The Time Traveler (21)

549 46 12
                                    

The Time Traveler (21)

"Tita, uwi na tayo? Hindi ko feel mag-mall ngayon." matog na matog ako habang pasakay kami ng jeep papuntang mall. Kailangan ko kasing makausap si Tita Isabel!

"Saglit lang tayo. Bibili lang ako ng catleya filler. Naubusan ako eh." napabuntong hininga nalang ako saka humawak sa kamay niya ng makakita ako ng gummy worms sa isang stall ng candies!

"Uhm, tita..." naglalaway na talaga ako nung makita ko yon. Ang colorful and mukhang masarap at maasim!

"What!?" tinuro ko lang sa kanya ang candy stall ng napahilamos nalang siya sa mukha niya. "Okay! I'll buy you. Just behave ha." wala na akong nagawa kundi ang magpakabait kahit inip na inip na.
Tiniis ko nalang para sa mga gummy candies na yon. Ilang minuto pa ang hinintay ko matapos na si tita sa pagbabayad sa counter. Ngiting ngiti ako noon kasi matitikman ko na ang gummy worms na yun! Agad kaming dumiretso doon at binilhan niya ako ng 50 pesos nito.

"Ayan na ha. Uuwi na tayo!" sigaw na naman niya na parang wala ng bukas! Wala naman na akong sinabi pa kasi baka bawiin tong gummies ko!

Naglalakad na kami noon nito tita ng may mapansin ako sa loob ng mall. Something is odd here. May kakaiba dahil bigla bigla nalang nag slow motion ang lahat including tita. Napabitaw ako sa kanya ng bumalik ang dati sa kanya kanya nitong bilis.

"Hey? Anong nangyari sayo?" umiling lang ako at buong byaheng hindi naimik. Ano yung nangyari kanina? Tumigil ba ang oras? Hindi naman sila nag stop. Nagslowmotion lang naman sila. Nang makarating sa bahay ay agad akong unakyat sa taas at nagmadaling magbihis. Nakabestida ako noon ng humarap ako sa salamin.

Ano to? Tanong ko sa sarili ko ng mahagip ng mga mata ko ang marka sa bandang dibdib ko. Ibinaba ko ang strap ng bestida ko ng makita ko kung anong nasa kaliwang parte ng dibdib ko. Hour glass? Saan to galing? Para itong tattoo ngunit ang kaibahan lang ay gumagalaw ito at tila bumabagsak ang buhangin na nasa loob nito dahil nakikita ko kung paano mabawasan ang buhangin sa loob nito.

Ito ba ang oras ko? Konklusyon ko. Kaunti nalang ito. Aabot pa ba ito ng sunday? Sabagay saturday na bukas. So kung ito nga ang oras ko. All I need to do is ang iligtas si Light then makakabalik na ako sa future? Ganon ba? Kung ganon ay kailangan ko palang magmadali. Naghubad nalang ako ulit at nag tshirt baka mag freak out si Tita kapag nakita niya ako na may tattoo. Bumaba agad ako sa firtmst floor ng bahay namin ng makita ko si tita na kumakain sa kusina.

"Meryenda? Alas tres na ng hapon oh." umiling lang ako saka tumakbo palabas. Narinig ko pa siya sumigaw pero di ko na pinansin. Tumawid agad ako sa kalsada at nag door bell sa bahay nila Light. Alam kong nasa loob lang si Tita Isabel dahil never itong nakialam sa family business nila. Ang gusto lang nito ay ang maging isang plain house wife. Nasabi niya ito sa akin noong kumain ako ng dinner sa kanila. Nagdoor bell ulit ako ng biglang magbukas ang pintuan ng gate nila. Luckily si Tita Isabel ang nagbukas nito.

"Ohh. Ria. Anong ginagawa mo dito?" kiniss niya pa ako sa pisngi "halika pasok ka sa loob."

Sunday... Magkikita-kita daw kami ni Miss Dela Vega sa may park para sunduin. Sa hapon ay uuwi din naman daw agad kami.

"Ria! Halika na mag 10 am na oh. Baka naghihintay na siya!" pasimple kaming pumuslit sa mga magulat namin. Lalong lalo na kay Tita Vangie. First time namin na magcacamp kaya naman sobrang excited talaga!

"Wait naman. Kunin ko lang yung bagpack ko binagsak ko dito yun sa garden eh." naghanap hanap pa ako and the viola! Nahanap ko din. Naglakad kami ng mga almost five minutes din papunta sa park. Dun muna kami sa swing ng may bumusina na sasakyan. I think siya na to. Bumaba siya at talaga namang napakatalino niya dahil sinakto niya na walang tao sa park ang pagdating niya.

"Hey! Lets go?" excited na hinawakan ni Light ang kamay ko pagkatapos ay hinila ako papunta sa loob ng kotse. Kids are kids. Madaling maengganyo sa mga bagay bagay kahit na ikakapahamak pa nila ito.

"Miss Dela Vega. How can we assure that we are going to enjoy this camping?" tanong nitong madaldal na light na to. Hays. Ako naman nakatingin lang sa labas habang pinagmamasdan ang dinadaanan namin.

"Mag eenjoy kayo sa gagawin natin." i saw a flash of smirk in her face. Napatingin ako sa dibdib ko. My time. Malapit na itong maubos. Kailangan kong maligtas si Light bago pumatak ang huling buhangin sa loob ng hour glass.

"I want some chocolates." sabi ko kay Light. Kinuha niya naman ang bag niya at inabot ang napakadaming chocolates saken. I hope na pagbalik ko sa future ay matigil na ang pagkahilig ko dito. Tataba ako ng sobra kapag pinagpatuloy ko pa ito.

"Hmm. Ria, alam mo nagbago ka." hindi ko pinansin si Light. Hindi ako intresado sa sasabihin niya ngayon dahil mas nag aalala ako sa mangyayari samin. Kasama namin ang killer. Ano pa bang mas magiging delikado doon? And at this point kailangang mas mag ingat na hindi ko maiwanan si Light mag isa kasama ang Pelita Dela Vega na to.

"Anong pinagbago ko?" kumain lang ako ng kumain ng chocolates dahil sa kaba at takot ngayon. Sakto namang nagsimulang pumatak ang ulan. Naalala ko nung makita ko si Light na duguan. Naulan noon at ngayon ay naulan din.

"The way you talk, uhmm yung mga gestures mo, yung pagtawag mo saken, yung mga tingin mo at kung anu ano pa. Parang ang matured mo na." tinignan ko siya ng mariin. Siya ang kaibigan ko since lumipat sila sa tapat ng bahay namin. At alam kong mahahalata niya talaga ang mga pagbabago saken.

"What if sabihin kong hindi ako ang Maria na nakilala mo? Maniniwala ka ba?" nagkamot lang siya ng batok sa tanong ko. Sabi na nga ba, hindk siya maniniwala. Bumalik nalang ulit ang tingin ko sa labas. Malapit na kami.

"What if sabihin kong maniwala ako?" tinawanan ko lang siya.

"You know me right? Kung hindi ako si Maria malalaman mo agad." nagbuntong hininga siya at inagaw ang chocolate sa kamay ko. Kinagatan niya ito at inubos.

"Yes, I know you and i really know na hindi ikaw si Ria na nakilala ko five years ago." akala ko jojoke lang siya pero seryoso ang mukha niya. Tumingin nalang siya sa ibang direksyon at ganon din ang ginawa ko. Napansin ko naman na sumisilip silip si Miss Dela Vega samin. Inirapan ko nga. Lecheng babae to.

"Nandito na tayo!" nasa gubat kami ngayon. Maglalakad pa daw kami paakyat ng bundok kaya lang naulan ngayon at madulas ang daan. Pagkababang pagkababa namin ay nag iba agad ang ngiti niya. Ngumisi ito. Lalapitan sana nito si Ligjt ng hinila ko ito at inilagay ko sa likod ko.

"I know who you are Pelita." napaatras siya sa sinabi ko. All this years ay itinago niya ang tunay niyang pangalan para lang makapaghiganti sa mga magulang ni Light. She is the other woman. Means naging kabit siya ni Tito. Yun ang sabi ni tita. Hindi pa kasal si Tita at Tito noon ng malaman ni Tito na nabuntis niya si Pelita. Sumugod ito sa bahay nila but unfortunately ng itulak siya ng ama ni Light. Dinugo siya at nalaglag ang baby niya.

"You're a smart ass darling." nginisian ko siya ng magsimula ng magtaka si Light.

"A-ano bang nangyayari, Ria?" hinawakan ko ang kamay niya.

"Kahit anong mangyari wag na wag kang aalis sa likuran ko. Naiintindihan mo?" tumango tango lang siya saken pero halata sa mukha niya na nagtataka talaga siya at clueless sa mga nangyayari. "Gusto niya tayong patayin kaya niya tayo dinala dito."

"W-what? W-why?" humigpit ang hawak ni Light sa kamay ko. Ramdam ko ang panlalamig nito dahil sa kabang nararamdaman niya.

"Because your father kill our baby!" at doon nabitawan ni light ang kamay ko.

The Time TravelerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon