The Time Traveler (05)

667 60 30
                                    

The Time Traveler (05)

"Maria... Ayos ka lang ba? Kanina pa kita nakikita dito sa loob ng confort room." Napatingin ako sa babaeng bumati saken. Magulo ang kanyang buhok at madumi ang kanyang uniform. Basang-basa ito at kulay putik din. Napansin niya ang pagtitig ko sa kanya. "Ah. Wala ito medyo nadapa lang ako sa putikan." Sinungaling...

Alam ko kung anong nangyari sa kanya. Pinagtripan na naman siya ng mga kaklase namin at ng grupo ni Eren kaya ganito ang itsura niya. Halos puro gasgas din ang braso niya.

"A-ayos ka lang ba?"  Ako dapat ang nagtatanong nito sa kanya. Ngumiti lang ako sa kanya saka hunawak ng mahigpit sa puson ko. Sobrang sakit na talaga nito at hindi na din ako makalabas ng dahil natagusan ang palda ko.

"Hala m-may tagos ka." Napansin niya ito ng makita ang red stain sa likod ng palda ko.

"Hindi ako makalabas dahil sa skirt ko may laro pa naman sila Angelo ngayon." Nag aalala niya akong tinitigan ng biglsng lumiwanag ang kanyang mukha.

"Alam ko na! May extra uniform ako sa locker. Ipapahiram ko muna sayo." Sana all may locker. Nagsisisi ako na hindi ako kumuha non dahil akala ko hindi ko magagamit.

"Sige. Ipapalaundry ko nalang at ibabalik ko sayo."

"Wait lang kukunin ko lang ha." Akala ko hindi niya na ako babalikan dahil halos 30 minutes na simula nung umalis siya pero hanggang ngayon ay wala paring Abi na nagpaparamdam. Napatingin ako sa phone ko ng makita ko ang reply ni Laura sa text ko. Nasa gym na daw siya at sobrang layo ng lalakarin niya kung pupuntahan pa niya daw ako dito. Napabuntong hininga nalang ako kasabay nito ang pagbukas ng pinto ng comfort room.

"Sorry natagalan. May nangyari eh haha." Mas dumami ang dumi ng uniform niya ngayon kung kanina at kulay putik ito ngayon naman ay sari-saring kulay na ang makikita dito. "Ito na oh. Mahpalit ka na para makahabol sa game nila Angelo"

"Salamat." Ngumiti ako at nagpalit ng skirt at nakakagulat na may kasama itong undies at napkin. Mukha namang bago kaya ginamit ko nalang din. Paglabas ko nandoon parin siya at naghihintay saken.

"Ipapalaundry ko nalang ito, atsaka yung undies at napkin papalitan ko nalang! Salamat talaga, Abi!" Yayakapin ko pa sana siya ng siya na misml ang lumayo saken.

"Madudumihan ka kapag dumikit ka saken hahaha." Ang ganda ng ngiti niya kahit na ang sasama na ng tao sa paligid niya. Paano niya ba ito nagagawa?

The Time TravelerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon