The Time Traveler (12)

544 51 49
                                    

The Time Traveler (12)

Nagpahinga pa ako ng dalawang araw at pagkatapos non ng maramdaman kong mabuti na ang pakiramdam ko ay pumasok na ulit ako. Araw araw akong dinadalaw ni Abi nung may sakit ako. Samantalang si Light walang paramdam, nakakatampo din pero iniisip ko nalang na baka busy sa school kaso magkakaklase kami nila Abi ang research niya ay research din namin. Medyo nalungkot ako at napabuntong hininga ng wala sa oras. Ano ba kasing nangyayare saken? Bakit ko umaasa sa dalaw ng mokong na yon!?

Kinapa ko ang kwintas na regalo niya saken. Paano niya naman nalaman na birthday ko? Magkakilala ba kami dati? Saka ano yung panaginip na yon? Ganitong ganito itsura ng kwintas na yun! Napakadaming tanong na tumatakbo ngayon sa isip ko. Kapag may tanong may mga rason din akong naiisip! Nakakaleche na to ah! Dirediretso ko pa ding binabaybay ang hallway ng may mabangga ako.

"Sorry, miss!" pinulot ko lang ang wallet ko na nalaglag saka tumango sa kanya. Hindi ko na nagawa pang titigan siya kasi masyado na akong madaming iniisip.

"H-hey, Maria?" doon ko lang napansin na si Angelo pala ang nabangga ko. Kainis naman! Sa dami ng pwedeng mabangga sa loob ng university na to, siya pa! Tumigil ako sa paglalakad at nginitian siya.

"Sorry hindi ko napansin na ikaw pala yun medyo madami kasi akong iniisip ngayon." at mukhang dadagdag pa siya. Napakamalas naman ng araw na to.

"Can we talk?" ano na naman ba ang gusto niya? Mangungulit na naman ba siya? Hindi pa ba sapat na nireject ko siya sa harap ng napakaraming tao? "Saglit lang please." wala na akong nagawa pa at tumango nalang. Dumiretso agad kami sa soccer field ng school at naupo sa gilid nito. Walang may gustong magsalit hanggang sa hindi na nakatiis si Angelo.

"Uhm." nakatanaw lang ako sa malawak na field na may mangilan ngilan na naglalakad. "I'm sorry." napatingin agad ako sa kanya ng makaramdam ng sakit na kumukurot sa puso ko.

"P-para saan?" pinilit kong maging maayos parin kahit na ramdam kong unti-unti ng nagbabadya sa pagbaksak ang akingmga luha.

"I'm sorry dahil ginamit kita para pagselosin si Laura." really!? Gusto kong magmura ng malakas ngayon. "I'm really sorry. G-ginawa ko lang ang bagay na yon dahil a-ayokong pasunod sunod siya saken na parang aso. A-ayokong ganon siya dahil pinagtatawanan lang siya ng iba sa mga ginagawa niya." napatitig ako ng matagal sa kanya at napatawa ng malakas, hindi ako makapaniwala.

"HAHAHAHAHA. KINGINA? Seryoso? Kailangan pang manggamit ng tao para sa iba?! 'Wag ganon! Bad yon!" napakagat labi ako at tinuloy ang pagsasalita, pilit ko paring pinipigilang maluha dahil sa mga nalaman ko. "K-kung gusto mo na pala siya nung una pa. Then go na dapat! Hindi yung nandadamay pa kayo ng mga inosenteng tao sa paligid niyo." pinigilan ko ang masasakit na salita na lumabas sa bibig ko dahil nasa nakaraan ako at wala sa kasalukuyan.

"I'm sorry, Maria. I'm really sorry." kinuyom ko lang ang palad ko atsaka tumayo. Pinagpag ko ang skirt ko.

"Don't worry hindi naman ako na fall sayo or something kaya okay lang pero sana tigilan mo na ang paggamit sa ibang tao. Be a man. Kung gusto mo siyang umayos then do it! Mas pinagmumukhang tanga mo lang lalo si Laura sa ginagawa mo." sinakbit ko na ang bag ko at nagsimula ng maglakad sa kanya palayo. "This coming Ball. Date her Angelo. Be A Man." diniin ko ang huli kong sinabi sa kanya at tuluyan ng umalis.

Sobrang bigat ng bawat hakbang ko palayo sa kanya.

Dito na unti-unting pumatak ang mga luha ko. Nanginginig at nanghihina ang mga tuhod ko ngayon.

So nung una palang pala ako na talaga ang nagamit? Hindi lang ni Laura ngunit maging si Angelo din. Nung una palang pala hindi naman talaga ako ang gusto ni Angelo kundi si Laura? Leche! Nakakainis! So ganon? Ako lang pala talaga ang extra sa love story nila. Ako yung panira para hindi sila magkatuluyan at ako yung kontrabida!?

Dali-dali akong tumakbo papunta sa comfort room. Pumasok agad ako sa isa sa mga cubicle at doon humagulgol. Pakiramdam ko ay pinipiga ng paulit ulit ang puso ko sa mga nalaman ko. Sobrang sakit dahil pareho pala nila akong ginamit! Ano pa bang malalaman ko pagkatapos nito!? Ano pa bang sikreto ng nakaraan ko ang dudurog pa saken lalo!?

Ganito ba talaga? Ganito ba talaga kasakit harapin yung katotohanan? Ano pa bang gusto ko? Nalaman ko na ang totoo. Pero bakit ganon? Sobrang sakit naman yata ng nangyari. Isang bagsakan ang ginawa saken hindi man lang dinahan dahan.

Tanggap ko na na hindi saken si Angelo. Natanggap ko agad yon pagbalik ko palang dito sa nakaraan dahil na din ayoko ng masaktan. Umiwas ako at nilayuan sila ngunit ang katapusan ay ako parin ang ginamit nila.

Bakit ba kailangan pa nilang gumamit ng ibang tao para lang maprotektahan, maayos at mapasakanila ang taong gusto nila?

Kailangan ba ay may masira munang isa bago mabuo ang isa?

Bakit ang unfair ng mundo?

Bakit ganito? Yan nalang ang tanging natanong ko sa sarili ko.

Iyak lang ako ng iyak ng mga oras na yon at wala na akong pakialam kung mamugto ng sobra angmga mata ko. Ang tanging nararamdaman ko lang ngayon ay ang sakit at pagkadismaya. Pagkadismaya na kahit papaano umasa ako na minahal talaga ako ni Angelo pero hindi pala. Mali pala ako at umasa pa ako.

Nang mahimasmasan na ako ay agad akong naghilamos at inayos ang sarili ko.

Hindi dapat ako maging mahina ngayon, kailangan kong magpakatatag dahil kahit napaglayo ko na ang landas namin nila Laura at Angelo ay mas natatakot ako sa mga susunod na pwedeng mangyari. Dahil simula sa mga oras na ito. Hindi ko na ito kontrolado.

Hindi na ito ang nakaraan ko four years ago.

Nakakatakot ngunit kailangan kong harapin ito. Ang gumising araw araw na walang kasiguraduhan kung ano ang mangyayari sa hinaharap.

Nagsimula na ako humakbang patungo sa aking susunod na klase. Sa paglabas ko ng comfort room.

Alam kong dito na magsisimula ang tunay na pagbabago sa buhay ko.

Naglalakad na ako patungo sa classroom ng makasalubong ko si Abi at Light na magkasama.

"M-maria? A-anong nangyari sayo?!" lumapit agad siya at tinignan ang pugtong pugto ko ng mga mata.

"Eww. Ang panget mo lalo? Ano yan nakagat ka ba ng bubuyog?" kung minsan talaga nakakaasar si Light.

"Shhh. Ano bang nangyari?" niyakap ako ni Abi at doon na ako nagsimulang umiyak ulit. Hinagod hagod niya ang likod ko at napakasarap nito sa pakiramdam. Kahit na hindi ko masabi sa kanila kung anong nangyari. Pakiramdam ko ay may dumamay parin saken kahit papaano. Na may nag aalala pa din saken.

"Huy bakit ka ba naiyak?" binitawan ako ni Abi at naramdaman ko nalang na may mga bisig na yumakap ulit saken. Amoy na amoy ko ang pabango niya. "Shhh. Tahan na wag ka ng umiyak. Lalo kang napanget eh."

"Light! Naiyak na nga yung tao inaasar mo pa!" yumakap din sa amin si Abi at sigurado akong para kaming mga tanga sa hallway ngayon. "Iiyak mo lang yan. Nandito lang kami para sayo."

"Chansing lang to saken! Makayakap nga oh! Wagas!" di ko alam kung itutulak ko ba siya o hindi dahil naasar na talaga ako pero despite that naramdaman kong komportable ako at protektado.

Bakit nga ba ako matatakot harapin ang bukas?

May mga kasama na ako ngayon at may mga totoong kaibigan na alam kong dadamayan ako at hindi pababayaan.

The Time TravelerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon