The Time Traveler (17)
Para sa kaisa-isang babaeng minahal ko.
Yan ang nakasulat sa labas ng papel na nalaglag sa diary ko. Agad ko itong binuklat at binasa.
Kung mababasa mo man ang sulat na to sa hinaharap.
Hangad ko na maging masaya ka dahil ang mga ngiti mo lang ang nagbibigay ng lakas ng loob saken upang magtagal pa sa mundong ito.
Huwag mong sayangin ang bawat oras mo dahil ang buhay ay maikli lang. Maging masaya ka at makipagkaibigan ka.
Hangad ko na sa susunod nating buhay ay magkita ulit tayo. Doon ay pinapangako kong tutuparin natin lahat ng pangarap natin.
Nagmamahal,
__________
Walang nakasulat kung kanino ito galing. Ngunit alam ko kung para man kanino ito ay sigurado akong mahal na mahal siya ng gumawa nito. Nakakapagtaka lang kung bakit nasa Diary ko ito. Medyo luma na ang papel at halatang ilang taon na ang lumipas ng gawin ito. Isasara ko na sana ulit ito ng may makita sa likod nito. Isang sketch ng isang babae. Tinitigan ko pa ito ng mapagtanto kong may kamukha ito.
"Ako ba to?" sinuri ko pa maiigi ang bawat detalye nito sa mukha. Nabitawan ko agad ang papel ng masigurado kong ako nga ang babaeng naka sketch sa likod nito.
"K-kanino ba to galing?" kukunin ko na sana ang diary ko ng matabig ko ang hour glass na dahilan upang mahulag ito sa sahig at mabasag.
"Sht! Kakabigay lang nito saken! Kainis naman!" pupulutin ko na sana ang mga bubog ngunit bigla itong nagliwanag. Ang gold dust nito ay bigla nalang pumalibot sa kinatatayuan ko at umikot ikot.
"Tangina?! Minumulto ba ako o nananaginip!?" hindi ko na talaga maiwasan pa ang magmura! Natatakot ako pero may part saken na baka panaginip na naman to! Nakakaleche na talaga ang mga nangyayari saken ngayon araw na to. Simula dun sa panaginip ko hanggang dito!
"Kung bibigyan ka ng isang pagkakataon para bumalik sa nakaraan? Kailan at bakit?" dito na ako tuluyang natakot. May maliliit na tinig na tila nanggagaling sa gold dust ng hour glass! Bigla akong pinagpapawisan kahit bukas naman ang aircon!
"H-hoy! S-sino kayo ha!?" kinuha ko agad ang pinakamalapit na bagay saken para ihampas sa kung sino man tong nananakot saken ngayon. "Abi!? Laura!? Kung prank to hindi na to nakakatuwa!" nagsisisigaw pa ako kaso alam kong magmumukhang tanga lang ako ngayon sa ginagawa ko dahil wala namang makakarinig. Ako lang ang tao ngayon dito sa bahay! Ghad!
"Binibini..." gusto ko nalang magmura ng magmura ngayon! Nakakainis! "Maligayang kaarawan sa iyo, binibini." napatigil ako. Tila inaalala kung anong petsa ba ngayon. Kasabay nito ang pagring ng phone ko.
BINABASA MO ANG
The Time Traveler
FantasySa mismong kasal ng dating kasintahan at taksil na kaibigan ni Maria ay may nakilala siyang isang estranghero. Nagising na lamang siya na bumalik sa nakaraan. Maaari niya pa kayang baguhin ang hinaharap para hindi na maulit ang pagkabigo ng kanyang...