mga estudyante niya dahil yung sinabi niyan may iportanteng lakad ay hindi naman pala totoo. Natuklasan ng mga schoolmates ko na nagliwaliw lang naman ito sa beach kasama ang isang estudyante. Napakalaking issue non at mukhang mauulit na naman yon.  Hays...

"Ano ba kasing ginagawa natin dito ngayon? Ang init!" Ginawa ng pamaypay ni Light yung I.D. niya dahil init na init na talaga siya puro pawis na nga eh pero hindi siya dugyot tignan katulad ng iba. Ang hot niya tignan ngayon lalo na kapag napapatingin ako sa mga butil butil na pawis na tumutulo sa leeg niya. Ghad!? Ano ba tong iniisip ko!? "'Wag mo nga akong tignan ng ganyan! Ano gwapong gwapo ka na naman ba saken?" Sobrang kapal talaga ng mukha ng lalaking to.

"Kapal ng mukha. Mukha kang dugyot oy!" Parang kanina lang pinagnanasahan ko na siya. Lumapit siya saken dahilan para mapasandal na ako sa pader. Ang lapit na ng mukha niya kaya naman napatitig ako sa mapupula niyang labi. Sht. Ano ba tong nangyayari saken!

"Itigil niyo na yang pag aasaran niyo. Nandito na siya!" Sabay kaming napatingin ni Light kay Abi. Sinong siya?

"Sino?" sabay naming tanong sa kanya pero sinenyasan lang niya kami na wag maingay. Nanahimik naman kami ng magpagtanto ko kung sinong tinitignan niya. Gusto kong magmura ng mga oras na yon. Habang si Abi naman kilig na kilig at kulang nalang kuminang na ang mata samantalang ako nakakunot noo sa lalaking tinitignan niya. "Siya yung crush ko!" Bakit siya pa? Kilala ko ang lalaking tinutukoy niya. Magandang pangangatawan, confident at proud na proud na tindig na tila ba pinanganak siya para maging kanya ang mundo. Eren Paras. Hindi ko maiwasang mangamba dahil siya ang nangunguna sa pambubully noon kay Abi. Kita mo nga naman ang isa sa mga naging epekto ng pagbabago. Nagkagusto sa kanya ang kaibigan ko.

"Tara na nga! Yan lang pala hinihintay natin! Araw araw mo ng nakikita yan sa klase ah! Saka mas gwapo pa nga ako dyan." Nagpout lang si Abi sa sinabi ni Light saka sumunod na sa paglalakad.

"Naman eh." pagrereklamo niya pa. Sumunod nalang din ako sa kanila kahit na hindi ko alam kung saan ba sila papunta.

"Wag kang malikot, Maria." Saka nagpatuloy sa pagdadrawing si Abi. At oo ini-sketch niya ako.

"Pahiram nga ako niyan." Kumuha din si Light ng pencil at isang bond paper sa portfolio ni Abi at nagsimula na din magdrawing. Habang ako bored na bored na nakatingin sa labas. Naghihintay ng susunod na mangyayari.

Nandito kami sa library ngayon. Aircon daw kasi dito kaya masarap tumambay sabi ni Light. Leche talaga. Napatingin ako sa dalawa habang busy na busy sa kanilang ginagawa. Kinuha ko nalang ang notes ko dahil alam kong next subject magpapasuprise quiz ang prof namin sa Algebra. Hinding-hindi ko ito makakalimutan dahil bumagsak ako dito dati.

"Mamaya nga pala mauuna ulit akong umuwi sa inyo. Alam niyo na hatid sundo kasi. Hays." Tumango lang kami sa sinabi ni Abi, sanay na rin kami na hindi siya nakakasabay lagi sa pag uwi. Ingat na ingat siya ng parentd niya dahil siya lang naman ang magmamana ng napakalalaking negosyo nila. Samantalang kami ni Light? Ayon tamang lakad lang pauwi, ewan ko ba pero lagi niya akong hinahatid sa bukana ng village namin. Pagkahatid niya saken sinasabi niya na may aasikasuhin pa siya at mauna na daw ako.

"Sa sunday samahan niyo ako sa mall." tinaasana ko lang siya ng kilay. Asa ka pang mayaya mo akong mag-mall.

"May gagawin ako non." pero sa totoo lang maglalaro talaga ako ng online games.

"Sorry, bawal ako eh. Isasama ako ni Dad sa isa sa mga branch ng coffe shop namin." minsan naaawa din ako kay Abi kasi wala na talaga siyang oras magsaya dahil sa kailangan niyang matutunan agad mamahala ng mga business nila. Nakakapressure siguro.

Binaba ni Light ang hawak niyang lapis at papel ng makita ko kung sinong nakadrawing dito. Ako ba yan?

"Sige, pero sa susunod dapat sumama ka naman sa gala namin ha."  Diniin niya talaga yung pagkakasabi niya sa namin.

"May gagawin nga ako sa sun-." Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng magsalita ulit si Light.

"Akong bahala susunduin nalang kita sa inyo!" Napatitig ako ng matagal sa kanya. Susunduin?

"Hindi mo alam ang bahay ko." Tumawa lang siya ng malakas habang dahilan para sawayin kami ng librian. Sarap talaga kotongsn nitong lalaking to.

"Magkatapat lang ang bahay natin ah. Kilala ko nga si Tita Vangie." Gusto kong magmura ng malakas dahil sa narinig ko.

Magkatapat lang ang bahay natin ah. Kilala ko nga si Tita Vangie.

Magkatapat lang ang bahay natin ah. Kilala ko nga si Tita Vangie.

Magkatapat lang ang bahay natin ah. Kilala ko nga si Tita Vangie.

Magkatapat lang ang bahay natin ah. Kilala ko nga si Tita Vangie.

Paulit-ulit yon na nag echo sa isip ko. What the hell!?

"Hindi mo alam? Yan puro ka kasi online games kapag umuuwi ka. Uso din na lumabas ng bahay 'no?" Ghad!? KAPITBAHAY NAMIN SIYA!? Bakit hindi ko alam at wala talaga akong matandaan- sabagay wala naman akong kilala na kapitbahay namin.

"Wow!Ang galing naman! Magkapitbahay pala kayo!" Anong magaling don Abi? Malas yon. Malas.

"Ayokong sumama." sabay irap ko sa kanya. Nakakainis naman! Bakit ba hindi ko nakilala ang lalaking to four years ago!? Bukod sa kaklase ko siya kapitbahay ko din pala siya! Nakakainis!!!

"Wala ka namang magagawa susunduin kita HAHAHA." sa pagtawa niyang yon tuluyan ng nagalit ang librian habang umuusok ang ilong nito. Wala na kaming nagawa kundi ang lumabas na. Tamang tama lang din dahil 15 minutes nalang mag sisimula na ang sunod naming klase.

"Samahan mo na si Light sa sunday kawawa naman siya." Kung minsan hindi din nakakatuwa ang pagiging mabait nitong si Abi. "Pleaseeee." saka siya nag puppy eyes sa harap ko. Arghhh!!!

"Oo na oo na sasamahan na." narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Light sa likod namin. Alam kong narinig niya ang pag uusap namin at nagsisimula na naman siyang asarin ako.

"Yes!!! Iloveyou na Ria!" niyakap niya ako kasabay nito.

"Baka naman. Pa-expi ng yakap oh!" Nag spread ng kamay si Light at yayakapin na sana ako ng sipain ko ang tuhod niya. "Aray!"

"Buti nga sayo." saka ko siya nilagpasan. Si Abi naman naka hawak sa braso ko at mukhang masayang masaya.

"Grabe ka talagang babae ka! Ang sadis- Ohhh. Mukhang may naghihintay sayong g*go." Tinakpan ko agad ang bunganga niya habang nakatingin kami kay Angelo na mukhang may hinihintay nga. Sa di kalayuan sa kanya ay nandoon si Laura at tila nagmamasid sa kanya. "May kasama pang extra."

"Light!" saway ko sa kanya kahit na gustong-gusto ko na ding tumawa ng malakas. Napaka straight forward talaga ng mokong na to.

"Hehe" sabay kamot niya sa batok.

"Maria." mukhang ako nga ang pakay niya ngayon. Kailan ba siya titigil?

"Uhm. Pasok na muna ako Ria. Sunod kayo ha." Tumango lang ako kay Abi saka binigyan ng nakakapagtakang tingin ang lalaking kaharap ko.

"Anong kailangan mo?" nagtanong parin ako kahit obvious na ang dala niyang boquet of red roses.

"Para sayo."

The Time TravelerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon