The Time Traveler (16)

468 37 29
                                    

The Time Traveler (16)

"Kamusta na?" tinitigan ko ang isang lalaki na kulay abo ang mata. Siya na naman.

"Ikaw na naman? Alam mo nakakainis ka na eh. Araw araw mo nalang akong dinadalaw sa panaginip ko! Sino ka ba ha?" naiirita na ako sa kanya dahil sa araw araw na ginawa ng diyos siya lang ang laman ng panaginip ko!

"Nagsusungit ka na naman! Hoy hindi ka maganda ha!" ayan dyan siay magaling. Ang gabi gabi akong asarin!

"Wag ka na ngang magpapakita sa panaginip ko!" nakita ko ang pagbabago sa ekspresyon niya na sadyang ikinagulat ko.

Nasasaktan ba siya?

"Gumising ka na. Tanghali ka na sa trabaho mo." pagkasabi niya noon ay napabalikwas nalang ako sa kama na binging bingi sa alarm clock ko.

"Shttttt!!!! 10 am na!" dali dali akong tumakbo sa cr at naligo. Magbibihis na ako ng tumunog ang phone ko.

Calling Abi...

Pinindot ko agad ang answer button.

"Hello? Abi! Tanghali na ako sa trabaho ko! Maya nalang tayo mag-usap-" sinuot ko ang t-shirt ko.

"Anong trabaho? Sunday ngayon Ria!" napaupo ako sa kama ko at tinignan sa isa ko pang phone ang date ngayon.

SUNDAY. Ang sampal ng kalendaryo sa phone ko.

"Ghad! Akala ko saturday palang! Nagmamadali pa naman akong maligo at magbihis!" narinig ko ang pagtawa niya.

"Yan kasi puro ka kasi trabaho. Maghanap ka na kaya ng boyfriend?"
Eto na naman siya pinipilit na mag boyfriend na ako.

"Diba sabi ko nga sayo ayoko pa kasi wala pa akong ipon!" pero hindi lang iyon ang dahilan. Ewan ko ba pero merong parte sa puso ko na pumipigil saken.

"Okay okay okay. Oo na oo na. Wait mo ako dyan pupunta ako dyan ngayon saka si Laura." simula college ay silang dalawa nalang talaga ang naging kaibigan ko. Kahit na medyo nagkaroon kami ng issue ni Laura kay Angelo pero sinabi din naman namin sa kanya ang totoo kaya okay na ang lahat.

"Okayyy. Ingat." binaba ko na ang tawag at humilata na sa kama. Pupusta ako mga 12 pa dadating ang dalawa na yon dahil talaga namang napakabagal nilang kumilos.

Pagkatapos kong magpatuyo ng buhok ay nahiga ulit ako sa kama ko ng mapagdesisyunan kong buksan ang drawer ko at kunin ang isang itim na maskara at diary ko. Tinitigan ko lang ito at ipinatong sa may kama ng may mag doorbell.

Nandito na agad ang mga bruha. Dali dali akong tumakbo papunta sa pinto at pinagbuksan sila.

"Hi beshy!!! We miss youuuuuuu!" salubong saken ni Laura na agad naman binatukan ni Abi.

"Gaga ka talaga kaka kita lang natin dyan kahapon ah!" pumasok na sila at dirediretso na agad sa kwarto ko.

"Grabe talaga tong dalawa na to! Hindi ko pa sinasabing pumasok. Pumasok na agad!" nagtawanan lang sila. Sumunod nalang ako papunta sa kwarto ko ng makita kong tinitignan nila ang itim na maskara.

The Time TravelerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon